KHAKI
Foundation Day na! Parang kailan lang no'ng nag-aaral pa kami nina Harold at Marco sa ARV-U. Ngayon kasi ay isa na kami sa guest band na magpeperform together with Interglot. excited na rin ako sa mga tutugtog, taga-cheer din kasi ako nina AVI, VER and ROB. May potential ang tatlong 'to para sa isang banda.
A/N: Alam nyo naman si Khaki, mahilig sa acronyms HAHAHA acronyms 'yan nina Ainsley, Vilhelm at Ryder.
"Are you ready my Rock Princess?" JAE hugged me from behind.
"Of course my Rockstar! Excited na nga ako, e." Humarap ako sa kanya at hinalikan siya sa labi.
"Lovebirds, 'wag masyadong PDA. Nakakahiya naman sa'min na mga single pa." Panunukso pa ni Harold. Nandito kasi kaming apat sa bahay ni JAE. Dito na kami manggagaling bago pumunta ng ARV-U. Si bunso naman ay kasama nina Ainsley na nagpeprepare na sa campus.
"Harold, 'wag ka na kasing babagal-bagal. Alam ko namang type mo ang ate ni VER." Pang-aasar ko sa kanya.
"Tinaguriang chicks magnet ng Black Stones pero totorpe-torpe naman kay Eos Reighanne." Panggagatong pa ng pinsan nyang si Marco.
"Salamat sa suporta, guys. Nakakatulong kayo, sobra." Tinawanan lang namin siya.
"Dapat si Marco naghahanap na rin ng girlfriend. 'Wag kang tutulad kay Harold na kukupad-kupad." JAE said.
"I have a feeling na malapit ko na siyang makilala pero ang kapalit ay pansantala akong mapapalayo sa inyo." Biglang lumungkot ang mukha ni Marco.
"But why?!" Sabay-sabay naming tanong.
"I'll tell you after the Foundation Day."
"Tungkol ba 'to sa business nyo abroad, 'insan?"
Kibit-balikat lang ang itinugon nya.
Hindi na kami nagtanong. Sa halip ay inayos na namin ang mga instrumentong gagamitin namin sa pagtugtog mamaya sa program pati sa Rockoustic Night. Bitbit na ni bunso (Yoshiro) ang bass guitar nya papuntang ARV-U.
*****
LARKIN
"Galingan nyo mamaya! Ichicheer ko kayo!" Nakipah-high five ako kina Ainsley, Vilhelm, Ryder, Yoshiro and Stef. Wala pa kasi ang kambal ng tadhana na sina Helios at Helena pero on the way na raw sila.
"Domo arigatou." Ngiti ni Yoshiro sa'kin. Ang cute nya tuloy lalo.
"Kinakabahan ako. First time ko magperform sa maraming tao." Ainsley said kaya naman inakbayan siya ni Vilhelm.
"Don't worry, Dear. Isipin mo lang ako para mawala ang kaba mo."
"Tama si Vilhelm." Ngiti naman ni Ryder.
"Hindi kaya mas lalo akong kabahan?" Pang-aasar naman ni Ainsley.
"Hard mo talaga sa'kin, Dear!"
Bagay na bagay talaga ang dalawang 'to. Ang kulit kasi ni Vilhelm tapos may pagka-maton pa minsan si Ainsley.
"Late na ba kami?" Napalingon kami sa pintuan ng classroom namin nang magsalita ang kambal.
"Hindi naman. Thirty minutes pa bago magsimula ang program."
"Hey guys!" Kasunod lang pala nila dumating ang Black Stones.
"Ate Cassie!" Agad na niyakap ni Yoshiro si Khaki.
"Missed me, bunso? Bakit parang gumugwapo ka yata ngayon?"
"Tanungin mo si Larkin, Khaki." Stef giggled.
"Si LEI? Kaya naman pala." Nanunuksong tingin ang ibinigay sa'kin ni Khaki. Pakiramdam ko ay nag-init bigla ang pisngi ko.
"Don't tease her, Cassiopeia. She's blushing." Jager said habang nakaakbay sa girlfriend nya.
"Kinikilig lang ako kasi bagay kaya sila!"
"Playing Cupid talaga 'tong si Khaki." Iiling-iling naman si Harold.
"Bilisan mo kasi ang diskarte kay Eos. Baka maunahan ka pang magka-girlfriend ni Marco."
Natatawa ba lang kami nina Helios sa asaran nila. Buti at hindi nagkakapikunan ang mga 'to. Sabagay para na rin silang magkakapatid.
"Happy Foundation Day!" Apat na gwapong lalaki naman ang dumating.
"Interglot! Aga nyo rin, a." Lumapit ang members ng Black Stones sa kanila at nakipag-fist bump.
"Oo. Kasunod lang namin ang Raindrops at BlackOut." Danrelle informed.
"Hi!" Magkakasama namang dumating ang dalawang banda, or rather magkakapares. Loveteams yata ang dalawang bandang 'to.
"Mukhang masaya ang Foundation Day natin!" Excited na wika ni Stef.
"Nandyan na nga rin pala ang Guys In Plaid Shirts pati ang Exi(s)t." Urikka informed. Magpeperform din nga pala ang Dark A.U.R.A.
"Tara na sa labas. May naka-reserve na tayong upuan sa harap courtesy of Team BLAST." Yoshiro said kaya lumabas na kaming lahat ng classroom.
*****
Five days ang itatagal ng Foundation Day. Sari-saring booth ang nagkalat sa buong campus. Mayroon ding fun rides para sa lahat ng pupunta. Hindi lang kasi para sa mga estudyante ng ARV-U ang araw na 'to kun'di pati na rin sa mga outsider. Ang proceeds na maiipon galing sa booths at fun rides ay mapupunta sa mga foundation na sinusuportahan ng school. Kaya naman willing ang ibang banda na kakilala ni Khaki na makipagtulungan sa layuning ito. Nakatulong ka na, nakapag-rakrakan ka pa. May dance contest din on Day Three at guests ang Dancefloor King and Queen na sina Alexandrea Dela Merced at ang kinakapatid ni Ainsley na si Achilles Severano.
Halos mapuno na ang Hall nang pumunta kami. Ang iba ay nagpa-autograph pa at nagpapicture sa mga bandang kasama ko. Feeling ko tuloy ay may artista na sa school namin.
"Yoshiro, pa-autograph din!" Biro ko kay Yoshiro habang pinipirmahan nya ang notebook ng isang outsider. Nginitian naman nya ako.
"Khaki, pa-picture!" Narinig ko pang request ng mga freshman student kay Khaki.
"Sure!" Inakbayan naman ni Khaki ang nagrequest sa kanya.
Mayamaya pa ay nakarinig kami ng iritan at wolf whistles. Kaya naman pala, magkakasamang dumating sina Alexandrea, Achilles, ang idol kong model na si Eos Reighanne, ang model couple na sina Mel Santibanez at Aphrodite Alessandra Sarmiento, Khaki's sister. Dumating din ang kuya ni Jager na si Radford kasama ang asawa nyang si Krystelle. Umuulan ng mga magaganda at gwapong nilalang ngayon!
"May I have your attention please?" Napatingin kami sa stage nang magsalita ang Emcee at SSC President na si Liezl. "Are you ready to rock and roll, ARV-U?"
"Yeah!" Sigaw naming lahat.
"I can't hear you!" Inilagay ni Liezl ang kamay sa tenga nya na kunwari ay nakikinig.
"Yeah!" Mas malakas na ang sigaw this time.
"So here's the first band who will rock us out, one of ARV-U's Alumni, here's Black Stones for you!"
"Thank you, Miss SSC Pres. Now, let's rock the house down!" Khaki shouted with a rock sign hands in the air.
_________
Part 1 muna HAHAHAHA ako lang ba ang nakamiss kay Khaki together with Black Stones?
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
ספרות נוערPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018