Chapter 33: LQ Equals Song Composition

34 10 12
                                    

AINSLEY

Habang nasa bakasyon ang ilang estudyante, partikular na ang mga nasa lower year, kami ay nandito pa rin sa school dahil sa Summer Classes. Ang kagandahan lang nito, kasabay ng pagpasok namin kahit May na ay ang pagcecelebrate ng Foundation Day.

Usually, three days tumatagal ang Foundation Day. Sa huling araw naman gaganapin ang Rockoustic Session kaya excited na rin kaming mag-perform.

Katatapos lang ng last subject ko nang mag-vibrate ang phone ko. Si Vilhelm pala ang nag-text.

Fr: Vilhelm
Ano'ng oras tapos ng klase mo? Tambay tayo sa park ;)

Nagreply ako matapos ayusin ang gamit ko.

To: Vilhelm
Katatapos lang. Gutom na nga ako, e. Basta ba manlilibre ka :P

Ang bilis naman magreply ni mokong.

From: Vilhelm
No problem! Meet me at the school gate. Already here.

Wow, bilis, talaga!

To: Vilhelm
Okie dokie.

"May lakad ka?" Nagulat pa ako nang magsalita si Ryder.

"Yup. Trip tumambay ni Vil sa park. Actually, naghihintay na raw siya sa may gate."

"Good. Hindi kasi kita maihahatid ngayon." Ngiti nya sa'kin.

"May lakad ka?" Okay, ginaya ko lang ang tanong nya.

"Oo, e."

"Date?" Panunukso ko sa kanya habang palabas kamimng room. Magkakasabay naman sina Helios, Larkin at Yoshiro papunta sa HRM building. May lakad daw sila nina Steph ngayon. Lahat yata kami sabay-sabay na may lakad?

"Meeting with a new friend."

"Date nga. Sus. Siya ba 'yong sinasabi mo last time na nakilala mo sa birthday ko."

"Tumpak. Sayang nga at umuwi siya kaagad kaya hindi ko na napakilala sa'yo."

Natatanaw na namin si Vilhelm na nakasandal sa motor nya sa may harap ng school gate. Nakikipag-chikahan pa siya kay Manong Guard.

"Next time. Ipapakilala ko rin sa'yo ang new found friend namin ni Achi."

"Sure."

Matapos ang fist bump ay kanya-kanya na kaming sakay ng motor. Nakaangkas ako kay Vilhelm malamang.

Pagkadating namin sa park ay agad kaming pumunta sa food stalls na magkakahilera. Napaisip tuloy ako kung saan kami bibili. Ang nangyari, lahat ng stalls ay binilhan namin. Kilig na kilig pa nga ang mga nagtitinda kay Vilhelm. Okay na rin, naka-discount pa kami at mas marami pa sa karaniwan ang servings ng mga binili naming pagkain.

"Ayos rin ang pagpapa-cute mo kanina. Effortless. Nakarami tayo ng pagkain. Tamang-tama at gutom na gutom na talaga ako." May libre pa kaming picnic mat kaya dito kami pumuwesto sa damuhang parte ng park.

"Kilig na kilig nga sila, buti hindi ka nagselos." He grinned at me. Sabay pa kaming umupo para ayusin ang mga pagkain.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Asa ka pa, dude."

"Ouch. Basted kaagad ako kahit hindi pa kita nililigawan." Sabay pa tuloy kaming napatawa.

"Kumain na nga muna tayo. Naglalaway na ako sa siomai at kwek-kwek." Sabay kong tinuhog ang dalawang kwek-kwek bago ko isubo. Patay-gutom aang peg.

"Hindi halatang gutom na gutom, a. Para kang bata kung kumain." Napatigil ako sa pagnguya dahil sa pagdampi ng hinlalaki ni Vil malapit sa labi ko. Nalagyan pala ng sauce. Balewalang tinikman nya pa using his thumb. Pambihira.

Pierres Noires (Black Stones) 2 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon