Chapter 18: Sleepover

53 9 5
                                    

STEFANIE

"Masyado ka namang obvious, Ains." Pagkatapos ng baking moment at dinner with Vilhelm, isama na rin ang kulitan naming apat bago ito umuwi ay nandito na kaming dalawa ni pinsan sa kwarto nya. Dito muna kasi ako mag-sleepover at para na rin gawing miserable ang buhay este makipag-bonding kay Ainsley.

Napatigil sa pag-aayos ng kama si pinsan at humarap sa'kin. "Obvious saan?"

"Na head over heels ka sa bestfriend mo. Too bad 'cause he's that numb." Namula siya sa statement ko na 'yan saka napabuntung-hininga.

"Halata ba talaga?"

"Oo kaya! Buti na lang Team Vinsley kami ni Tita. Tsaka hello? Kahit si Vil e alam na type mo si Ryder." Kinuha ko ang acoustic guitar na nakasabit malapit sa kama at sinimulan itong tugtugin.

"Kasi naman si Ryder ang ideal guy ng lahat. Minus the fact na may itsura siya. Ang manhid nga lang talaga."

Patuloy pa rin ako sa pagtugtog. "Ryder only sees you as his younger sister, Ains. No more, no less. Hanggang mag-bestfriend na lang talaga kayo kaya 'wag ka na mag-assume ng next level. Besides, mas bagay nga kasi kayo ni Vilhelm! Kakakilig OMG!" Hindi naman halata na pingtutulakan ko siya kay Vil 'di ba?

Napasimangot tuloy siya. "Hindi ko type si Vilhelm 'no. Nakasulat kasi sa mukha nya na babaero siya."

"He's the one for you, believe me tsaka 'wag magsalita nang tapos at baka dumating ang time na kainin mo lahat 'yan. Don't worry, magbabaon ako palagi ng bottled water para hindi ka mabulunan." Natatawang sabi ko kaya lumanding ang isang unan sa mukha ko. Ang sweet talaga ng pinsan ko!

Ibinaba ko muna ang gitara sa lapag. "Pillow fight pala ang gusto mo ha? Game!" Pagkakuha ko ng unan sa tabi ko ay nagsimula na kaming mag-rumble. Sali kayo? Masaya 'to!

*****

"Awat na Ains!" Humihingal na sabi ko habang iniilagan ang bawat paghampas nya ng unan. "Grabe, 'wag mo namang ibunton sa'kin ang frustrations mo about Ry!"

Tumigil naman siya sa pananalanta at sabay pa kaming humagalpak ng tawa dahil parehong gulo-gulo ang buhok namin. Mukha na kaming bruhang mangkukulam pero magagandang version nga lang.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa bestfriend ko, Stef. Magtapat na kaya ako sa kanya?"

Hinagisan ko siya ng unan. "At bakit ka magtatapat? Ang cheap naman yata ng dating mo at saka ready ka ba kapag isinampal nya sa mukha mo ang katotohanang hanggang mag-bestfriend lang kayo?" Nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntunghininga bago umiling sa'kin.

"Nakakainis naman kasi ang puso ko. Sa dami naman ng pwedeng magustuhan e kay bestfriend pa talaga tumibok." Sumandal siya sa headboard at nag-indian sit.

"Hindi rin naman kita masisisi my dear cousin. Boyfriend material naman kasi talaga si Ryder. Pero baka naman namimisinterpret mo lang 'yang nararamdaman mo as love. Baka kasi gusto mo lang siya kasi masaya ka sa company nya. Halos magkakasabay kasi tayong lumaki kaya baka mahal mo lang din siya as older brother. Siya rin ang knight in shining armor mo kapag may nambubully sa'yo when we were in grade school." Mahabang litanya ko sa kanya.

"Ayoko na nga mag-isip! Mababaliw lang ako sa love love na 'yan!"

"Hindi ka pa mukhang baliw sa lagay na 'yan Ains?" Pang-aalaska ko sa kanya kaya sinamaan nya ako ng tingin.

"Peace tayo! Ganda ganda talaga ng pinsan ko." Ang lapad ng ngiti ko habang naka-peace sign sa kanya.

"Krung-krung ka talaga Stef kahit kailan, tsk."

Kinuha ko ulit ang gitara na nasa lapag. "Kantahan na lang kita cous para makatulog ka na. 'Wag mo na masyadong pagpantasyahan este pakaisipin si Ryder."

"Hindi halatang botong-boto ka kay Vil, Stef."

"Hindi naman talaga halata. Halatang-halata lang!"

Napatawa na lang siya habang umiiling.

"Humiga ka na nga Ains at kakantahan kita ng lullaby." Sinunod naman nya ako pero may hawak pa siyang cellphone. May textmate siguro siya sa panaginip nya at balak nyang makipag-eyeball.

"Bakit may hawak ka pang cellphone e matutulog ka na lang naman?"

"Basta! Simulan mo na nga lang ang pagkanta!"

"O siya, 'eto na nga!"

There are three words, that I've been dying to say to you
Burns in my heart, like a fire that ain't goin' out
There are three words, & I want you to know they are true...
I need to let you know
I wanna say I love you, I wanna hold you tight
I want your arms around me & I, want your lips on mine
I wanna say I love you, but, babe I'm terrified
My hands are shaking, my heart is racing
Cause it's something I can't hide, it's something I can't deny
So here I go...
Baby I lo-o-o-ve you

Bagay na bagay kay Ains ang kantang 'to pero Team Vinsley pa rin ako (idamay na rin natin si Tita) at tulungan nyo akong i-push 'yan, ha? Sila talaga ang magkakatuluyan! Itaga nyo 'yan sa contact lenses ko. Aja!

I've never said, these words to anyone, anyone at all
Never got this close, cause I was always afraid I would falll
But now I know, that I'll fall right in-to your arms...
Don't ever let me go
I wanna say I love you, I wanna hold you tight
I want your arms around me & I, want your lips on mine
I wanna say I love you, but, babe I'm terrified
My hands are shaking, my heart is racing
Cause it's something I can't hide, it's something I can't deny
So here I go...
Baby I lo-o-o-ve you

Sa sobrang emote ko habang kumakanta at naggigitara ay napapapikit pa ako. Kakantahin ko na ang next line nang makarinig ako ng click ng camera kaya napadilat ako. At sakto nga pagdilat ko ay kinuhanan ulit ako ng picture ni pinsan gamit ang phone nya.

"Epic ng itsura mo Stef!" Kagat-kagat pa ni Ains ang daliri nya habang nakatingin sa phone.

"Daya mo naman e! Sana man lang nagpasabi ka para ready ako! Kung gusto mo talaga ng pictures ko ay 'wag ka na mahiyang magsabi. Ibubluetooth ko sa'yo agad-agad!" Isinabit ko na ulit ang gitara at hindi na tinapos ang pagkanta.

"Feeling fan mo 'ko mga gano'n? Itulog na lang natin 'yan." Matapos ipakita sa'kin ang epic na stolen shot ay sabay pa kaming humiga.

"Ains, wala ka ba talagang balak para sa debut mo?" Naisipan kong itanong sa kanya habang nakapikit.

"Ang daming nagugutom na mga bata tapos magwawaldas lang tayo ng malaking pera para sa debut ko? 'Di bale na lang tsaka hindi na ako nagcecelebrate ng birthday."

Bigla akong napapitik dahil may idea na pumasok sa isip ko. "Tama! Maraming nagugutom ngayon at kumakalam ang sikmura! Feeding program na lang kaya ang gawin natin sa debut mo?" Sabay pa kaming ngumiti dahil sabay kaming bumaling ng higa kaya magkaharap kami ngayon.

"Pwede. Mas maganda nga 'yon para memorable ang debut ko."

"Nakaka-excite naman! May program din syempre para maentertain ang mga tao."

"Pero bago ang lahat..." Pabitin na sambit nya.

"What?"

"Matulog na muna tayo. Mag-aalas dose na aba!"

"Oo nga naman. Goodnight Ains!"

"Sweetdreams Stef."

"May date pa nga pala kami ni Helios sa Dreamland." Crush na crush ko talaga si Helios pero si Ains lang ang nakakaalam nyan. Behave lang din naman ako kapag nasa campus kami.

"Baliw! Tulog na tayo!" Pinatugtog muna ni Ains ang phone nya na nakakabit sa mini speakers bago pinatay ang lamp shade.







Pierres Noires (Black Stones) 2 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon