AINSLEY
All your twisted thoughts free flow
To everlasting memories
Show soul
Kiss the stars with me
And dread the wait for
Stupid calls returning us to life
We say to those who are in love
It can't be true 'cause we're too young
I know that's true because so long I was
So in love with you
So I thoughtSlowmo ang pagmulat ko ng mata at dahil nakatagilid ako ng higa ay sumalubong sa'kin ang alarm clock na nasa bedside table ko na nagsusumigaw na it's only quarter to three in the morning. What the heck! Sino namang herodes ang tatawag ng ganitong oras? 'Yang lyrics sa first part ng chapter na ito ay ang napakagandang ringtone ng cellphone ko na kasalukuyan kong kinakapa rito sa kama. Anak ng tokwa nasaan na ba 'yon?!
Inihagis ko ang comforter ko sa lapag at presto! Nakita ko na si cellphone na nasa bandang dulo na ng kama ko.
"Hello." I let out an irritated sigh. Aga-aga mang-istorbo.
[Good morning baby!]
Biglang nanlaki ang mata ko at inunahan yata ako sa finish line ng antok kaya nagising na ang diwa ko. Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama.
"Ryder. Olivier. Blanco. Alam mo ba kung ano'ng oras pa lang ngayon?" Gustuhin ko mang isumpa ang bestfriend ko dahil sa pag-sira ng tulog ko ay 'di ko magawa. Mahal ko 'to e.
[It's quarter to three in the morning Ainsley Vivienne Iñiguez.] Kita nyo na at pilosopo pa ang isang 'to.
"Yeah. Great answer." I said sarcastically.
[Ngayon pa lang kasi ako matutulog pero naisip kong tawagan ka muna para sirain ang tulog mo este batiin ka ng good morning.]
"Wow Ryder, nakakatouch ka naman!" Note the sarcasm here folks.
Tumawa naman siya sa kabilang linya. [So kumusta naman kayo ng Dear mo?]
"Sino'ng Dear naman 'yon?" Teka sino nga bang Dear?
[One week pa lang ang nakakalipas at nagka-amnesia ka na agad baby.] Ewan ko ba dito kay Ryder ba't ganyan ang tawag sa'kin. Baby. Yuck. Joke!
Tumingin pa ako sa kisame at nag-isip. Then suddenly...
"It's Vilhelm Eryx Ramirez." Whoa nice name!
"Got to go Vilhelm. Bye."
"I'll go with you." At bago pa ako maka-react muli ay heto at hawak na naman nya ang kamay ko at kinaladkad ako palabas ng SMX Convention Center.
***
"Nice to meet you Dear! See you when I see you!" Sumakay na si Vilhelm sa bigbike nya at sumaludo pa sa'min ni Ryder bago tuluyang umalis. Yeah, inihatid nya ako hanggang dito sa may entrance.
"Who's that?" Ryder asked at nanunukso ang tingin.
"My Savior." I simply stated.
"And he called you Dear." Hindi ko gusto ang tono nya. May balak pa 'atang magpaka-Cupid.
"Si Vilhelm? Malay ko do'n, 'di ko na naman siya nakita after the concert."
[Bagay kayo baby!] At tumawa na naman siya sa kabilang linya.
"Kung mang-aasar ka lang kaya mo 'ko tinawagan ay ibababa ko na 'to."
[Biro lang naman baby! O sige matulog ka na ulit.]
"Mahihirapan na akong makatulog, Blanco." 'Pag surname na ang tawag ko sa kanya, it means na badtrip na talaga ako.
[Kakantahan na lang kita baby. Wait I'll go get my guitar.]
Nawala siya saglit ng ilang segundo hanggang sa narinig ko ang pag-strum ng gitara.
[Humiga ka na ulit dyan at magsalpak ng earplugs at pakinggan mo ang mala-Hunter Hayes kong boses.]
"Okay fine." Kinuha ko ang earplugs ko at humiga na habang nakikinig sa pagkanta ni Ryder.
Crowded hallways are the loneliest places
For outcasts and rebels
Or anyone who just dares to be different
And you've been trying for so long
To find out where your place is
But in their narrow minds
There's no room for anyone who dares to do something different
Oh, but listen for a minutePara akong inihehele ng boses nya. Idol ko talaga 'to sa pagkanta, ang galing! Ka-boses nga nya talaga rito sa Invisible si Hunter Hayes.
Trust the one
Who's been where you are wishing all it was
Was sticks and stones
Those words cut deep but they don't mean you're all alone
And you're not invisible
Hear me out,
There's so much more to life than what you're feeling now
Someday you'll look back on all these days
And all this pain is gonna be invisible
Oh, invisibleAt namalayan ko na lang na hinihila na ako ng antok at may date daw kami sa Dreamland.
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Genç KurguPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018