AINSLEY
Hay salamat at tahimik na rito sa bahay, kanina kasi ay parang may rebolusyon dito sa sobrang ingay ng mga kasama ko. Ayos na rin dahil sulit na sulit ang araw na ito na puno ng kakulitan at asaran.
Pagkatapos kong tulungan sina Mama sa paglilinis ng mga kalat namin ay dumiretso na ako sa kwarto para mag-half bath. May sarili naman kasi akong bathroom kaya liguan na!
*****
"In-add pala ako ni Vilhelm?" Nag-scroll ako dito sa tab habang nagkukuskos ng towel sa ulo. Nag-open kasi ako saglit ng Facebook at logout na rin pagkatapos mag-update ng status.
Nag-check muna ako ng info nya to find out na kapatid pala nya si Eos Reighanne Ramirez.
"OMG! Bakit hindi ko naisip na Ramirez nga pala ang apelyido ni Dyosang Eos?" 'Yan talaga ang tawag ko sa idol kong model.
Nag-stalk pa ako ng kapiraso sa account ni Vilhelm. Nag-status din siya ng medyo emo. Gaya-gaya naman 'to.
Bago mahuli ang lahat ay nag-send ako ng friend request kay Dyosang Eos, buti na lang at hindi pa full ang friendlist nya. Nag-logout na rin ako dahil mag-rereview pa ako ng notes sa Accounting.
*****
Sa halip na sa study table ako mag-basa ay nandito ako sa kama at naka-Indian sit habang binubuklat ang notebook ko na katabi ng Accounting book.
"Double entry bookkeeping, The Trial Balance, Petty cash book..." Ilan lang 'yan sa pag-aaralan ko ngayong gabi.
Seryosong-seryoso na ako sa pag-rereview nang biglang mag-vibrate ang phone ko na nasa bedside table. Napangiti pa ako dahil si Ryder ang nag-text.
From: Ryder
Oral recitation sa Accounting on Monday. Goodluck baby!
Ginanahan tuloy akong mag-review, may inspirasyon kasi. Nag-reply muna ako saka nagpatuloy sa pagbabasa.
To: Ryder
Nag-rereview na nga ako ngayon. Don't worry, sisiw lang 'to sa'kin :D
Napasarap yata ang pagrereview ko dahil inabot na ako ng 12:30am. Okay tulugan na muna at baka mapanaginipan ko na ang Accounting.
After saying my prayers ay kinuha ko ang phone ko at nilagyan ng mini speakers. Ganito kasi ako kapag matutulog, kailangang may soundtrip para masarap ang tulog.
Naghanap ako ng playlist at ito ngang OPM Playlist ang napili ko. Iki-click ko na sana ang kantang Gemini ng Spongecola nang mag-ring naman ang phone ko. Napanguso pa ako nang makita kung sino ang caller.
"Hello Estefania, alam mo naman siguro kung ano'ng oras na ngayon?" Pang-asar ko talaga sa kanya ang pangalang 'yan.
"My gosh, dear cousin Ainsley! You're so brutal to my name talaga!" Napahilamos tuloy ako ng kamay sa mukha habang nag-sasalita siya ng conyo words. Naiisip ko tuloy na baka siya talaga ang anak ni Mama dahil pareho silang conyo minsan magsalita.
"Tigil-tigilan mo nga ako sa pagsasalita mo ng conyo Stefanie Alvarez, utang na loob!"
"Huhubells Ainsley you're so sama to me!" Anak ng tokwa humirit pa!
"Isa!"
"Wait naman dear pinsan!"
"Dalawa!"
"Titigil na po Ainsley Vivienne Iñiguez na maganda!" Baliw talaga 'tong pinsan ko.
Bumuntung-hininga ako bago magsalita. "Okay, bakit ka naman napatawag aber? Patulog na kasi ako."
"Gusto kong mag-shift ng course, my dear cousin."
"Ano?! Nag-I.T. ka na dati tapos HRM ngayon, and then what?"
"Gusto kong mag-Business Management para classmate tayo!"
I rolled my eyes. "Bruha! Ang sabihin mo, gusto mo lang mapalapit kay Helios Sta. Ana!" Patay na patay kasi si Stef sa classmate ko.
"Kyaaaaaaaa! My Greek God Helios!" Sabi sa inyo e.
"No. Hindi ka magshi-shift ng course dahil kapag nagpumilit ka ay sasabihin ko kay Tito na si Helios talaga ang rason kung bakit ka lilipat ng Business Management."
"Huhubells paano na si Helios ko?"
"E 'di si Helios pa rin siya. My goodness Stef, tigilan mo na nga ang pagpapantasya sa kanya!"
"Crush na crush ko nga kasi siya kyaaaaaaaa!" Nailayo ko tuloy ang phone ko dahil any moment ay pwedeng mabasag ang ear drums ko sa tili nya with matching kilig factor pa tsk.
"Maraming nagkakandarapa na kay Helios, magpabawas ka naman!"
"No, no, no! Mapapasa-akin pa rin siya! Itaga mo 'yan sa contact lenses ko Ainsley!"
Napailing na lang ako. Si Stef na yata ang nerdy na nakilala ko na sobrang mag-fangirl. Ibang klase, hindi rin siya ang tipo na magsusuot ng black-rimmed glasses. Sa halip ay naka-contact lenses siya. Pero dahil may pagka-krungkrung si pinsan ay natitripan nya pa ring magsuot ng salamin paminsan-minsan. Pareho silang bookworm ni Yoshiro.
"Libre mangarap Stef, o siya matutulog na ako."
"Sweet dreams cousin! Kita na lang tayo sa school sa Monday!"
"Okie-dokie." Ini-end call ko na baka kasi magtitili pa.
Humiga na ako habang yakap-yakap ang stuffed toy ko. Background music ko naman ang Gemini. Goodnight!
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Roman pour AdolescentsPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018