AINSLEY
"Guys, naka-post na sa page ng We Will Rock U ang mga pangalan ng mga bandang makakalaban natin." Agad na nagsilapitan sa'kin sina Stef, Ryder, Helios at Vilhelm at tinignan ang tab ko.
April's Ashes
Black Vinyl
Dark Nube
Missed Mistress
Red Underground
Unliving Dolls
Whoa, It's Me!Nakalagay na rin ang mga pinanggalingan nilang schools/universities. Kieran's band April's Ashes from Livingstone Colleges, our band Black Vinyl from ARV-U, Dark Nube from Irish Cane Academy, Missed Mistress from Tyren University, Red Underground from Arquin Racks University, Unliving Dolls from Carolina College for Women at Whoa, It's Me from Ferndale Academy .
"All girl band ang Unliving Dolls. Naalala ko tuloy ang bandang Dark A.U.R.A. Balita ko ay magagaling sila." Sabat ni Helios habang kumakain ng baked cookies na gawa ni Stef. Halos three weeks na kaming nagpapractice for this battle of the bands.
"Kung magaling sila, we will give our 101% to our performance naman. Keri 'yan mga bro and sis! Fighting! Push!" That's my cousin, giving us a conyo words of encouragement. Napailing na lang ako.
"Xaundre Cuizon? Any relation to Xixi Cuizon?" Tanong naman ni Ryder. May maikling profile din kasing nakalagay sa bawat band member.
"Xixi? 'Yong humalik sa'kin sa campus nyo?" Segunda ni Vilhelm na parang asiwang-asiwa na pinunasan ang pisngi nya.
"Cousins sila. Look, o!" Ipinakita ni Stef ang cellphone. Ang bruha at ang bilis natunton ang Facebook profile ni Xaundre.
"Papasa ka na as stalker nyan, Stef. Ang bilis mo mag-search." Biro ni Helios.
Nasa list of family members nga ni Xaundre si Xixi as his cousin. May pinsan din siya na kambal na Xenos at Xena ang mga pangalan.
What's with X anyways?
"Hindi naman halatang ayaw nila sa letter X, 'no?" Kantiyaw ni Vilhelm. Sa tab ko na ulit nakatuon ang pansin nya matapos naming "mag-stalk" sa account ng vocalist ng Dark Nube.
Magaling din sila dahil nakita namin ang mga naka-post na public photos sa account nya na nananalo sila sa B.O.T.B. sa school nila. Kaya siguro sila na ang pambato ng I.C.A. para sa We Will Rock U.
Pinasadahan na rin namin ang profiles ang iba pang banda just in case may idea kami kung halimbawa mang makasalubong namin sila.
"Guys, let's take a break. Let's go somewhere. Iwas toxic at ngarag sa rehearsal." Suggestion ni Helios nang i-off ko na ang tab ko. Dito kami sa bahay nag-rehearse ngayon. Wala sa bahay si Mama dahil nayakag ng kumare nya pa-Tagaytay kaya kaming lima lang ang nandito. Si Achi naman ay nakaalis na ulit ng 'Pinas pero nangako siya na manunuod siya ng We Will Rock U. Same with Alexandrea.
"Where to go? What to do?" Tanong ng pinsan ko habang nagkakalikot pa rin sa phone nya. "Ay, I know na kung saan!"
"Where?!" Tanong naming tatlo.
"Unicorn café!" Ipinakita nya ang phone nya sa'min. Hanga na talaga ako sa stalking at researching skills nya.
"Sigurado ka? Pambata yata 'yan, e." Sabihan na nila akong K.J. or what, mga bata talaga naiisip ko sa ganyang lugar. Kasi malamang, makulay sa unicorn café.
"Let's go!"
"Game ako. Tawagan ko si Theia baka gusto nyang sumama." Ani Ryder at lumayo nang bahagya sa'min.
"Taralets!"
"Seryoso kayo?" At talagang ako lang ang unsure sa pupuntahan namin tapos silang lahat ay sure na sure. Para namang may magagawa pa ako?
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Novela JuvenilPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018