AINSLEY
This is it. We Will Rock U.
Sold-out ang tickets para sa university battle of the bands kaya hindi nakapagtatakang jam-packed ang MOA Arena. Kanya-kanyang suporta ang mga tao dahil pitong eskwelahan ang maglalaban-laban at isa lang ang mananalo.
Literal na malamig sa buong arena dahil fully airconditioned pero nilalamig ang pakiramdam ko. Dahil sa kaba.
Kaya mo 'yan, Ainsley. Kasama mo ang buong Black Vinyl sa labang ito, bulong ko sa sarili.
Pinagmamasdan ko ang mga taong unti-unting umuokupa sa buong arena. May bitbit na banners, balloons at may cheering squad pa akong nakita. Napangiti naman ako sa mga parating na mga babae at lalaki na pare-pareho ang suot na damit. Team BLAST ang nakatatak. Sila ang fans club ng Black Stones. Marahil ay nandito sila kasi isa ang Black Stones sa panel of judges.
"Kaya natin 'to, Dear." Napapitlag ako nang may umakbay sa'kin mula sa kanan. Si Vilhelm.
"We'll show them what we've got." Napatingin naman ako sa kaliwa. Ang bestfriend kong si Ryder.
May tumapik naman sa ulo ko. "Maraming sumusuporta sa'tin. Tignan mo sila." Itinuro ni Helios ang pwesto ng Team BLAST.
"They're here for Black Stones and Black Vinyl as well." That's Helena.
Napanganga ako sa tarpaulin na dala ng Team BLAST. May pictures naming lima at may nakalagay na "Black Vinyl rocks!".
"Ang supportive nila, cous! Fighting lang us!" May yumakap sa may likuran ko. Sa amoy pa lang ng fruity scent na pabango at sa conyo words ay alam kong si Stefanie 'yon.
"Group hug!" At dahil sa ako ang nasa gitna, ako ang ipit na ipit. Salamat sa kanila na nagpapalakas ng loob ko.
"Pwede ba kaming makisama sa hugging session?"
Napatingin kaming lahat sa may likuran. Ngiting-ngiti si Khaki habang nakaakbay sa kanya si Jager. Sumaludo naman sa'min si Harold at tinanguan kami ni Yoshiro. Black Stones minus their drummer Marco dahil kasalukuyang nasa Canada ito.
"Group hug ulit!" Sigaw ni Vilhelm kaya nagkaroon ng Part 2.
Itinuro ni Khaki ang pwesto ng Team BLAST kaya nakita namin sa kahilera nila ang mga kaibigan namin. Vilhelm's sisters Eos and Eryn together with Hagan, Khaki's sister Alice with her bf Mel, Jager's brother Radford with his wife Krystelle. Lastly, Harmony Theia with Larkin.
"Hindi lang sila ang nandito to support you guys, AVI, VER and ROB, nandito rin ang ilang banda na nakalaban namin last Musikrakan na naging kaibigan na rin namin. #TeamBlackVinyl daw sila."
Napatingin kami sa mga nakasuot ng rocker outfits na palapit sa'min. Kilala ko sila!
Guys In Plaid Shirts at Interglot.
"Rock the whole arena Black Vinyl!" Medyo nagulat ako sa yakap ng asawa vocalist ng GIPS. Helena and Helios elder sister, Blythe.
"T-thank you for supporting us, GIPS. Pati rin sa inyo, Interglot."
"Basta kay Helena, este sa inyo, suportado namin." Panunukso ni Danyele. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang simpleng sulyap ng kakambal nitong si Danrelle sa pwesto ni Helena.
"Puro kayo kalokohan, guys. Punta na kami sa backstage. Salamat sa moral support." Helena said.
Nagpaalam na rin ang Black Stones dahil kakausapin nila ang iba pang judges. Ang Interglot naman ay pumunta na sa pwesto nila malapit sa stage.
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Teen FictionPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018