Chapter 41: Meet-Up

38 8 5
                                    

KHAKI

"What?! Aalis ka, Marco? Paano 'yan? Black Stones kasi ang isa sa mga napili para sa darating na University Battle of the Bands."

Nandito kaming lima sa resto bar na E.R.R.O.R. dahil nag-chat kagabi si Marco sa GC namin na magkita-kita raw kami ngayon. May sasabihin daw siyang importante. Dating gawi. Siya ang taya. Boy Libre kaya 'to.

"When is your flight? We Will Rock U will be next month." Tanong naman ni JAE sabay subo sa'kin ng fries.

"Next week."

"Next week?!" Nabilaukan tuloy ako dahil sa dami ng isinubong fries ni JAE. Inabutan naman nya agad ako ng iced tea.

"Baka naman pwedeng pagkatapos ka na lang ng We Will Rock U umalis, 'insan?" Suggestion naman ni Harold habang kumakain at nagkakalikot ng cellphone. Multitasking ang lolo nyo.

"Oo nga, Kuya Marco. Mas okay kung kumpleto tayo." Dagdag pa ni bunsong Yoshiro.

"Emergency kasi kaya pinapapunta na agad ako nina Mom at Dad. Kailangan daw nila ako sa company nila sa Canada."

"Hindi talaga pwedeng next month na lang?" Pangungulit ko pa. Tulad nga ng sinabi ni Yoshiro, mas okay kung kumpleto kami.

"Let him go, Cassiopeia. Marco will surely come back after fixing some of their company's issue." Inaakbayan pa ako ni JAE sabay gulo ng buhok ko. Nahampas ko tuloy ang kamay nya.

"Mamimiss mo ba ang panlilibre ni 'insan? Hayaan mo, babalik din naman 'yan kaagad." Pang-aalaska naman ni Harold kaya binato ko siya ng crumpled tissue.

"I'll be back as soon as possible, Khaki. Mamimiss ko rin ang kakulitan mo. Group hug!"

Grabe. Sobrang naipit na ako sa group hug na 'to. Mahal na mahal talaga ako ng bandmates ko. Lalo na no'ng vocalist. Bigla tuloy akong napangiti sa naisip ko.

"May surprise nga pala ako sa inyo. Eos Reighanne sent me a message." Abot-langit pa ang ngiti ni Harold after the group hug. Kaya naman pala busy sa cellphone kahit meet-up namin ngayon. Ate pala ni VER ang kausap. Short for Vilhelm Eryx Ramirez.

"Nani?" Tanong ni Yoshiro. What yata ang ibig nyang sabihin.

"Hindi ano kundi sino. Sigurado akong matutuwa ka, Yoshi." Harold wiggled his brows.

"Sino pala?"

Sa halip na sagutin ang tanong ko, inginuso ni Harold ang glass window ng E.R.R.O.R. Napanganga pa ako at kinusot-kusot ko pa ang mata ko para siguradong hindi ako namamalik-mata lang.

May isang teenager na kumakaway, partikular sa may pwesto namin. She's wearing purple checkered shirt, blue pants and white sleeveless underneath. Sobrang pamilyar ng singkit nyang mga mata.

Bago ko pa masabi ang pangalan nya, tumayo na agad si Yoshiro sa kinauupuan nya malapit kay Marco at patakbong lumabas ng resto bar. Hindi na ako magtataka sa ginawa nya dahil alam naming sobrang miss na nya ang osananajimi nya.

Ang lapad ng ngiti naming apat habang pinapanuod sila. Niyakap ni Yoshiro si Hagan at inikot-ikot pa. Tulad ng ginawa sa'kin ni JAE kanina, ginulo rin ni bunso ang buhok ng childhood friend nya kaya nahampas din siya nito.

Magkahawak-kamay na bumalik ang dalawa sa E.R.R.O.R. Saka ko lang napansin na may hawak na toy car si Hagan nang ilagay nya ito sa ibabaw ng lamesa.

"Welcome back, Hagan! Na-miss kita!" Agad ko siyang niyakap. Mas matangkad na nga siya sa'kin ngayon.

"Na-sorpresa mo kami. Ang laki mo na, a? Mas matangkad ka na kay Khaki." Lokong Harold na 'to.

"Group hug ulit!" Kantyaw ni Marco kaya naulit ang group hug namin kanina.

Pierres Noires (Black Stones) 2 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon