AINSLEY
Ito na ang huling laban. Dito na magkakaalaman kung sino ang mananalo sa We Will Rock U. Tatlo na lang kaming natitira na maglalaban-laban. Nagpapasalamat pa rin ako na kahit newbie kami ay maraming sumusuporta sa'min. Aabot ba naman kami hanggang sa Finals kung hindi?
Habang nag-aayos kami ng mga instrument, panay ang irap ni Stef sa kambal na kinakausap ang Kuya Xaundre nila. Kung Hello cover ang gagawin nila, no doubt that they want to messep up my band's "supposed to be" lineup. Syempre, mautak si Ryder kaya may isa pa kaming alas na inihanda kung sakali man na 'yon ang kantahin nila.
"Kapag Hello cover ang kinanta, I swear na kakalbuhin ko 'yang mga kapatid ni Xaundre." Nagngingitngit na humalukipkip pa si Stef. Gigil much ang ate nyo.
"Walang problema. May isa pa naman tayong kanta na ni-rehearse na hindi nila napanuod." Segunda naman ni Ryder.
"Kaya kung ako sa'yo Stefanie, hindi ako sisimangot. Nababawasan tuloy ang cuteness mo althogh cute ka pa rin when you're like that." Pinisil ni Helios ang pisngi ni Stef. Biglang aliwalas naman ng mukha ng pinsan ko with matching hampas sa braso ni Helios. Sa harapan daw ba namin sila maglandian? Duh.
"I'll make sure na hindi sila mananalo
Matatanggap ko pa na Unliving Dolls ang mananalo.""Tayo ang mananalo. Ipupusta ko ang lovelife nyo ni Helios." Biro ni Vil kaya natawa na lang kami habang namumula si Stef. Si Helios ay napakamot na lang sa batok.
Natuon na ulit ang paningin sa stage dahil nagsalita na ang Emcee. "In this final round, cover songs pa rin ang gagawin nyo but this time. Any song genre turned into rock or metal. Kayo na ang bahala guys!" Hiyawan na naman tuloy ang mga tao.
Unliving Dolls ang unang magpeperform with Crimson Apple original, Who Needs A Heart. Bravo!
Hindi na naman magkamayaw ang mga tao sa pagsuporta sa kanila. Hindi na ako magtataka kung sila man ang mananalo sa first ever We Will Rock U.
Gaya nga ng inaasahan Hello cover by Fame on Fire ang kinanta ng Dark Nube. Gigil na gigil na naman lalo si Stef kaya inaalo siya ni Helios.
Habang nagpeperform ang Dark Nube, nilapitan kami ni Diyosang Eos kasama ang ate ni Khaki na si Alice at ang bestfriend din ng vocalist ng Black Stones na si Mel. Engaged na yata ang dalawang 'to. Napakunot-noo ako kasi may mga dala silang damit.
"Hi guys! Ready for final round? Wear these first." Iniabot nina Mel at Alice ang mga dala nilang damit.
"Bakit sila lang ang meron? Paano naman ako?" Reklamo ni Vil sa ate nya.
"E 'di maghubad ka." Taas-kilay nitong sagot.
Nginisian nya ito. "Pwede. Gayahin ko drummer ng Halestorm. May ipagmamalaki naman ako, e."
Halos manlaki ang mata ko nang balewala siyang naghubad ng damit sa harapan namin. Baliw talaga ang isang 'to.
"Dress up quickly. Malapit na matapos ang performance ng Dark Nube." Agad kaming pumunta sa pinakamalapit na restroom dahil sa sinabi ni Dyosang Eos.
Pagkabalik ay saktong nagsasalita na ang Emcee. Puro satisfied faces naman ang nakikita namin sa mukha nilang tatlo.
"Bagay na bagay sa kanila ang designs mo, hon." Inakbayan ni Mel ang kapatid ni Khaki.
Matapos kaming bigyan ng words of encouragement, umakyat na kami sa stage para mag-ayos ng gagamitin namin. Ang mga tao naman ay panay ang chant sa band name namin. Lalo tuloy nadadagdagan ang confidence ko dahil sa kanila. Pinasadahan ko na lang ng mga daliri ang buhok ko at hindi na nag-abalang mag-suklay.
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Teen FictionPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018