AINSLEY
Fading in, fading out
On the edge of paradise
Every inch of your skin is a holy grail I've got to find
Only you can set my heart on fire, on fire
Yeah, I'll let you set the pace
Cause I'm not thinking straight
My head spinning around I can't see clear no more
What are you waiting for?Napatigil kami ni Ryder sa paglalakad at sabay ding nagkatinginan (Naks! Soulmates talaga hoho). Kilalang-kilala kasi namin kung kaninong boses ang pumapailanlang sa Room 214. Yeah, nandito na kami malapit sa tapat ng room namin at Accounting nga ang first subject kapag Monday.
"Helios Sta. Ana." O 'di ba sabay na naman kami.
"Gaya-gaya ka naman baby!" Ginulo na naman ni Ryder ang buhok ko.
Babatukan ko na sana siya kaso bigla siyang tumakbo papasok sa loob ng room. Mautak talaga!
Love me like you do, love me like you do
Love me like you do, love me like you do
Touch me like you do, touch me like you do
What are you waiting for?Nakaupo sa may bandang dulo si Helios habang nag-gigitara at kumakanta ng Love Me Like You Do. Ang mga kaklase ko naman, lalo na ang mga babae ay nakapalibot sa kanya. Ang iba nga ay nagtutulakan pa sa sobrang kilig. Napabuntung-hininga ako, bakit kasi sa department namin napunta ang mga gwapo at magagandang nilalang dito sa campus? Idagdag na rin natin ang mga matatalino. Sample? Bukod kay Helios Sta. Ana ay nandyan sina Ryder Olivier Blanco at Yoshiro Akiyama. Sample ng maganda? Ainsley Vivienne Iñiguez. Cheret!
Nagpalakpakan pa ang mga kaklase ko pagkatapos kumanta ni Helios. Napa-slow clap na rin ako dahil may ibubuga talaga siya kung kantahan lang ang labanan.
"Girls, I'll sing later. Nandito na kasi si Sir Contreras." Itinuro pa nya ang prof namin na kasalukuyang naglalapag ng mga gamit sa table. Kanya-kanya tuloy pulasan ang mga kaklase ko pabalik sa kani-kanilang upuan.
"Good morning class."
"Good morning Sir!"
"Ready for our oral recitation?"
"Yes Sir!" Wow, nag-aral talaga sila!
"Here's the first question. What is a bad debt?"
Napag-aralan ko 'yan kaya nagtaas ako ng kamay.
"Yes, Miss Iñiguez?"
Tumayo ako at confident na sumagot. "A bad debt is an amount owing to a business, which will not be paid by the debtor."
"There are two methods to account for bad debt. What are those?"
May follow-up question pa pala, buti alam ko ang sagot. "The first one is the Direct write off method; a receivable which is not considered collectible is charged directly to the income statement. The other is allowed method; an estimate is made at the end of each fiscal year of the amount of bad debt."
"Very good!"
Thank you Lord nakasagot ako ng matino! At nagpatuloy ang recitation.
"What is a journal?"
Nagtinginan lahat ng kaklase ko sa may last row kung saan nakaupo si Helios. Yes, siya nga ang nag-taas ng kamay ngayon.
"Yes, Mr. Sta. Ana?"
Kumindat muna si Helios sa'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay. Tumingin na ulit siya kay Prof. Contreras at sumagot.
"A journal is a book of prime entry, but it is not part of the double entry system. It is a jounal, or diary, noting the entries to be made in the ledger."
"What are the other books of prime entry?" May follow-up question din sa kanya tulad sa'kin.
"The other books of prime entry are sales, purchases and returns journals and cash books."
Matalino talaga si mokong. Impressive!
"Very good Mr. Sta. Ana." At umupo na rin si Helios pagkatapos.
Kilig to the max na naman ang mga kaklase ko as usual. Ako lang yata ang hindi kinikilig sa mga oras na ito pati na rin ang mga kaklase kong lalaki.
"Give me the errors which are not shown by a trial balance."
This time ay si Larkin naman ang nag-taas ng kamay.
"Yes, Miss Ishiyama?"
"The errors which a trial balance will not reveal may be summarized as Error of omission, Error of commission, Error of principle, compensating errors, Error of original entry, and Complete reveal of entries."
"Well said, Miss Ishiyama." Nag-motion pa si Sir na pinaupo na si Larkin.
Daya! Bakit sa'min kanina e may follow-up question? Type yata kami ni Sir, e. Joke!
Pero bago 'yan ay hindi nakaligtas sa aking mga mata ang tingin ni Yoshiro kay Larkin habang sumasagot ito sa recitation. Take note, sumulyap din si Larkin kay Yoshiro at ngumiti bago ito umupo.
Nagpatuloy ang recitation at swerteng nakasagot talaga kami ng ayos woohoo!
*****
After Accounting ay may 30 minutes break kami kaya heto kumpulan na naman sila kay Helios na nag-gigitara ulit. Sina Yoshiro at Larkin naman ay may sariling mundo habang nagcocompare ng notes nila. Si Ryder naman ay cellphone ang hawak, naglalaro siguro ng COC. At ako, 'eto taga-chismis sa inyo ng happenings dito sa klase namin.
Napapitik pa ako ng daliri dahil naalala ko kung paano naging close sina Larkin at Yoshiro. Si Larkin lang naman kasi ang nag-lakas loob kay Yoshiro na yayain ito sa slow dance noong Prom Night namin sa Emerson Academy. Hindi ko kayang gawin ang ginawa nya, buti na lang at si Ryder ang nagyaya sa'kin noon.
Hanggang dito na lang muna at napaparami na ang chika ko sa inyo.
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Roman pour AdolescentsPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018