AINSLEY
Sobrang enjoy ang pictorial namin sa People's Park at hindi rin nakaligtas si Dyosang Eos sa mga taong nakatambay doon kaya dinagsa siya ng mga nagpapapicture at autograph. Napakaswerte ko pala at nakilala ko at naka-bonding ang isang famous supermodel 'di ba? Buti na lang at kapatid pala siya ni Vilhelm. Hindi rin nakaligtas sa paningin namin ang itsura ni Harold kanina na kulang na lang ay iuwi ang Dyosa sa bahay nila. Mukhang tinamaan talaga siya.
Inabot na kami ng 9pm sa park kaya nagyaya na akong umuwi. Walking distance lang naman kaya naglakad na lang kaming apat. Isinulong na lang ni Harold ang dala nyang motor. Nasa tabi siya ni Dyosang Eos na katabi naman ni Vilhelm. Bale ako naman ang katabi ni Vilhelm sa right side nito. Nakaakbay siya sa ate nya habang naglalakad kami at pati ako ay nadamay na rin sa akbay na 'yan.
"Sakto lang pala ang uwi natin, dear." Natatanaw na kasi namin sa may gate namin sina Stef at Ryder pati na rin ang kambal na sina Helios at Helena. Ngayon lang din pala sila nakauwi from their bonding.
"Helena!" Bigla ay tawag naman ni Harold, sabagay kakilala na nya nga pala ito dahil na rin sa kapatid nito ang asawa ng vocalist ng Guys In Plaid Shirts na si Graysen Faustino.
"Hey Harold! Long time no see!" Nakipag-beso beso naman si Helena. Samantala ay nakakunot naman ang noo ni Ryder habang nakatingin sa'min ni Vilhelm kasi nga feel na feel ng kumag na 'to ang pag-akbay sa'kin. Dagli rin namang nawala at napalitan ng isang mapanuksong ngiti. Hallucination ko lang yata ang nakita ko kanina.
"Nag-bonding din pala kayo."
"Yup! Nahila kasi ako ng magaling kong kambal kaya naki-join na rin ako sa kanila. How's Khaki?"
"Busy sa lovelife? Lagi silang magkasama ni Jager, e. Ikaw ba kumusta buhay pag-ibig?"
Natawa naman si Helena sa tanong ni Harold. "Still single, but who knows?" Napatingin naman ito sa bestfriend ko. Mukhang may nagkakamabutihan na rito. Ouch lang.
Nalipat naman ang tingin ni Harold kay Ryder. "Well, who knows?" Napailing si Helena habang nakangiti sa pag-uulit nito sa sinabi nya.
I broke in. "Tara, pasok muna kayo sa bahay."
"Next time na lang classmate, gabi na rin kasi." Ngumiti si Helios sabay baling kay Stef. "Bye Stefanie, enjoy ka pala kasama." Nagulat na lang ako at napasipol naman sina Harold at Vilhelm nang bigyan nito ng forehead kiss si Stef. Nag-blush tuloy si pinsan.
"Bye guys! 'Til next time." Paalam naman ni Helena sa'min. "Thanks for accompanying us, Ryder." Kung kanina ay forehead kiss ang eksena, ngayon naman ay cheek kiss with matching hug pa. Wow, agaw eksena talaga ang kambal na 'to.
"Uuwi na rin pala ako, may pasok pa tayo bukas." Matapos tumango ni Ryder kay Eos ay nakipag-bro fist ito kina Harold at Vil. "Bye, baby." As usual, ginulo na naman ang buhok ko so I punched him lightly in his left arm.
"Ingat." Bukod sa tipid na ngiti ay 'yan lang ang nasabi ko.
Hinintay muna namin na makaalis silang tatlo bago kami pumasok ng bahay. Nagpaiwan pa rin kasi ang mag-ate pati si Harold.
*****
After 30 minutes ay dumating na rin si Mama na mukhang pagod na pagod sa reunion nila pero bakas sa mukha nya ang kasiyahan na makasama ang mga dati nyang kaklase. Nagpaalam na rin agad siya sa mga bisita ko na magpapahinga na siya kaya kaming lima ang nanatili rito sa salas. Sobrang ehthusiastic naman ni Stef habahg nagkukwento ng bonding nila kanina with matching hand gestures pa. After half hour ay nagpaalam na si Harold para umuwi.
"Tara sa taas, may meteor shower ngayon." Yaya sa'min ni Vilhelm o ako lang yata ang sinasabihan nya kasi sa'kin siya nakatingin.
"Go, kayo na lang ni Ains ang mag-abang ng meteor shower. Dito muna kami ni Miss Eos at magchichikahan, right?" Baling nito sa Dyosa na sinang-ayunan naman nito.
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
أدب المراهقينPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018