Chapter 25: Black Stones, Interglot and the Gang (Part 1)

80 10 4
                                    

LARKIN

"Knock-knock! Pwede ba kaming maki-sit in?" Biglang namilog ang singkit kong mga mata at dahan-dahan pa talagang ibinaling ang paningin sa may pintuan ng classroom. Parang si Khaki kasi ang narinig kong nagsalita na 'yan, e. At hindi nga ako nagkamali. Siya nga! Kasama nya ang iba pang members ng Black Stones na ngiting-ngiti sa amin.

"Sure!" Hindi magkamayaw na sambit ng mga kaklase ko. Tinanguan naman sila ni Prof at nakipag-fist bump pa ang mga ito. Ang cool talaga nila!

Lumingon ako sa bandang kanan at bumungad sa'kin ang ngingiti-ngiting si Yoshiro. I'm sure na alam na nya na darating ngayon ang bandmates nya. I poke his left arm. "Hey, Yoshi! Ikaw ha, alam mo na darating sila ngayon, 'no?" Medyo pabulong na sabi ko sa kanya. Baka kasi marinig ako nina Khaki na naglalakad na malapit sa kinauupuan namin. Tinignan lang ako ni Yoshiro sabay ngiti. Tipid talaga nito magsalita kahit kailan.

"Hey bunso! Miss na kita kaya pumunta kami ng ARV-U." Ginulo pa ni Khaki ang buhok ni Yoshiro matapos makipag-fist bump. "Sa last row muna kami ha?" Dagdag pa nito at dumiretso na nga silang tatlo sa may bakanteng upuan sa may dulo. Pansin ko lang na kulang yata sila ng isang miyembro which is Harold.

Nabaling muli ang atensyon namin sa unahan nang magsalita si Prof. Katulad ng naunang anunsiyo ni Prof. Buendia kanina ay binanggit muli ni Prof. Miranda ang tungkol sa nalalapit na Foundation Day.

"Tutal nandito na rin lang kayo, Khaki, Jager at Marco..." Nabitin sa ere ang sunod na sasabihin ni Prof dahil napansin nya na tila kulang sila ng isang miyembro. "Hindi nyo yata kasama si Harold?"

"Sir, may date kasi si 'insan ngayon." Napadako ang paningin ni Marco kay Vilhelm matapos magsalita. Hindi kaya si Miss Eos ang tinutukoy nya?

"Nakakaamoy ako ng love life." Panunukso naman ni Prof. "As I was saying, nalalapit na ang ating Foundation Day at inaasahan ko kayo Black Stones, since Alumni natin ang tatlong members nyo."

"No problem, Sir! Lakas nyo kaya sa'min!" Khaki said enthusiastically. Umugong naman sa room ang sigawan ng mga kaklase ko.

"Good to hear that. Kung sakaling macocontact nyo ang Interglot ay pakisabihan na rin sila."

"Ako na pong bahala sa kanila." Pagpiprisinta naman ni Jager.

"Salamat, Jager. Acoustic Session ang theme natin ngayong taon. Pwede kayong makipag-collab sa ibang mga estudyante sa ibang course. And as for you Black Stones, feel free to jam with other musicians as well."

"Yes, Sir!" Bahagya pang nagtawanan ang lahat dahil sumaludo pa talaga sina Jager, Khaki at Marco.

"Class dismiss!" Woohoo!

*****

Syempre, bago pa kami tuluyang makalabas ng classroom ay katakot-takot pang picture taking, autograph signing, konting chikahan with Black Stones. Nakakatuwa dahil kahit successful na sila ay napaka-down to earth pa rin nila. Isa isa rin kaming ipinakilala ni Yoshiro sa kanila.

"Meet my close friends and classmates Ainsley Vivienne Iniguez, Ryder Olivier Blanco and Larkin Eri Ishiyama." Napatingin naman siya kay Vilhelm saka ngumiti. "Maliban kay Cassie ay kilala nyo na si Vilhelm Eryx Ramirez?"

Bigla namang sumingit sa usapan si Helios. "Hi Khaki! Helios nga pala, twin brother ni  Helena. Nagkita na tayo dati 'di ba?"

"Yeah! Ikaw 'yong kasama ni Helena sa mall dati." Bumalik ang tingin ni Khaki sa aming apat. "From now on, I'll call you AVI, ROB, VER, and LEI. Ang cute ng names nyo may acronyms." Kinamayan nya kami ni Ainsley at nakipag-fist bump naman siya kay Vilhelm.

Pierres Noires (Black Stones) 2 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon