Two hours before the debut party:
VILHELM
Happy birthday sa'min ni Ainsley Dear! Dalawang oras na lang pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang isusuot ko.
"Still undecided on what to wear, Vil?" Nakapamewang na tanong ni Ate ER matapos mag-trespass sa kwarto ko. Nakabihis na siya pero hindi pa naka-make up at hindi pa naka-ayos ang buhok.
Napakamot na lang ako sa batok. Nakalagay sa kama ang tatlong pares ng damit na pasalubong nya sa'kin. Movie date kasi sila ni Harold noong nakaraan kaya naisipan na nya akong akong ibili ng isusuot ko para sa debut party. Birthday gift na rin daw nya sa'kin kaya lang nahihirapan akong pumili ng susuotin.
"Hindi ko alam sa tatlong 'yan ang isusuot ko. Bagay kasi lahat sa'kin." Taas-babang kilay kong sagot sa kanya.
"Magsuot ka na lang ng pambahay tutal bagay naman lahat ng damit sa'yo." Seryosong-seryoso pa si Ate at saka humalukipkip.
"Compliment ba 'yan o pang-aalipusta?" I asked while grinning.
"Pang-aalipusta? What a word. Here, wear this." Kinuha nya sa gitna ng kama ang black suit.
"Thanks, sis. Gusto mo talagang partner tayo." Naka-black cocktail dress kasi siya. Stunningly beautiful. Partida wala pang make-up.
She rolled her eyes. "Mag-ayos ka na, lil'bro. Daig mo pa babae. Make sure na nakabihis ka na pagbalik ko rito." Bahagya nya pang inayos ang buhok ko.
"Magugustuhan naman ni Ainsley kahit ano'ng isuot ko."
"Ang tanong, gusto ka ba nya?" Pang-aasar nya sa'kin.
"Thank you my dear sister for the moral support." Note the sarcasm here.
"One step at a time, Vil. Don't rush things. Just take it slow." Natatawang saad nya na papalabas na ng kwarto.
"Kaya pala anim na taon mong pinaghintay si Harold, Miss Eos Reighanne Ramirez." Ganting asar ko sa kanya.
Hawak na nya ang door knob nang lumingon siya sa'kin. "Because I'm worth the wait, Mr. Vilhelm Eryx Ramirez." Saka nya sinaraduhan ang pinto.
Confident as ever, big sis.
*****
"Are you done, Vilhelm?"
Sumilip pa si Ate sa may pinto. Good thing at nakabihis na ako. Gwapong-gwapo mo ngayon, Vilhelm!
"Just in time, big sis." Inayos ko ang coat ko at inilagay ang yellow rose sa may chest pocket.
"Let's go. Someone's waiting for you at the living room." I offered my right arm at kumapit naman siya.
"Sino? Ganda mo ngayon, Ate ER. Effort talaga for Harold." Hinampas tuloy ako. Tinawanan ko lang siya habang pababa kami ng hagdan.
"Annyeonghaseyo gorgeous siblings!" Agad na lumapit sa'min ang babaeng nakaupo sa sofa nang makababa na kami ni Ate sa hagdan.
"Ate Riri!" Niyakap ko siya. Matagal ko rin kasi siyang hindi nakita dahil mas madalas pa siyang mag-stay sa Korea kaysa Pilipinas.
"Riri would be fine, Vil. One year lang naman ang age gap natin." Gumanti rin siya ng yakap.
"Okay, okay. Where's my gift, Riri?"
"I left the gifts in my car. Atat ka masyado." Alaskador pa rin talaga siya.
"Gifts? Marami kang regalo sa'kin? Just kidding. Your mere presence is enough for me, my dear cousin."
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Roman pour AdolescentsPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018