Chapter 19: Birthday Plan

48 8 3
                                    

VILHELM

"Parang may kakaiba sa'yo ngayon Vil. Lampas langit kasi ang ngiti mo at mahihiya ang mga bituin sa kislap ng mga mata mo." Panunukso agad ang bungad sa'kin ni ate ER matapos akong pagbuksan ng pinto.

"Masaya lang ako ate. Kina Ainsley kasi ako nag-dinner at nakilala ko rin ang pinsan nyang si Stefanie. Tinulungan ko rin sila nina Tita na mag-bake." Napangiti ako nang maalala ang mga makukulit naming eksena kanina.

"Kaya pala good mood ka lil'bro! May next level na ba sa inyo ni Ainsley? Kwento ka naman!"

"Later, sis. Quick shower muna ako at saka ko ikukwento ang kulitan namin kanina." I winked at her bago dumiretso ng kwarto. "By the way, fans mo nga pala sina Tita at ang mag-pinsan. They are eager to meet you." Pahabol ko kay ate bago ko isinara ang pinto.

*****

"You mean to say, boto sa'yo ang Mama ni Ainsley pati ang cousin nya? That's good news!" Niyakap pa ako ni ate ER saka tinapik-tapik ang pisngi ko. Nandito kami sa sala at nag-fofoodtrip. Wala munang movie marathon kaya nagpatugtog na lang ako.

"Yeah. Pero may bad news pa rin."

Kumunot ang noo nya. "What is it?"

"Ainsley's in love with her besfriend."

"But her bestfriend only sees her as his younger sister. Am I right?" Naisip ko bigla kung nag-aral ba ng Astrology si ate habang nasa abroad kasi tama ang hula nya.

"How did you know that?"

"Been there, done that. Parang sa'min ni Harold dati. Kahit alatag nyo kami i-pair no'ng mga bata pa tayo, hindi ko man lang talaga siya magustuhan. I mean hindi ako nagka-crush sa kanya 'cause I only see him as my younger brother just like you." Tipid na ngumiti si ate sa'kin habang kumakain ng Pringles.

"Pero ngayon? Type mo na siya ate? Tagal ka rin nyang hinintay at hindi biro ang anim na taon." I teased her and gulped down the last of my Pepsi.

"Well, hindi pa naman kami nagkikita ulit kasi hindi naman siya aware na nakauwi na ako sa Pilipinas." Dito kasi sa place ko nagtatago si ate este nagtitigil. "Teka nga, bakit ba sa'kin napunta ang usapan, Vil?" Piningot nya tuloy ako sa tainga.

"Hinuhuli lang naman kasi kita ate. Ouch!" Namula yata ang tainga ko sa pagkakapingot nya. Sadista talaga.

"Tse! Akala mo naman makakalusot ka Vil. Wait here, I'll get some drinks. Inubusan mo na kasi ako." She pinched my nose bago tumayo para kumuha ng drinks sa ref. Inubusan ko kasi siya habang nagkukwento ako kanina.

Nag-ring ang phone ko at si Harold ang caller. Sakto pabalik na si ate bitbit ang tray ng canned drinks.

"It's Harold." I mouthed at her bago ko sinagot ang tawag. Ni-loudspeaker ko para marinig nya ang pag-uusap namin.

Tahimik na umupo si ate sa tabi ko habang nagpipigil na tumawa.

"Hello 'tol."

[Gising ka pa ba 'tol? Naistorbo ko yata ang tulog mo.]

"Foodtrip at soundtrip ako 'tol. Napatawag ka? Gabing-gabi na." Napasulyap ako sa wall clock. Alas-onse na sa mga oras na 'to.

[Natutulog na talaga ako kanina kaso nagising ako dahil napanaginipan ko ang ate mo.] Sabay pa kaming nagkatinginan ni ate at kibit-balikat lang ang tugon nya sa nanunuksong tingin ko.

"Naks 'tol, miss na miss mo na talaga si ate ER! So what happened?"

[Nakauwi na raw siya sa Pilipinas at nagkita kaming muli. Ang ganda-ganda nya talaga 'tol! Parang totoo ang panaginip ko kaso bitin kasi nagising akong bigla.]

Pierres Noires (Black Stones) 2 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon