AINSLEY
From: Vilhelm
Thanks for the good time. Goodnight! I miss you Dear ;) Dream of me.
Agang-aga ay 'yang text message ni Vilhelm ang sumalubong sa'kin pagkagising ko. Si Stef ay naghihilik pa sa kama habang yakap-yakap ang paborito nyang stuffed toy. Matapos kong mapakunot-noo ay hindi ko na napigilan ang pagsilay ng isang tipid na ngiti dahil nagkatotoo ang nasa text message. Napanaginipan ko nga siya pero kasama si Dyosang Eos. Nakipagkita raw siya sa'min at nagkaroon pa ng photoshoot pero sa halip na ang ate nya ang nasa pictorial ay kaming dalawa ang naging bida. Ibig sabihin pang-model din pala ang beauty ko kahit tamad akong magsuklay?
Nagreply muna ako sa kanya bago pumunta sa bathroom para maligo dahil may pasok pa kami ni Stef.
To: Vilhelm
Siguro 'pinagdasal mo talaga na managinipan kita hahaha yeah I dreamt of you and your sister. Parang totoo e. Gtg prepare pa ako for school.
*****
Solved kami ni Stef sa almusal na inihanda ni Mama. Pinagbaon pa kami ng chicken sandwich, ayos pwede ko 'tong kainin sa Retorika class ko dahil allowed naman ang kumain kahit naglelecture si Prof. Rubio.
"Tita, naisip po namin ni Ains na feeding program na lang ang gawin natin sa debut nya." Inubos muna ni Stef ang orange juice nya bago inilagay sa zip lock ang mga babauning sandwich.
"Mas okay siya 'di ba 'Ma? Ayoko talaga kasi ng bonggang debut lalo na at naiisip ko ang mga batang walang matinong makain sa araw-araw."
"Magandang idea nga 'yan. Sasabihan ko ang Papa mo tungkol dyan."
"Sana makauwi si Tito sa debut ni Ains! 'Wag lang nya kakalimutan ang mga pasalubong namin." Nasa abroad nga kasi si Papa at once in every 2 years siya nagbabakasyon.
"Kung hindi siya busy ay pwede naman siyang makauwi for Ainsley's debut. O siya lumarga na kayo at baka mahuli pa kayo sa klase."
Matapos humalik sa magkabilang pisngi ni Mama (ako sa right cheek at si Stef sa left cheek) ay inayos na namin ang mga school stuff dahil papasok na kami.
"Mag-iingat kayong dalawa." Kumaway pa si Mama sa may harap ng pinto nang makalabas na kami ng gate.
*****
AT ARV-U
"Good morning pretty ladies!" Ang ganda ng ngiti ni Helios na nasa tapat ng room namin at binati kami ni Stef. Imagine ang pagpipigil ng pinsan ko na kiligin dahil super-duper crush nya talaga ang classmate ko.
"G-good morning din H-helios..." Grabeng pagpipigil ko sa sarili para hindi tumawa dahil nauutal pa si Stef. Lakas talaga ng karisma ni Helios.
Palipat-lipat naman ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil para silang napunta sa ibang dimensyon dahil sa lagkit ng tingin nila sa isa't isa at nakalimutan yata na nag-eexist ako. "Ehem! Stef pumunta ka na sa room mo at baka mahuli ka sa first subject mo."
Tila bumalik naman sa earth ang dalawa nang magsalita ako. "Ay oo nga! Terror pa naman ang Prof. ko. Bye Ains. Bye Helios!" Humalik pa siya sa pisngi ko at kumaway pa kay Helios.
"Hatid na kita hanggang sa room mo Stefanie." Epic ng reaction namin ni Stef nang magsalita si Helios. Parehong nanlaki ang mga mata namin at sabay pang nagkatinginan bago ibinaling ang tingin kay classmate. Si Helios ihahatid si Stef? Isa 'tong HIMALA!
"Lakad na aba! Bilisan mo Helios at baka biglang dumating ang Prof. natin." Kulang na lang ay ipagtulakan ko silang dalawa. Pinagtitinginan din kasi kami ng mga kaklase namin na nakatambay sa may hallway with their amusing faces.
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Teen FictionPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018