Every memory of looking out the back door
I had the photo album spread out on my bedroom floor
It's hard to say it, time to say it
Goodbye, goodbye
Every memory of walking out the
front door
I found the photo of the friend that I was looking for
It's hard to say it, time to say it
Goodbye, goodbyePumapailanlang ang rocking voice ni Jager ng Black Stones habang kinakanta ang Photograph by Nickelback. Back-up vocals naman ang rock princess na si Khaki. Perfect combination talaga ang boses nilang dalawa kaya hindi nakapag-tatakang maging successful ang Black Stones after 3 years.
Hiyawan, kantahan, headbangan at slaman ang masasaksihan dito sa SMX Convention Center. Sa mahigit 20,000 na tao na nandito ngayon ay ako lang yata ang hindi masyadong hyper sa mga oras na ito. Nagkasya na ako sa simpleng pag-headbang at pag-fingertap habang nakatutok ang paningin sa nagpeperform.
I miss that town
I miss the faces
You can't erase
You can't replace itSinabayan ko ang Black Stones sa pagkanta sa chorus part at biglang napa-Ouch dahil natapakan ng katabi ko ang kaliwang paa ko. Anak ng tokwa masakit, a!
Bumuntung-hininga ako at dahan-dahang tumingin sa may kaliwa ko. Mukhang goon pala ang katabi ko, tipong hindi papahuli nang buhay. Ayoko sanang manlait pero ganyan talaga ang description nya if you were in my shoe.
Lumingon naman si Mr. Goon sa'kin at ngumisi. What the heck, mukha siyang rapist! Subukan lang talaga nito na gumawa ng hindi maganda at may kalalagyan siya sa'kin. Marunong akong mag-self defense dahil tinuruan ako ng bestfriend kong si Ryder. Speaking of Ryder, teka 'asan na nga pala ang lalaking 'yon? Nagpaalam lang siya saglit sa'kin at may tatawagan daw tapos hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik. Kinain na siguro ng cellphone nya. Biro lang, mahal na mahal ko kaya si bestfriend kaso ako lang ang nakakaalam dahil sadyang manhid siya o 'di naman kaya ay parang kapatid na ang turing nya sa'kin. Ang saklap lang ng lovelife ko, bakit ba kasi kay Ryder pa tumibok ang puso ko? Napabuntung-hininga na naman tuloy ako.
Napatigil lang ako sa pagmumuni-muni at pagbibida sa inyo tungkol kay Ryder nang magsalita si Mr. Goon.
"Miss, alam kong gwapo ako kaya 'wag masyadong makatitig."
Tinaasan ko siya ng kilay. Parang gusto ko siyang bigyan ng salamin. Life-size mirror to be exact para matauhan siya sa sinasabi nyang gwapo siya.
"Ano'ng tinira mo kuya? Rugby, katol, medyas o sapatos? Lakas-tama e. Hindi ka ba mag-sosorry sa pagkaka-tapak mo sa kaliwang paa ko?!"
Ngumisi na naman siya. Feeling gwapo talaga nito. "Wala naman akong natapakan. Baka ikaw ang naka-tira dyan Miss."
"Aba't ikaw nga 'tong nakatapak -"
"May problema ba rito?"
Napatigil ako sa pagsasalita dahil biglang may sumingit sa eksena.
Napalingon ako sa right side ko kasi doon naka-pwesto ang nagsalita. Mabilis ko siyang napasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. 'Eto talaga ang gwapo, hindi itong ilusyunadong si Mr. Goon.
"Pare ilayo mo 'yang girlfriend mo sa'kin at mukhang tinamaan pa sa kagwapuhan ko." Ngumisi na naman ng nakakaloko ang feeling pogi na 'to.
Napanganga ako sabay titig ng masama sa tukmol na 'to. Kailangan na talaga nyang magpatingin sa espesyalista. Malala na talaga ang tama nito sa utak.
"Dear, I told you not to stay away from me. Napapalapit ka tuloy sa mga masasamang elemento. Let's go!"
Ha? Dear daw? At bago pa ako maka-react ay nahawakan na nya ang kamay ko at kinaladkad palayo kay Mr. Goon na napanganga na rin sa sinabi nya.
****
"Hey! Let me go!"
Napahinto sa paglalakad si Mr. Savior (oo na savior na nga) kaya napasubsob ako sa likuran nya. Hindi nakaligtas sa matalas kong pang-amoy ang pinaghalong perfume at manly scent nya.
"Malayo na pala tayo sa bakulaw na 'yon." Luminga pa siya sa pinanggalingan namin kanina.
"Yeah. Thanks for saving me by the way, kahit hindi ko naman talaga kailangan."
"It's my pleasure dear." he winked at me. Ayan na naman ang Dear na 'yan.
"Ainsley ang pangalan ko hindi Dear."
"Cute. Suits you dear." Makulit talaga ang isang 'to.
"Woo congrats Jager!"
"Pa-burger ka naman!"
"Samahan mo na ng fries!"
Sabay pa kaming napatingin sa stage at nasaksihan ang kissing scene nina Jager at Khaki.
"Astig talaga ni Khaki!"
"Finally at sinagot na nya si Jager."
Tumutugtog ulit ang My Heart indicating na tapos na ang concert.
"Let's go? Samahan na kita palabas."
"I'm with Ryder. Itetext ko na lang siya."
Sakto nag-vibrate ang phone ko na nasa kabilang paa ko. Nakasuksok kasi siya sa may gilid ng Converse shoes ko.
From: Ryder
I'm here at the entrance. Dito na kita hintayin.
Napailing na lang ako. Pambihira talaga si Ryder.
"Boyfriend?" usyoso nito.
"My bestfriend, Mr. Savior."
"It's Vilhelm." He winked at me again.
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Ficção AdolescentePierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018