AINSLEY
"Uwian na!" Parang batang excited na bulalas ko habang isa-isang naglalabasan na din ang mga kaklase ko.
"Ingay mo masyado baby, relax!" Ayan sinaway na tuloy ako ni Ryder, ang pinakamamahal kong bestfriend.
"Excited lang kasi maaga uwian 'pag Friday!"
Napalingon naman ako kay Yoshiro na kasalukuyang nakangiti habang nagtatype sa cellphone nya. Masaya yata siya?
"Hey Yoshiro, uuwi ka na ba?"
"Not yet. Pupunta raw dito sina Harold at Marco."
Biglang nanlaki ang mata ko. "OMG! Pupunta sila ng ARV-U? Ryder mamaya na tayo umuwi!" Lingon ko kay Ryder habang hinahatak siya sa braso.
"Exaggerated ka masyado baby, sabi ko relax!" Nakangiting tugon nya sabay gulo sa buhok ko.
"Trip mo talaga buhok ko! Shoo!" Tinampal ko nga kamay nya.
"Punta na lang tayo sa batibot at doon natin sila antayin." Suhestiyon ni Ryder kaya tumango kami pareho ni Yoshiro.
"Let's go!" Chorus pa naming tatlo habang palabas ng room.
*****
"Sana makasama sina Jager at Khaki para kumpleto kayo 'di ba Yoshiro?"
Nandito na kami sa batibot at marami ring nakatambay na mga estudyante na nagpapalipas-oras dahil vacant nila o dismissal na rin.
"Nagtext na daw si Harold, sana pwede sila." Grabe 'tong si Yoshiro may hawak pa ring libro kahit dismissal na. Bookish talaga.
"Siyanga pala, dito rin pumapasok ang members ng Team BLAST 'di ba? Buti hindi kinukuyog si Yoshiro." Inabutan kami ni Ryder ng tig-isang bottled drink.
"Oo nga e. Pero nakikinita ko na na kukuyugin sina Harold at Marco kapag pumasok na sila sa balwarte ng ARV-U." Nagtawanan naman 'yong dalawa sa sinabi ko.
"Si Harold talaga ang lapitin ng mga babae sa Black Stones." Totoo ang sinabing ito ni Yoshiro. Kahit si Jager ang pasimuno ng banda ay mas maraming tagahanga si Harold.
"Buti at single pa rin si Harold dahil baka nagselos na ang girlfriend nya sa dami ng fans ng Black Stones." Agree rin ako sa sinabing ito ni Ryder.
"Tama ka Ryder. Nagtataka nga rin ako kung bakit single pa rin siya. Siguro may hinihintay siyang babae." Isinara na ni Yoshiro ang binabasa nyang libro at ininom ang binigay ni Ryder.
"Siguro nga. Pansin ko lang na hanggang ngayon ay single pa kayong tatlo nina Harold at Marco." Napangiti naman si Yoshiro sa sinabi ko.
"Bakit parang apektado ka namang masyado baby?" At nang-aalaska na naman po si Ryder.
"Tse! Napansin ko lang naman 'no."
"Baka naman may gusto ka sa isa sa kanila?" Ang manhid talaga ni Ryder, my God!
Inirapan ko nga siya at nagpatuloy sa pagkain.
"May iba akong gusto kaso sobrang manhid nya at ang sarap ihampas sa pader."
"Brutal!"
"Baka sakaling matauhan." Nakaingos na tugon ko. Kung alam mo lang Ryder. Hay buhay.
"Si Vilhelm?"
"Basta!" Ang pagong nya grabe.
"Dalaga ka na, baby!" Humagalpak siya ng tawa habang nagbubukas ng Piattos.
"Takaw mo 'wag mo kaming ubusan ni Yoshiro!" Inagaw ko sa kanya ang Piattos at tumabi kay Yoshiro para hindi na nya mabawi.
"Para-paraan ka talaga Ainsley Vivienne Iñiguez!"
"Tigilan mo nga ako Ryder Olivier Blanco!"
Pumagitna sa amin si Yoshiro. "Awat na baka magbugbugan na kayong mag-bestfriend. Nag-text na ako kay Harold na magdala ng pagkain para foodtrip tayo rito."
"Ayos!" Sabay pa kami ni Ryder na parang walang nangyaring asaran.
Makalipas ang 5 minuto at nakarinig kami ng tilian ng mga babae na parang may pinagkakaguluhan. Sina Harold at Marco ay papalapit na sa'min.
"Hi!"
"Hello!"
"Harold and Marco, meet Ainsley and Ryder." Pagpapakila ni Yoshiro.
Nakipag-bro fist sila sa aming dalawa ni Ryder. Cool!
"Hindi pala makakasama sina Khaki at Jager dahil may date daw sila ngayon." Bungad ni Harold.
"May next time pa naman." Sagot ni Ryder.
"Teka 'asan na ba ang kasama namin? Kinuyog na yata sa cafeteria." Lingon ni Marco sa dinaanan nila.
"May kasama pa kayo?"
"Oo Yoshiro. Siya na raw ang bahala sa pagkain."
Hanggang sa may lalaking naka-shades at rugged look na papalapit sa'min at may bitbit na plastic bags.
"Sorry medyo natagalan, may nakasalubong kasi akong kakilala sa cafeteria." Inilapag nito sa lamesa ang bitbit na plastic bags at nag-alis ng shades.
"Ikaw?!"
"It's you again!" Manghang sabi pa nya at ginulo ang buhok ko. Ano ba naman, trip na trip nila ang buhok ko!
"Si Vilhelm pala ang kasama nyo." Nanunukso ang tingin ni Ryder sa'kin bago ibinaling ang tingin kay Vilhelm. Tusukin ko mata nito e.
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Genç KurguPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018