Aura's note:
Filler chapter alert! Birthday ni Jager ngayon HAHAHA kaya 'eto ang regalo ko. Baka sakaling na-miss nyo ang #TeamJaKhi.
KHAKI
"Sa tingin ko, mahihirapan tayong mamili kung sino mananalo sa We Will Rock U. Halos lahat magagaling kahit iba't iba music genre."
Tambay muna ako rito sa rest house nina JAE. Tinawagan nya kasi ako kasi kausapin daw namin si Marco thru videocall. Miss na raw ako ni Boy Libre.
"They're all great performers but there could only be one winner. May laban naman ang Black Vinyl sa kanila, Cassiopeia. I trust Ainsley and the rest. I trust Helena too on managing them." Inakbayan nya ako kaya napahilig ako sa balikat nya.
"Sana kasama natin si Marco mag-judge kaso busy siya sa pagmamanage ng family business nila. Kulang tuloy ang Black Stones." Nandito kami sa living room at kinukutingting ko ang laptop ni JAE. Ini-stalk ko lahat ng bandang sasali sa nalalapit na battle of the bands.
"Pagbalik nya, manlilibre siya and you're the first on his list." He pinched my nose kaya tinampal ko ang braso nya.
"Nagutom ako sa pagreresearch ng band profiles. Baka gusto mo naman akong pagmeryendahin, JAE?" Humiwalay ako sa kanya at kinuha ang electric guitar nya na naka-display sa sala.
"So, my rock princess is hungry now? Wait here, I'll prepare snacks." He gave me a quick kiss bago pumunta sa kusina. Umiskor pa talaga ang kuya nyo.
"Pakibilisan, my rock star! Magugutom mga alaga ko sa tiyan!" I giggled as I continue playing the guitar.
Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous
I couldn't speak
In that very moment I found the one and
My life had found its missing pieceSo as long as I live I'll love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
TonightNagtatanong na sina Mama at Papa kung kailan daw kami magpapakasal ni JAE. Pati nga si Ate Alice at ang bestfriend kong si Mel, ganyan din ang tanong? Agad-agad? Hindi ba pwedeng mauna muna sila ng ate ko bago kami? Parang na-pressure ako bigla, a.
"I want to sing that on our wedding day, Cassiopeia." Napatigil ako sa pagtugtog at napatingin kay JAE na may dalang tray.
"Magpapakasal na ba tayo agad? Dapat mauna muna sina Ate Alice at Mel." Ipinatong ko ang gitara sa sofa at nagsalin ng juice sa dalawang baso. Pizza talaga ang inihanda ni JAE. Alam nya kasing paborito ko. Sabagay lahat naman yata masarap sa panlasa ko.
"Radford's asking me, too. Gusto na raw ng kalaro ng anak nila." Nako, naghahanap na pala ng kalaro ang unica hija nina RAE at Krystelle.
Sabihin mo, magpapakasal na tayo bukas na bukas din." I humored at ibinigay kay JAE ang isang baso. "Cheers!"
"Be careful what you wish for, baka pakasalan na nga kita bukas."
"Nagbibiro lang ako, 'oy! Napaka-patola nito." I let him bite on my pizza.
"But seriously, I want to marry you. I'll make a decent proposal first. I want to spend my lifetime loving you, soon to be Mrs. Cassiopeia Krista Sarmiento-Elizalde."
"Kanta yata 'yon, JAE. Darating din tayo sa part na 'yan but for now, focus muna tayo sa We Will Rock U and then I'll marry you." Pinunasan ko ang ketchup sa gilid ng pisngi nya. Sweet din naman ako paminsan-minsan pero si JAE talaga ang tinubuan ng romantic bone sa'ming dalawa.
"Rhyming, huh, Cassiopeia? Can't wait when that day comes." He gave me his sweet smile. Bakit ba kasi nakaka-inlove ang lalaking 'to. I couldn't ask for more.
Napapangalahati na namin ang pizza nang tumunog ang laptop ni JAE. Marco's calling us via Messenger. Agad kong pinindot ang answer button.
"Marco! Miss na kita! Kain tayo!" Ipinakita ko sa kanya ang tray na may pizza. Natawa naman si Marco sa screen.
"Miss you too. Ngayon lang ako nakatawag. Dami kasing inaasikaso rito. Ikagat mo na lang ako sa pizza." Dahil masunurin ako, ikinagat ko siya sa hawak kong pizza. Nilakihan ko pa talaga.
Tumabi sa'kin si JAE at umakbay. Sumaludo pa siya kay Marco at itinaas ang baso na hawak nya. "You can do it, bro. Your parents trusted you so much. Cheers!" Itinaas naman ni Marco ang hawak nyang coffee mug.
"Yeah. Kaya pa naman. Namimiss ko lang ang jamming ng Black Stones. Abangan ko na lang ang update ng We Will Rock U. May tiwala naman ako sa judging nyo."
"Ingat ka, Marco. 'Wag masyadong papa-stress. Eat on time. Hanap ka na rin ng prospective girlfriend." Tinawanan ako ni Marco dahil sa mga sinabi ko.
"No time for girlfriend. Saka na kapag ikinasal na kayo ni Jager. Si Harold humaling na kay Eos. Puro siya ang bukambibig kapag nakakausap ko."
"He's head over heels with Eos. Dati pa naman until now. Baka maunahan ka pa ng pinsan mo magka-lovelife." Biro pa ni Jager.
Ilang minuto pa kaming nag-usap bago nagpaalam si Marco dahil may mga tatapusin pa siya at mga pipirmahang papeles. Naubos na rin naman namin ni JAE ang inihanda nyang meryenda. I volunteered to bring the tray to the kitchen. Ako na rin ang magliligpit ng mga pinagkainan namin kahit pinipigilan nya pa ako.
Habang naghuhugas ng mga pinggan at baso, JAE hugged me from behind. "Wife duties. Sipag naman ng misis ko."
I looked at him and met his lips. Kissing monster! "Misis agad? Tsaka konti lang naman 'tong liligpitan ko. At ikaw naman, Mr. Jager Aareon Elizalde, napaka-clingy mo ngayon. Takaw pa sa kiss." Tuluyan na akong humarap sa kanya matapos magligpit at pinisil ang matangos nyang ilong.
"Blame your tempting and bewitching lips, Cassiopeia. I'm hypnotized." Binuhat nya ako at iniupo sa kitchen island kaya magpantay na kami. He cupped my face at kissed me again.
Halos kapusin ako ng hininga nang maghiwalay ang aming mga labi. Jager knows when to stop kasi baka kung saan pa kami mauwi kapag nagtagal-tagal pa. Hanga ako sa lakas ng control nya.
"I'm sorry for being irresistible." I grinned as I rub my nose to him. Oh how I love this guy.
"I know." He gave me a quick peck before messing my hair. "I better take you home before I take you somewhere else. Solong-solo pa naman natin ang resthouse." Ibinaba na nya ako at iginiya pabalik sa living room.
"Baka may CCTV sa kusina nyo at i-rewind mo pa ang kissing scene natin doon." Itinulak ko siya sa sofa at kumandong sa kanya.
"How did you know?" He smiled mischievously at hinapit akong lalo. Our foreheads met.
"Naughty boy. Hatid mo na ako but before that, pa-kiss muna ulit." Kinabig ko siya at dahan-dahang hinalikan. Blame JAE's lips, too for being so sensual. Nahahawa na ako sa pagiging kissing monster nya.
"We better stop. Baka magpasundo na ako ng magkakasal sa'tin bago kita dalhin sa kwarto ko." Hinihingal na saad nya kaya mabilis akong umalis sa kandungan nya at natatawang isinukbit ang sling bag ko.
"Darating din tayo dyan, mister." Hinila ko na siya patayo.
"Of course, future misis. Let's go. I'll take you home." Nakaakbay siya sa'kin at nakakapit naman ako sa bewang nya habang palabas kami ng resthouse.
_______
See you on next chap!
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Dla nastolatkówPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018