Chapter 4: Trio Bonding

85 11 8
                                    

VILHELM

"Vilhelm, 'tol!"

Tuwang-tuwa na niyakap ako ng magpinsang sina Harold at Marco sabay bro fist dahil sinorpresa ko sila sa condo na tinutuluyan nila. Hindi kasi ako nagpakita sa kanila last week sa concert nila sa SMX Convention Center.

"Kailan ka pa dumating? 'Di ka man lang nagpapasabi, a!"

"Last week pa. In fact, nanuod pa 'ko ng concert nyo."

Parehong pagkagulat ang nakarehistro sa mukha nilang dalawa. Hindi siguro nila inaasahan na nandoon din ako sa concert nila.

"Daya! Sana pumunta ka ng backstage at nagpakita sa'min!" Tapik ni Harold sa balikat ko. Nandito na kami ngayon sa may balcony at nakatambay.

"Balak ko naman talagang magpakita sa inyo kaso may nakilala akong astig na anghel." Napangisi pa ako nang maalala ko ang unang encounter namin ni Ainsley dear.

"Astig na anghel?" Duet pa nilang dalawa.

"Oo mga 'tol! Ang ganda at ang astig at the same time!" Pagmamalaki ko pa.

"Hmm..nangangamoy pag-ibig dito." Nanunukso ang tingin ni Marco.

"Kailangang makilatis muna namin 'yan." Segunda naman ni Harold.

"The problem is, hindi na kami nagkita after the concert. Hindi ko rin nahingi ang contact number nya." Napapakamot-ulo na sabi ko sa kanila.

Sabay pa tuloy silang napa-facepalm. Epic!

"Hina mo namang dumiskarte 'tol! Ayaw mong gagaya sa'kin e." Iniabot sa'kin ni Harold ang isang canned drink.

"At nagsalita ang expert sa mga babae. Kaya pala hanggang ngayon ay single ka pa rin 'insan." Pang-aalaska naman ni Marco kay Harold.

And the three of us burst into laughter.

"Hinihintay mo ba pa si Ate ER, Harold?" Alam kong lakas-tama 'tong si Harold sa ate ko. Childhood sweethearts kasi sila.

Nasamid tuloy siya habang umiinom.

"Ibinubuking mo naman agad ako sa readers 'tol! Maybe." Naiiling na sagot nya.

"Almost 6 years nang hindi umuuwi sa 'Pinas si Eos Reighanne. Wala ba siyang balak umuwi at magpapaka-buro na lang ba siya abroad?" tanong ni Marco habang binubuksan ang potato chips.

"Ewan ko kay ate. Masyadong busy sa career ang isang 'yon. Pero malay nyo at magka-himala at maisipan nyang umuwi."

"Oo 'tol para naman maging masaya na si 'insan!" Tinapik-tapik pa ni Marco ang balikat ni Harold.

"Yaan nyo kukulitin ko na umuwi, baka sakaling makulitan sa'kin at umuwi na lang bigla."

Nag-cheers naman kaming tatlo sa hawak naming canned drinks.

"Mabalik nga tayo dyan sa sinasabi mong chickababes. Sa tingin mo ba ay kailangan na natin siyang huntingin?" Ibang klase din ang suggestion na 'to ni Harold.

"Hindi na siguro 'tol, nararamdaman kong malapit na ang aming muling pagkikita." Natatawang sabi ko sa kanila habang pinagmamasdan ang tanawin dito sa itaas ng condo.

"That's the spirit!" At duet na naman ang mag-pinsan.

Binigyan ko naman sila ng ngiting tagumpay at rock sign yeah!

*****

"Tara dalaw tayo sa ARV-U!" Suggestion ni Marco nang patapos na kami sa pagmemeryenda.

"Pwede! Tutal doon na pumapasok si Yoshiro, nakaka-miss din ang Alma Mater natin 'insan!" Excited pang sabi ni Harold.

"Ang sabihin mo, excited kang kuyugin ng mga estudyante do'n dahil habulin ka talaga ng chicks!"

Naghagalpakan na naman kami ng tawa. Nakaka-miss ang ganitong bonding. Kung hindi nyo naitatanong, magkababata kaming apat: ako, si ate ER, Harold at Marco. Loveteam naman sina ate at Harold noon pa man kaso nagkahiwalay ng landas kasi sa abroad na nagtitigil si ate dahil sa pagmomodel nya. Buti pa ako at naiisipan ko pang umuwi ng 'Pinas. It's more fun in the Philippines!

"Doon na nga rin pala nag-aaral ang members ng Team BLAST kaya instant reunion ito 'pag nagkataon."

"Tatawagan ko sina Khaki at Jager baka available sila ngayon para kumpleto tayo." Inilabas ni Marco ang cellphone nya at nagsimulang mag-dial.

"Alright! Rock na ito!"

"Mukhang masaya yan a. Sige sasama ako sa inyo." Malay nyo baka doon din pumapasok si Ainsley dear ko e 'di tadhana na talaga na magkita kami.

"Malay mo 'tol doon pala pumapasok ang astig na anghel mo 'di ba?" Seryoso, nababasa ba ni Harold ang iniisip ko?

"Posible nga 'yan 'insan kaya manalig tayo!" Natawa kaming dalawa ni Harold sa litanya na ito ni Marco.

"Lakarin na lang natin, walking distance lang naman mula dito hanggang ARV-U."

"Tara na?" Ako na talaga ang nag-yaya.

"Hindi halatang excited si Vilhelm e 'no 'insan?" Tanong ni Harold kay Marco.

"Tama. Hindi siya halatang excited na baka nandoon nga si astig na anghel nya."

Tumatawa pa tuloy kaming tatlo habang pababa na dito sa condo.

A/N: Sino'ng naka-miss kina Harold at Marco? Nandito na ulit ang makulit nilang tambalan :D

Pierres Noires (Black Stones) 2 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon