VILHELM
"Hi!" Sabay pa talaga kaming tumayo at nagsalita ni ate ER nang makita namin si Ainsley na papasok dito sa living room. Ewan ko ba sa ate ko, ang sabi nya ay sa Sabado pa raw siya makikipagkita pero nandito na agad kami sa bahay nina Ainsley dear. Mga babae talaga, fickle-minded.
"Oh my God..." Shocked lang naman si Dear pagkakita sa'min pero ako naman 'tong napatulala sa kanya. Kasi naman ang ganda nya pa rin kahit dishieveled hair na. Paano pa kapag maayos ang buhok nya 'di ba?
"Hello! You must be Ainsley." Bahagya akong siniko ni ate kaya napabalik na ako sa earth. Wala, e natulala talaga ako kanina.
"Nananaginip ba ako?" Tinapik-tapik pa ni Ainsley ang magkabilang pisngi nya. Napatawa naman si ate saka umiling. "Dyosang Eos! Ikaw nga! Oh my God!" Tuluyan na siyang lumapit sa'min at niyakap si ate na tinugon naman nito. Buti pa si ate may free hug.
"Where's my hug, dear?" I spread my arms. Baka sakaling makalusot.
"Hindi ka kasali pero salamat talaga kasi saved by the bell ako dahil sa inyo." She gave me a light punch in my left arm. She's that sweet.
"Si Stef nga pala anak? Bakit hindi mo kasama?" Lumapit si Tita sa'min na may dala-dalang notebook, ballpen at sangkatutak na magazines na cover si ate ER. She motioned us to sit.
"Magkakasama po sila nina Ryder at Helios plus his fraternal twin Helena. Mall hopping maybe?"
"Kasama naman pala ang bestfriend mo kaya hindi ako mag-aalala." She smiled at her and shifted her gaze to me and to my sister. "Pa-autograph naman Miss Eos. Fan na fan mo talaga ako!"
"Sure, Tita. Malakas po kayo sa'kin." Ate ER flashed her sweet smile at pinirmahan ang mga magazine pati na rin ang notebook ni Tita. Naglagay rin siya ng maikling mensahe along with her three-hearts-above-her-name signtaure. Maganda talaga ang handwriting nya kumpara sa'kin.
"Picture-picture naman!" Nakakahawa ang bubbly personality ni Tita habang excited na inaayos ang monopod. Napatayo ulit kaming lahat para sa picture taking. "Say kimchi!"
"Kimchi!" Hinigit ko pa si Ainsley palapit sa'kin dahil hindi siya masyadong abot sa cam. Camera shy pa yata ang Dear ko. Bale ang pwesto namin (in order) ay si Tita, si ate, ako at si Ainsley.
Naka-sampung shots yata kami bago naupong muli dahil sa snack na inihain sa'min ni Manang. "Nananaginip ba ako?" Muli ay tanong ni Ainsley.
"Should I kiss you then, to wake you up?" Pati ako ay nabigla sa sinabi ko kaya binawi ko agad. "Kidding, dear." With matching peace sign. My sister giggled and Ainsley blushed.
"Team Vinsley for the win!" Pagchicheer naman ni Tita. Whoa!
"Team Vinsley?" Nanunukso ang tingin sa'min ni ate.
"Nako, Dyosang Eos pauso kasi ang pinsan ko kaya naki-ride na rin pati si Mama, even Ryder."
"Cute. Pwede rin ba akong maki-join?" Thanks ate for being supportive haha!
"Naman, o." Humaba na tuloy ang nguso ni Ainsley kaya pinisil ko ang pisngi nya. "Boto talaga sila sa'tin, dear." I flashed a boyish grin and winked at her.
"Asa ka naman Vilhelm Eryx Ramirez." There she is, saying my complete name but I like it.
"Ang sarap talaga sa pandinig kapag sinasabi mo ng buo ang pangalan ko, Ainsley Vivienne Iniguez."
"Tigilan mo nga ako sa pambobola mo Vil naku baka masapak kita!"
"Sweet nyo naman!" Sabay pa sina ate at Tita habang natatawa.
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Dla nastolatkówPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018