AINSLEY
Pagkatapos ng oral recitation sa Accounting pati na rin sa ibang subjects ay heto, last subject na kami ngayon woohoo! Naka-survive na naman ng isang araw sa college life! Hindi rin naman nasayang ang effort ko magpuyat dahil nakasagot naman ako ng matino at perfect ko ang quiz sa Filipino kanina.
Nagbigay ng seat work si Prof. Miranda at kahit medyo nakakalito ang numbers ay nasagutan ko naman lahat. Ngayong araw na ito ay naging best bud ko ang Math yahoo!
"Time's up! Pass your papers." Sakto naman na kakasulat ko lang ng sagot sa last question kaya abot pa ako. "I'll give the results on our next meeting. Class dismiss."
"Bye Sir!"
Nilapitan ako ni Ryder at tinapik sa balikat. "How's the quiz?"
"Sisiw!"
"Naks, confident ang baby ko!"
"Nasagutan ko nga lahat e kahit nakakalito sa umpisa ang equations and formulas."
"That's my girl!"
'Pero mas okay kung girl mo talaga ako, Ryder.'
"Ako pa ba Ryder?" Sa halip ay iyan ang sinabi ko sa kanya. Bulong lang sa isip ang statement ko sa itaas hehe.
"Let's go?" Tumango naman ako sa kanya.
Pareho kaming napatingin sa pintuan kung saan papalabas na sina Yoshiro at Larkin. Si Helios naman ay pinapapak na ng mga kaklase ko. Joke! Nag-aayos na siya ng mga gamit nya habang nagkakalikot ng cellphone. Multi-tasking ang kuya nyo.
Sabay kaming lumabas ni Ryder ng room at naka-akbay siya sa'kin. Diyos ko, ang puso ko ayaw kumalma! Nag-ka-cartwheel pa sabay back flip. Hoy puso kalma! Landi nito!
"May artista ba?" Napatigil lang ako sa pag-kastigo sa sarili ko at napatingin kay Ryder na nakakunot-noong nakatingin sa left side ng hallway.
Sinundan ko ng tingin ang tinitignan nya. "Oo nga 'no? Bakit may commotion doon? Tara puntahan natin!" Chismosa lang ang peg Ainsley? Napabilis tuloy ang paglalakad namin dahil nga sa agaw-eksena sa hallway.
"Teka, teka nga! Excuse me!" Hinawi ko ang kumpulan ng mga tao. Teka, bakit puro babae yata ang nandito?
And then...
"Vilhelm?!" Duet pa kami ni Ryder. Pambihira! Si Vilhelm lang pala ang pinagkakaguluhan, akala ko pa naman ay may artista na talaga.
Napa-facepalm na lang ako habang si Ryder ay umaalog ang balikat dahil nagpipigil siyang tumawa.
"Ainsley dear!" Pilit kumawala ni Vilhelm sa kumpulan ng tao sabay kabig sa'kin at yakap. Aba't dumadamubs ang isang 'to?!
"Ay boyfriend na pala ni Ainsley, sayang naman!"
"Taken na pala si cutie huhubells! "
"Ang swerte ni Ainsley kyaaaa!"
Kita nyo 'tong mga schoolmate ko ang dudumi ng utak. Sabagay, ganda ko kaya kahit tamad akong magsuklay. Sige Ainsley, magbuhat pa ng sariling bangko! Go, push!
"S-saglit Vilhelm, h-hindi ako makahinga!"
Kumalas naman bigla si Vilhelm sa pagkakayakap. "Grabe talaga rito sa school nyo, akala ko malalapa na 'ko nang buhay!"
"Ganyan talaga kapag mga gwapo, pare." Natatawa-tawa pa si Ryder habang tinatapik sa balikat si Vilhelm.
"Teka nga, ano'ng ginagawa mo rito sa ARV-U ha?!" Hindi ko sadya na pataray ang pagtatanong ko pero ganyan na nga ang kinalabasan. Scene stealer lang kasi ang peg ng isang 'to kanina.
"I'm visiting you, Ainsley dear. I missed you."
"Ayiiieeeee!" Nakalimutan ko na may mga nakiki-usyoso pa nga pala sa'min dito sa hallway.
"Nice one, pare!" Kita nyo 'tong si Ryder, panabong pa. Tsk.
Tinignan ko ang mga usi sa paligid. "Umalis na nga kayo kung ayaw nyong masaktan." In an instant, boom! Nawala na agad sila, aware kasi na marunong akong manapak e tulad ng ginawa ko sa malanding b*tch na si Xixi. Outside school naman nangyari kaya hindi ako na-expel.
"Aray! Tama na Ainsley nasasaktan ako!" Mangiyak-ngiyak si Xixi habang pinipilipit ko ang braso nya. Bruha kasi e, inabangan ba naman ako sa kanto na walang masyadong tao at binuhusan ako ng tubig na galing imburnal ng mga alipores nyang mukhang sasabak lagi sa birthday party dahil pwede na silang mag-apply as clown dahil sa kapal ng make-up.
"Sa susunod Xixi, pipili ka ng mapapagtripan ha kung ayaw mong baliin ko na nang tuluyan 'tong braso mo! " Itinulak ko siya kaya napasubsob siya sa mga alipores nya.
"I hate you Ainsley! So much!"
"Oh, I love you too pathetic b*tch!" I flip my hair at iniwan silang nakatulala. Bwisit amoy kanal na ako!
"Well, well, well. Look who's here?" Speaking of Xixi, lakas talaga ng radar ng bruhang 'to basta may lalaking gwapo na pakalat-kalat sa paligid. Himala at wala yata ang mga alipores nya.
"Oh, hi there, Xixi!" Ngiting asong ismid ko sa kanya.
"My gosh Ainsley, you're so flirt talaga! May Fafa Ryder ka na and then sa'yo pa rin si Mr. Hunk na 'to?" Bumaling naman ang hitad kay Vilhelm. "Sa'kin ka na lang at hindi ka magsisisi." Hinila nya palapit si Vilhelm saka hinalikan sa pisngi. Bumakas tuloy ang red lipstick nya. Landi talaga nakakakulo ng dugo!
"E 'di sa'yo na. Nakakaawa ka naman kasi Xixi, imagine lahat na lang ng lalaki sa campus ay nilalandi mo pero hindi ka naman pinapatulan. So pathetic!"
Biglang namula ang hitad, pahiya siya e. "You b*tch!"
"YOU. ARE. THE. B*TCH. HERE. XIXI!" Inemphasize ko talaga, aba't ginawa pa akong salamin ng bruhildang 'to?!
"Nakakaawa ka naman, Miss. Bago-bago rin kasi. Spare me among those guys na papatulan ang flirting mo. That is, kung may pumapatol nga sa'yo." Parang nandidiri pa si Vilhelm habang pinupunasan ang pisngi nya na may lipstick stain.
"Poor Xixi." Nag-make face pa ako sa kanya habang nakahalukipkip.
"May araw ka rin sa'kin Ainsley, tandaan mo 'yan!"
"Really Xixi? Gusto mong ipaalala ko ang ginawa ko sa'yo last time?"
"Ginawa? May nakalimutan ka bang i-kwento sa'kin baby?" Hindi nga pala alam ni Ryder ang nangyari.
"Argh! I hate you!" Nagdadabog pa si Xixi habang naglalakad at muntik pang matapilok. Bakit ba kasi nagsusuot ng napakataas na heels dito sa campus? Duh?
"Taray mo naman dear! I like that!"
"Tse! Tigil-tigilan mo nga ako sa pag-dear dear na 'yan baka masapak na kita Vilhelm!"
"Masapak ng pagmamahal? That's fine with me, dear."
"Argh!" Hiniram ko muna 'tong line ni Xixi. Bakit nakakagigil si Vilhelm?! Pero bakit ako biglang kinilig sa sinabi nya?
"Tara na nga, agaw-eksena pa kayong dalawa." Tinatawanan pa rin kami ni Ryder habang napapagitnaan namin siya ni Vilhelm dahil naka-akbay siya sa'min habang palabas na kami ng ARV-U.
On multimedia: Larkin Eri Ishiyama
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Teen FictionPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018