Chapter 47: With A Smile

18 6 1
                                    

RYDER

Isang araw na lang bago ang We Will Rock U kaya naisipan kong pumunta ulit kina Ainsley kahit kahapon naman ay nandito kami for our final rehearsal. Matagal na rin kasi no'ng mula kaming huling nag-bonding na kaming dalawa lang, madalas ay kapag may band rehearsal kami. Napapabayaan ko na yata ang bestfriend ko dahil mas madalas ko pang kasama si Harmony kahit pa sabihing nandyan naman si Vilhelm na patay na patay sa kanya este handa siyang samahan.

Dati, umaabot na ako ng maghapon sa kanila kapag walang pasok. Tinuturuan ko siya ng ilang self-defense techniques o 'di naman kaya ay music jamming. Malaking factor na rin na masarap talaga magluto si Tita kaya nawiwili akong tumambay sa kanila.

"Mag-iingat ka, anak. Paki-bigay mo na rin ito sa mag-ina." Iniabot ni Mama ang isang box ng home-made chicken empanada.

Hinalikan ko siya sa pisngi. "Thanks, Ma. I'll be home for dinner. Kina Ainsley lang ako maghapon at wala naman akong pupuntahang iba."

"Wala ka yatang date ngayon, Ryder?" Tukso naman ni Papa. Naabutan ko siyang nagbabasa ng dyaryo sa may hardin.

"Bestfriend duties muna, 'Pa. Alis po muna ako." Paalam ko. Bitbit ko na rin ang acoustic guitar ko para sa music jamming.

Nasa may gate pa lang ako ay natatanaw ko na agad si Ainsley na nag-eexercise kaya bumusina ako para ipaalam ang presensya ko.

"Kaya lalong sumeseksi, e. Good morning!" Bati ko matapos nya akong pagbuksan ng gate para igarahe ang motor ko.

"Good morning. Wala kang pasabi na pupunta ka." Ngiti nya habang nagpupunas ng pawis.

"Nag-send ako ng text message. Hindi mo yata nabasa. Pinabibigay pala ni Mama." Iniabot ko sa kanya ang supot na may lamang box ng empanada.

"Naiwan ko pala sa kwarto ang cellphone ko." Binuksan nya ang kahon. "Uy, chicken empanada! Love na love talaga ako ni Tita!" Agad siyang kumuha ng isa para tikman. "Sarap talaga!"

"Takaw talaga. Mamaya mo na kainin ang iba. Nag-almusal ka na ba?"

"Uminom lang ako ng fresh milk kanina. Tara sa loob at baka nakaluto na si Mama."

Pagpasok ay naabutan namin si Tita na naghahanda ng mga pagkain sa lamesa. Mukhang mapapadayo na naman ako ng almusal.

"O, may bisita pala tayo. Saluhan mo na kami, Ryder." Aya ni Tita sa'kin.

"Salamat po, Tita. Tapos na po ako mag-almusal pero mukhang magkakaroon ng Part 2. Mahirap tanggihan kapag luto nyo."

"Ma, may dalang home made chicken empanada si Ry. Ang sarap!" Itinaas ni Ainsley ang bitbit na supot.

"Salamat, hijo. Mamaya magdala ka ng cake kapag nakapag-bake ako."

"Hindi ko po tatanggihan 'yan, Tita." Nagkatawanan tuloy kaming tatlo.

Habang kumakain ay panay ang bigay ng words of encouragement ni Tita. First time nga naman namin kasing sasali sa battle of the bands. Manalo matalo raw ay magagaling kami para sa kanya. Matuto rin daw kaming tumanggap ng pagkatalo at panatilihin naman ang mga paa sa lupa kapag nanalo. Mas ginanahan tuloy ako lalo para bukas.

Pagkakain ay niyaya ko si Ainsley sa veranda para sa music jam. Bitbit namin pareho ang acoustic guitar na parang hindi napapagod sa music jamming. Heto at may acoustic concert kami, salitan kami sa pagtugtog at pagkanta. Pwedeng sabay.

"Mr. Ryder Oliver Blanco, na-miss ko ang ganitong session natin." Inilapag ni Ainsley ang gitara sa guitar stand at ngumiti sa'kin. "Masyado ka na kasing busy sa lovelife mo."

Patuloy ako sa pagtipa ng gitara. "Nagseselos na ba ang baby ko?" Lumapad ang ngiti ko nang makita ang bahagyang pagpula ng kanyang mga pisngi. "Kaya nga nandito ako. Bigla kitang na-miss, Miss Ainsley Vivienne Iñiguez."

Pierres Noires (Black Stones) 2 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon