VILHELM
Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa kukote ko at nandito ako ngayon sa ARV-U nang ganito kaaga. Ang alam ko lang ay gusto ko na siyang makita ulit after that phone call kahit tinulugan nya pa ako.
"At bakit ang aga mo naman dito sa school namin, Mr. Ramirez?" 'Yan agad ang salubong sa'kin ni Ainsley nang makalapit na sila sa kinatatayuan naming tatlo nina Helios at Stef. Nakipag-bro fist naman sa'kin ang bestfriend nya.
"Good morning dear! Wala naman sigurong masama sa pagpunta ng ARV-U 'di ba?" I gave her my boyish grin.
She rolled her eyes. "Wala naman akong sinabi na masama pero ang aga mo naman yatang maligaw dito?"
"Manliligaw kasi ako este gusto kitang makita." I scratched my head at nagtawanan naman ang mga kasama namin.
"Whatever. So ano'ng balak mo?" Nakahalukipkip nyang tanong habang nakataas ang isang kilay.
"Sit in muna ako sa class nyo."
"The whole day?"
"Yes. The whole day." Emphasizing the last three words.
Hinawakan naman akong bigla ni Ainsley sa noo. "Are you sure? Normal naman ang temperature mo. Wala ka namang sakit. Wala ka nga bang nararamdamang kakaiba sa katawan mo, Vilhelm?"
Bahagya akong natawa sa interrogation nya. "I'm perfectly fine, dear. Pero bakit gano'n? Kapag nakikita kita ay bumibilis ang tibok ng puso ko?" Inilagay ko pa talaga ang right hand ko sa dibdib para effective.
"Ang cheesy pare!" Naiiling na natatawa tuloy si Helios samantalang napahagikhik naman si Stef.
"Exit na muna ako. Punta na ako sa room ko, bye guys! Team Vinsley for the win!" Thanks Stef at napaka-supportive mo talaga!
"Hatid na kita." Sinabayan naman ni Helios sa paglalakad ang pinsan ni Ainsley. Nangangamoy Team Helanie a.
"Team Helanie for the win!" Sabay pa silang napalingon sa direksyon namin at sabay ding tumawa. MTB rin kaya sila?
"Team Vinsley at Team Helanie. Ayos a! Abangan nyo rin ang Team Rylena." Nakakaloko ang ngiti ni Ryder at sabay pa kaming tumawa nang malakas. Samantalang si Ainsley ay sinimangutan lang siya.
"Corny nyong dalawa. Tara na nga sa loob!" Nagmartsa na siya papasok sa room nila for their first subject at sinundan na lang namin siya ni Ryder na natatawa sa pag-tantrums ni Ainsley dear.
*****
AINSLEY
Ayos din 'tong si Vilhelm. Ang aga nya talagang tumambay este maki-sit in sa'min. Nagulat pa nga kami kasi kakilala nya pala ng ilan sa mga estudyante at prof sa campus. Pinanindigan na rin ng kuya nyo na hanggang sa matapos ang klase namin ay mananatili siyang dakilang sit in. Kasabay din namin siya sa breaktime malamang at nilibre nya kami nina Stef, Helios, Ryder, Larkin at Yoshiro. Siya na galante.
"Foundation Day na next month at inaasahan ko ang cooperation nyo, class. Pwede na kayong magsimulang bumuo ng inyong group dahil Acoustic Session ang theme this year." Matapos ang lecture namin sa P.E. ay isiningit na ni Prof. Buendia ang tungkol sa nalalapit na Foundation Day.
Naging excited naman ang mga kaklase ko at kanya-kanyang discussion. Pambihira. Sana makinig muna sila o kaya magtanong kay Prof. for more details.
"Sir, pwede bang makipag-music jam with the other courses?" Speaking of pagtatanong, ayan na nga at nagtanong na si Helios.
"Isa 'yan sa sasabihin ko sa inyo ngayon. Mas exciting ang Foundation Day natin ngayon dahil pwede kayong makipag-jam or makipag-collaboration with the other courses. One more thing, pwede tayong mag-invite ng mga Alumni kaya expected ko na tutugtog ang Black Stones pati na rin ang ibang banda tulad ng Interglot." Dumako ang paningin ni Prof. sa kinauupuan ni Yoshiro na tumango naman bilang pag-sang ayon.
"Ayos! Masaya ang Foundation Day natin!"
"Thumbs up sa nakaisip ng twist!"
"Makikita ko na ulit si Khaki! Idol ko 'yon, e!"
Napasulyap naman ako sa kinauupuan ng ilang members ng Team BLAST. Mukhang excited din sila sa pagtugtog ng Black Stones. Hindi lang naman sila basta fans ng banda dahil higit pa sa fans ang turing nina Khaki sa kanila. More on kapamilya kumbaga.
"Hey, Ains." Kinalbit naman ako ni Helios na nakaupo na agad sa bandang likuran ko. Si Vilhelm kasi ang katabi ko. Sosyal na sit in 'to. Dapat sa dulo 'to nakaupo e, palibhasa kakilala mga Prof.
"Yes?"
"Can I ask Stefanie na maka-collab ko?"
"Sure! No problem!" Patay na patay nga sa'yo ang pinsan ko, kung alam mo lang. Sa isip isip ko.
"Thanks!" Bumalik na ito sa talagang kinauupuan nya. Lapad ng ngiti ni classmate, a.
This time ay kay Vilhelm na ako nakaharap dahil gaya-gaya siya kay Helios na kinalbit din ako kahit magkalapit lang naman kami. "Dear, pwede rin tayo mag-collab 'di ba? 'Wag kang tatanggi please!" Pinagdikit pa nya ang kanyang mga palad na parang nagmamakaawa sa'kin.
"Ipinapangako ko na hihigitan ko pa ang collab nyo ni Harold dati basta pumayag ka na dear. Please?" Nang hindi agad ako nakasagot ay mabilis nyang idinugtong ang mga katagang 'yan.
"Pumayag ka na, Ainsley. Pa-birthday mo na kay Vilhelm tutal ilang araw na lang ay debut nyo na pareho." Napalakas yata ang pagkakasabi ni Ryder dahil nabaling na sa'min ang atensyon ng mga kaklase namin pati si Prof. Buendia.
"Uy, malapit na pala birthday ni classmate!"
"Debut mo na Ainsley, 'di ba?" Excited pang tanong ni Liezl sa'kin, our class President.
"Yes, Miss President."
"Debut ko na rin pala, Miss President. I'll be turning 21." Pakiki-fc ni Vil sa aming dalawa.
"Double debut pala ang magaganap. Ano'ng plano nyong dalawa?" Napabaling naman ang tingin naming lahat nang magsalita si Prof.
"Sir, wala talaga akong plano magcelebrate ng birthday kahit debut ko pa. Pero naisip kasi ng pinsan ko na feeding program ang gawin namin at nag-agree naman si Mama kaya sumang-ayon na rin po ako."
"That would be great, dear! Can I join as well?" Mukhang mas excited pa si Vilhelm kaysa sa'kin.
"Tapos may program?" Tanong ulit ni Prof. Magandang ideya 'to.
"Tama! Don't worry Ains, tutulungan ka namin. Right, classmates?" Tuwang-tuwa na inilibot ni Miss President ang tingin sa buong klase.
"Tama!" Sang-ayon naman ng mga kaklase ko. Prof. Buendia nodded as a sign of approval.
"Settled na ang debut nina Ainsley at Vilhelm. After that ay inaasahan ko ang full cooperation nyo for our incoming Foundation Day."
"Yes, Sir!"
"That's all for today. Class dismiss."
*****
YOSHIRO
We're on our last period for today. Lingid sa kaalaman ng lahat ng nasa classroom ay nag-text na ako kina Cassie, kuya Jareon, Marco at Harold para ibalita ang tungkol sa nalalapit na Foundation Day. Except for Harold, pupunta ang bandmates ko rito sa ARV-U for a surprise visit.
Nag-vibrate ang phone ko. I receive a text message from Marco saying na palapit na sila sa room namin. Sakto naman na paglingon ko sa bintana ay nakita ko agad si Cassie. I smiled at her. Hindi sila nakikita ng mga kaklase ko kasi busy ang lahat sa pagsasagot ng activity.
Napatingin rin pala si Prof. Miranda sa may pintuan at tinanguan nya ang bandmates ko. Sakto rin na malapit na ang time kaya pinapasa na nya ang paperworks namin.
"Time's up!" Awtomatikong napatingin sa kanya ang aking mga kaklase sabay pasa na rin ng mga papel.
Maya maya pa ay kinatok ni Cassie ang nakabukas na pinto. "Knock knock! Pwede ba kaming maki-sit in?"
"Oh my God!"
"The Black Stones are here!"
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Fiksi RemajaPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018