AINSLEY
Nakahinga kami nang maluwag matapos ang lahat ng performances. Habang nag-uusap ang mga hurado ay may special number ulit ang ilang banda na nanalo sa mga nakaraang battle of the bands. Magagaling nga talaga sila.
"Kaya pa ba, Dear?" Inabutan ako ni Vilhelm ng bottled water. Tumango naman ako sa kanya. Si Ryder ay masayang nakikipag-usap sa mga babaeng supporters ng Unliving Dolls. That's one good trait of Ry. Madali siyang makisalamuha sa ibang tao kaya isa rin siya sa mga hinahangaan sa Uni.
"May laban lahat ng banda pero lima lang ang makakapasok sa next round. Sana makapasok tayo." Halos inisang lagok ko ang ibinigay nyang tubig.
"Oo naman! May tiwala ako sa Black Vinyl. Makakapasok tayo sa next round!" Lakas talaga ng fighting spirit ng isang 'to.
Hindi naman snob ang mga kalaban naming banda dahil nakikipag-bonding din sila sa iba. Mas okay ang ganito, may camaraderie kumbaga.
Pagkatapos magperform ng dalawang kanta ng Guys In Plaid Shirts, bumalik na sa stage ang Emcee.
"Ready for the next round MOA Arena?" As usual, sigawan ang mga tao. Kanya-kanyang cheer sa mga banda. "Let Miss Khaki of Black Stones do the honors of giving us the result."
Umakyat sa stage si Khaki at iniabot sa emcee ang envelope. "Thank you Miss Khaki. Now here's the top 5 bands who will proceed to the next round."
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Nakakakaba naman kasi. First time naming sumali sa ganito. Okay lang na hindi manalo, basta makapasok kami sa next round.
"In no particular order, the first band is..." Pabitin pa si Khaki kaya lalong nagwala ang audience.
"Missed Mistress!" Sabay nilang bigkas ng emcee. Hiyawan ang lahat habang umaakyat ng stage ang miyembro ng nasabing banda.
"Our second band is none other than... April's Ashes!" Pati kami ay napa-cheer dahil pasok ang banda ng kinakapatid ko.
"Let's give it up for our third band... Dark Nube!" Lalong umugong ang sigawan sa loob ng arena. Maraming supporters ang Dark Nube. Tuwang-tuwa nga ang kambal na todo cheer sa kanilang kuya Xaundre.
"Kaya pa ba MOA Arena? Our fourth band... Unliving Dolls!" Halos mabingi na kami sa sobrang ingay sa arena. Kung maraming fans ang Dark Nube, 'di hamak na mas marami ang sa Unliving Dolls. Girl power!
Magagaling silang lahat. Parang gusto ko na talagang mawalan ng pag-asa na makakapasok kami sa next round. Newbie kami kumpara sa apat na bandang napili.
"Last but definitely not the least," pabitin naman ng emcee. Nakita naming bumulong si Khaki sa kanya at tumango naman ito at saka ibinigay sa vocalist ng Black Stones ang mikropono.
"May tiwala ako na makakapasok ang bandang ito. Hindi ako biased pero mahal ko sila. So, MOA Arena, I present to you the fifth and final band who made it to the next round... Any guesses?"
Aatakihin na ako sa puso sa mga pabitin nila, oh my fruit goddess!
Kanya-kanyang sigaw na naman ang mga tao pero nangingibaw ang sigaw ng Team BLAST. They're shouting our band name!
"Black Vinyl! Black Vinyl! Black Vinyl!"
"Don't be a pessimist, Dear. Naririnig mo ba ang isinisigaw nila?" Tango na lang ang naibigay ko kay Vil dahil baka kapag nagsalita ako ay mabasag ang boses ko because I'm close to tears right now.
"Black Vinyl! Black Vinyl! Black Vinyl!"
Napatingin kami sa apat na babae na supporters ng Unliving Dolls kasi they're cheering for us. Even Unliving Dolls are cheering and waving at us.
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Dla nastolatkówPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018