Chapter 10: Dinner With My 'Older Brothers'

60 10 5
                                    

AINSLEY

Bahagya pang nagulat si Mama dahil ang dami naming sumugod dito sa bahay. Ang siste tuloy, nagmukha akong one of the boys dahil ako lang ang bukod tanging babae.

"Hello po sa napaka-gandang Mama ni Ainsley!" Hinalikan pa ni Harold ang likod ng palad ni Mama. Ayan, may idea na kayo kung saan ako nagmana ng kagandahan. 'Yon nga lang, tamad ako magsuklay.

"Makiki-meryenda po sana kami Tita." Si Marco naman ito.

"Alam ko na kung saan nagmana si Ainsley dear." Obviously, that's Vilhelm.

"Magandang hapon po, Tita." Napaka-galang talaga ni classmate Yoshiro.

"Tita, iinvade po muna namin ang bahay nyo, dito na kasi nagyaya si baby." Humalik naman si Ryder sa pisngi ni Mama.

"Oh-em-gee, hindi ba ikaw si Harold Collins at ikaw naman si Marco Heinz? Black Stones members?" Minsan talaga may pagka-conyo si Mama and yeah, KILALA NYA ANG BLACK STONES. In fact, mas fangirl pa siya ng bandang ito kaysa sa'kin.

"Oh-em-gee again! Alam nyo bang fan nyo ako? Pwedeng magpa-autograph?"

Akmang papasok na si Mama sa bahay para kumuha ng pampa-autograph nang magsalita ako.

"Ma, papasukin mo kaya muna kami?" Napakamot pa ako sa ulo. Si Mama kasi at na-starstruck sa mga kasama ko.

"Ay oo nga pala, sorry naman, anak. Tuloy na muna kayo." At niluwagan nya ang pagbukas ng pinto.

Pagkaupo naming lahat ay heto na ulit si Mama na may dalang papel at ballpen at nagpa-autograph na sa mag-pinsan. Idinamay na rin nya si Yoshiro although alam nya nga pala na classmate ko ito.

Akala nyo tapos na? Hindi pa 'no kasi nagpicture-picture pa sila minus me and Ryder. Si Vilhelm ay nadamay na rin nang wala sa oras.

Pagkatapos ng picture taking ay tinignan ni Mama ang laman ng mga dala naming plastic bags. "Puro junk foods naman ito, ipagluluto ko na lang kayo ng early dinner." Expert sa pagluluto si Mama kaya lalong naiinlove dyan si Papa.

"Talaga po Tita?" Nangniningning pa ang mga nila, basta pagkain talaga ang usapan ay mukhang hindi pahuhuli ang mga ito.

"Oo naman! Sisiw lang kaya sa'kin ang pagluluto. O siya, maiwan ko muna kayo at magluluto na ako. Ainsley, ikaw na muna ang bahala sa kanila." At pumunta na ng kusina si Mama. Hindi naman siya mahihirapang magluto dahil mayroon kaming mga kasambahay na makakatulong nya.

"Wow, kumpleto kayo halos sa musical instruments Ainsley! Naalala ko tuloy ang Entertainment Room kina Yoshiro." Nilapitan ni Harold ang piano at nagsimulang patutugtugin ito.

"Masarap mag-jamming dito!" Sa drumset naman lumapit si Marco.

Si Vilhelm naman ay acoustic guitar ni Papa ang kinuha at nagsimulang mag-strum. Marunong din pala siyang mag-guitar?

"Pwede ba nating ituloy ang music jam?" Baling naman ni Yoshiro kay Ryder.

"Pwede! At si Tita ang audience natin 'di ba baby?"

"Pagkatapos na nating kumain. Nagrereklamo na kasi ang mga 'alaga' ko."

Natawa naman si Harold. "Alam mo Ainsley, para kang si Khaki. Eating monster ang isang 'yon."

"Sayang at wala sila ni Jager ngayon."

"Hayaan nyo na, moment nila ngayon na nagkataong nakasabay ang jamming natin. Marami pa namang next time," sabi ko sa kanila.

Baka sakaling itanong nyo, nagkalat kasi ang musical instruments dito sa bahay. Kumbaga, nagsilbi silang dekorasyon o display pero pwede namang gamitin basta ba marunong ka. Si Papa kasi ay isang musikero noong kapanahunan nya kaya nabihag nya ang puso ni Mama. Siya rin ang nagpundar ng lahat ng mga instrumento, sa ngayon ay nasa abroad siya at nagtatrabaho. Si Mama naman ay nandito lang sa bahay para alagaan ang unica hija nyang anak na walang iba kundi ako.

Inayos na nila ang mga gagamitin sa jamming mamaya after dinner. Tinotono na nina Ryder at Harold ang mga gitara, gayon din si Yoshiro na tinotono na rin ang bass guitar. Naka-assemble na naman ang drumset kaya konting tuning lang ang ginawa nina Marco at Vilhelm. At ako? 'Eto pinaglalaruan ang mic at minamanduhan sila habang nag-aayos.

Nagkakatuwaan pa kaming 6 nang tawagin kami ni Mama dahil handa na ang hapunan. Ayos! Gutom na gutom na talaga ako e.

"Wow! Mapaparami ang kain ko nito!"

"Ang sasarap nitong mga niluto nyo Tita!"

"Buti na lang at malakas ang panunaw ko kaya okay lang na humapit ng kain!"

"Pray muna tayo guys bago kayo maglaway dyan." Ako na ang nag-lead ng prayer.

"Kainan na!" Kasasabi ko pa lang ng Amen ay kanya-kanya na agad silang kuha ng mga putahe. Dinaig pa nila ako sa pagiging eating monster.Si Mama naman ay tuwang-tuwa habang pinagmamasdan sila. Pakiramdam ko tuloy ay bigla akong nagkaroon ng instant OLDER BROTHERS.

"Ang PG nyo naman guys, dahan-dahan lang! Para kayong mauubusan, e."

"Sarap ng mga luto ni Tita!" Namumualaw pa ang bibig ni Vilhelm habang nagsasalita.

"Dito na kaya tayo kumain araw-araw 'insan?" Baling ni Harold kay Marco na puno rin ang bibig.

"May bayad na ang pagkain dito sa susunod."

Si Yoshiro naman ay tahimik lang na kumakain.

"Kain lang kayo nang kain, para sa inyo talaga 'yan!"

"Narinig mo Ainsley? Para sa'min daw ito."

Lihim akong napangiti at saka itinuloy ang pagkain.

Pierres Noires (Black Stones) 2 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon