AINSLEY
I don't believe in fairy tales, masyadong paasa ang happy endings. Ngunit sa gabing ito, kinabog ko pa sina Cinderella, Snow White, Sleeping Beauty at ang iba pang prinsesa. This is like a fairy tale making its way to reality. I might say that this is the best birthday ever.
Pagkatapos ng program ay gift-giving naman para sa mga batang pumunta sa birthday namin ni Vilhelm with matching photoshoot with us, the celebrants. Nakakahawa ang mga ngiting bakas sa mga mukha nila. Salamat sa mga kaklase ko na nag-donate ng mga regalo pati na rin kay Achi na nag-sponsor.
Nang maipamigay na ang lahat ng regalo, chibugan time na!
"Dear, come with me. My cousin wants to know you." Halos kaladkarin na ako ni Vilhelm papunta sa kinatatayuan nina Dyosang Eos.
Sinalubong agad ako ng yakap ng pinsan nila. "Hi! You're so pretty, Ainsley! No wonder my cousin is head over heels on you. Happy birthday!" Inabot nya sa'kin ang bitbit nyang paperbag.
"Thank you, Riri." Nginitian ko naman siya. "Kumain na ba kayo? Sabay-sabay na tayo."
"Good idea. Here's my gift, sweetie. Happy birthday." May iniabot rin sa'kin na paperbag si Dyosang Eos.
Agad kaming pumunta sa table na naka-reserved sa'min. Naka-escort naman si Vilhelm kaya nakakapit ako sa braso nya. Pagbigyan na dahil debut naman namin ngayon.
*****
"Waiting for somebody?" Untag sa'kin ni Vilhelm matapos naming kumain. Palinga-linga kasi ako sa may entrance, baka kasi dumating na si Theia. Sina Dyosang Eos naman at Riri ay iniwan muna kami pansamantala para kausapin ang ilang bisita
"Yeah. My new friend. In-invite ko kasi siya na pumunta sa birthday natin." Sumulyap ulit ako, pero wala talagang dumarating.
"Baka may emergency kaya hindi nakapunta. Nag-text na ba o tumawag sa'yo?"
"Hindi pa nga, e. Sana naman hindi siya naligaw dahil madali namang makita 'tong venue. Maitext nga." Inilabas ko ang cellphone mula sa pouch na dala ko. Napakunot-noo pa ako dahil may miscalls at text. Natampal ko tuloy ang noo ko. Nai-silent ko nga pala ang phone ko.
"Naka-silent pala phone ko. My miscalls at text nga ako galing sa kanya." I open the inbox at bumungad nga ang text message ni Theia.
"Pambihira ka naman, Dear. Short-term memory strikes?" Natatawang naiiling tuloy siya.
"Sorry na." I grinned at him.
From: Theia
Girl, sorry kung hindi ako makakapunta. Emergency kasi. Hope you understand. Happy birthday!
Agad naman akong nag-reply sa kanya.
To: Theia
It's okay. Kita na lang ulit tayo sa susunod. Late ang reply ko kasi naka-silent ang phone ko kaya hindi ko nasagot ang tawag mo.
Inalis ko na sa silent mode ang phone ko baka kasi kay importanteng tumawag o magtext. Nagdala naman ng dessert sa table namin ang waiter. Nagpasalamt kami pareho ni Vil. Natawa pa ako dahil nagbigay pa siya ng tip.
"Take this." Wala na ring nagawa ang waiter kundi tanggapin ang tip kahit kanda tanggi na siya.
"Generous mo naman." Biro ko sa kanya.
"Minsan lang, birthday naman natin. Say ah." Sinubuan nya pa ako ng dessert na kinakain nya. Indirect kiss mga gano'n?
"Oo na lang." Itinuloy ko na ang pagkain ng dessert ko.
After eating our awesome dessert, bigla namang nagyaya si Vilhelm. "Tara, pahangin muna tayo."
Tinaasan ko pa siya ng kilay pero pumayag na rin ako. "Hindi naman siguro tayo lalayo masyado, 'di ba?"
"Yup."
Nagpaalam naman kami kina Mama baka nga kasi hanapin kami. Naglakad-lakad langg kami hanggang sa mapatigil sa may bandang kanan ng court na magandang spot for stargazing.
"Ganda!" Pagtingala ko ay nangniningnngan na mga bituin ang nagpapaligsahan sa'kin.
"Yeah. You're beautiful." Napatingin tuloy ako sa nakatayo sa tabi ko. He smiled sheepishly.
"Puro ka naman kalokohan, e. Mga bituin naman ang tinutukoy ko."
"Oo nga. Katabi ko nga ang pinaka-maningning sa kanila." Sagot nya sabay tingala.
Mga ilang minuto kaming nanahimik para pagmasdan ang kagandahan na nasa itaas namin. Nag-aabang pa ako baka sakaling may maligaw na shooting star.
Mayamaya pa ay hinawakan ni Vilhelm ang kaliwang kamay ko at saka pinisil. Warm hand.
"Sana ganito na lang tayo forever." Hindi tumitinging tugon nya. Siguro nag-aabang din siya ng shooting star.
"Walang forever." Pang-aasar ko sa kanya kaya napatingin siya sa'kin.
"E, 'di papatunayan nating may forever." Sobrang seryoso ng itsura nya habang nagsasalita. Nakakapanibago tuloy.
"Asa ka naman. Wala talagang forever."
"Bitter mo, Dear." Hinila nya ako palapit sa kanya at saka hinawakan ako sa bewang. Hindi agad ako naka-react dahil nakakagulat naman kasi siya.
"Nasabi ko na bang ang ganda mo, Ainsley Vivienne Iniguez?" Langhap ko na ang hiniga nya. Ano ba naman!
"K-kanina, kaso English." Sinubukan kong tumawa pero nervous laugh ang nangyari.
"You're beautiful." Binitawan nya ang kamay ko to tilt my chin hanggang sa unti-unting lumalapit ang mukha nya. Is he going to kiss me? Napapikit na lang ako pero bago pa naman lumapat ang labi nya sa labi ko, inilagay nya ang thumb nya sa pagitan nito.
Napadilat tuloy ako at halos mawalan ng hininga. That was close.
He then kiss the tip of my nose. "I'm not going to steal your first kiss although I'm tempted to taste the sweetness of them." He smiled at lumuwang na ang pagkakayakap nya sa'kin.
"Let's go, my Princess?" He offered me his arm kaya kumapit na ulit ako sa kanya. Nanlambot bigla kasi ang mga tuhod ko. Mahirap na baka biglang magtaob na lang ako basta rito.
Pagbalik namin ay sinalubong kami ng nanunuksong tingin nina Ryder, Larkin, Stef at ng Sta. Ana twins.
"Akala ko na-kidnap na kayong dalawa o kaya kinidnap mo na pinsan ko." Stef giggled sabay hampas sa braso ko. Grabe lang.
"Nagpahangin lang kami saglit." Vilhelm grinned at hinawakan ang kamay ko.
"HHWW?" Panunukso naman ni Larkin.
"Sayang, may ipapakilala ako sa'yo best, kaso biglang nawala." Bakas ang panghihinayang sa mukha ni Ryder.
"Baka nandyan lang, hanapin mo pero sayang din kasi ipapakilala ko sana new friend ko kaso hindi siya makakapunta kasi emergency."
"Chicks ba?" Tanong agad ni Helios kaya nakotongan tuloy siya ng kakambal nya. "Brutal mo talaga twin sis, kaya ka hindi nagkaka-bf."
"Hindi na kailangan maghanap, nandyan naman si Danrelle." Awtomatikong namula agad si Helena dahil sa sinabi ni Vilhelm.
"Sabagay, may tama ka 'tol." Sang-ayon naman ng magaling kong bestfriend.
"May tama kay Ainsley? Oo. Lakas-tama nga, e." Naghagalpakan sila ng tawa dahil sa kalokohan ni Vil. Hay nako.
Nagtagal hanggang midnight ang debut. Pagod halos lahat pero sulit na sulit.
_________
Update! Medyo natagalan pasensya na.
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Novela JuvenilPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018