Chapter 27: Birthday Scheme and Moving On?

67 11 7
                                    

AINSLEY

Ayos na ayos ang jamming namin dito kina Yoshiro. Bukod sa ang cool ng Entertainment Room nila, sagana pa kami sa meryenda. Agaw-eksena lang talaga ang pagdating nina Harold at Dyosang Eos.

"Buti naman at naisipan nyong dumaan dito. Akala namin ay sosolohin nyo na ang mundo, 'insan." Matapos ang fist bump at kumustahan with Interglot ay ipinakilala ni Harold si Dyosang Eos sa mga 'to.

"It's raining gorgeous women here! Napakaswerte ko naman ngayong araw na 'to." Ibang klase talaga 'tong si Garret.

"Off limits na si Eos, Garret. Better luck next time, dude." Nginisian ni Harold si Garret na iiling-iling lang.

"Ikain mo na lang muna 'yan 'tol, tama na muna ang pambababae mo." Lokong Andreu at nakisali pa.

"Laro na lang tayo PS4, o!" Agad na itinuro ni Danyele ang PS4 na nasa kaliwang bahagi ng ER kasama ng flat screen TV.

"Sasali ako aba! Laro tayo Call of Duty." Agad na lumapit sa may game station si Urikka para tignan ang hilera ng mga cd ni Yoshiro. "Mayroon pala rito, o!" Iwinasiwas pa nya ang lalagyan ng cd ng C.O.D.

"Isunod natin ang FIFA 2016, kapag natalo nyo ako ay ililibre ko kayo." As always, mahilig talaga manlibre 'tong si Marco.

"Game!" Kanya-kanyang lapit na ang ilang myembro ng Interglot kasama sina Marco at Urikka. Sana pala dinala ko ang tab ko para nakapaglaro ako ng Swiped. Stucked na ako sa Level 8 sa Classic, dapat maging Master Tactician na ako.

*****

Habang kumakain ng nachos at umiinom ng iced tea ay inoobserbahan ko ang mga nandito sa Entertainment Room. May kanya-kanya silang mundo at umpukan pero nakakapag-usap pa rin sa isa't isa. Sina Larkin, Stef at Helena ay nakikipag-bonding kay Dyosang Eos. Ang Black Stones minus Marco ay kausap naman nina Vilhelm at Ryder. Base sa ekspresyon ng mga mukha nila ay seryoso ang topic nila. Panay tango pa nga si Vilhelm habang hawak ang cellphone nya at cellphone ni Khaki. Ang Interglot naman minus Garret ay naglalaro ng PS4 kasama sina Urikka at Helios. Si Danrelle ay nanunuod lang pero mapapansin ang panaka-nakang sulyap sa pwesto nina Larkin. Type yata si Helena, ang kaso close na silang dalawa ni Ryder. Hay buhay.

Napatingin na lang ako sa hawak kong lalagyan ng nachos kasi naubos ko na pala. Panay kasi ang subo ko habang nag-oobserve. Hihirit pa sana ako ng round 2 nang may tumabi sa'kin at nag-abot ng isang plato na may nachos.

"Heto o, share na lang tayo." Agad na iniabot sa'kin ni Garret ang platong may nag-uumapaw na nachos. Parang huling meryenda ko na yata 'to.

"Kaya ba nating ubusing lahat 'to? Mahihiya ang Mt. Everest sa ga-bundok na nachos na 'to a." Natawa na lang si Garret sa pagkukumpara ko sa nachos sa Mt. Everest. Ang dami naman kasi talaga tapos nag-uumapaw din ang cheese dip.

"Yakang-yaka Miss Beautiful! Nachos killer kaya ako." Sinimulan na ni Garret ang pag-atake at halos mamualaw ang bibig nya sa dami ng nachos na isinubo nya. Ang resulta? Nabulunan tuloy kaya naman agad kong iniabot ang iniinom kong iced tea.

"Dahan-dahan naman kasi, para kang mauubusan." Hinagod ko pa ang likod nya habang inuubos nya ang iced tea ko. Katakawan naman kasi.

"Pasensya na talaga, Ains. Hindi naman kasi ako sa nachos nabulunan." Nagpapacute pa ang itsura ni Garret with that boyish grin.

"At saan naman kaya, aber? Nachos lang naman 'tong hawak ko." Nachos at iced tea lang naman ang bukod-tanging pagkain na nilalantakan naming dalawa.

Ibinaba nya sa katabi naming lamesa ang empty glass of iced ted at gigil na kinurot ako sa magkabilang pisngi. "Ang cute mo kasi! Mali pala. Ang ganda mo kasi kahit mukha kang hahabulin ng suklay." He combed my messy hair using his fingers.

Pierres Noires (Black Stones) 2 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon