Chapter 11: Not Over You

59 8 4
                                    

AINSLEY

Simot ang lahat ng pagkain na inihanda ni Mama at wala halos natira maliban sa buto ng manok, eating monsters talaga sila.

Matapos ang 30 minutong pagpapatunaw ng kinain ay nandito na kami sa salas para sa jamming. This time ay si Marco na ang drummer, guitarists sina Vilhelm at Ryder, Yoshiro as bassist at si Harold ang pianist.

Sinimulang patugtugin ni Harold ang piano na sinundan naman ng iba, base sa rhythm ay "Not Over You" ang balak kantahin ni Harold kasama ako. Nasa harapan namin ang digicam ni Yoshiro na nakalagay sa tripod. Sina Mama naman at ang aming mga kasambahay ang mga manunuod.

[Harold:]

Dreams, that's where I have to go to see your beautiful
Face, anymore I stare at a picture of you
And listen to the radio
Hope, hope there's a
conversation
We both admit we had it good
But until then it's alienation, I know, that much is understood
And I realize

[Harold and Ainsley:]

If you ask me how I'm doin'
I would say I'm doin' just fine
I would lie and say that you're not on my mind
But I go out and I sit down at a table set for two
And finally I'm forced to face the truth
No matter what I say
I'm not over you
Not over you

[Ainsley:]

Damn, damn boy you do it well
And I thought you were innocent
You took this heart and put it through hell
But still you're magnificient
I, I'm a boomerang doesn't matter how you throw me
So turn around, I'm back in the game
Even better than the old me

[Harold and Ainsley:]

But I'm not even close without you
If you ask me how I'm doin'
I would say I'm doin' just fine
I would lie and say that you're not on my mind
But I go out and I sit down at a table set for two
And finally I'm forced to face the truth

[Ainsley:]

No matter what I say I'm

[Harold:]

No matter what I say I'm

[Harold and Ainsley:]

No matter what I say I'm
Not over you
Not over you
Not over you
Not over you
Oh,oh, yeah
Not over you

"Bravo, bravo!" Ang lakas ng palakpak ni Mama na may kasamang cheer. Kumanta pa kami ng 2 sets dahil by request.

Matapos ang jamming:

"Harold, may pinagdadaanan ka ba? Medyo hugot tayo sa first song, a."

Sasagot na sana si Harold nang biglang sumingit si Vilhelm. "Hindi pa rin kasi siya maka-get over kay ate ER."

"Ate ER? Sino 'yon?"

"Harold's first love. My older sister."

"Whoa! Kaya pala single ka pa rin hanggang ngayon Harold, hinihintay mo ba siya?" Tanong ko kay Harold habang sinusundot siya sa nay tagiliran.

Pasagot na nga dapat si Harold kaso eksena na naman 'tong si Vilhelm. "Hayaan mo 'tol, kukulitin ko ulit si ate na umuwi na dito!"

Idiniin ko ang hintuturo ko sa noo ni Vilhelm. "Si Harold ang kausap ko, 'wag kang singit nang singit!"

Nag-peace sign naman siya sa'min. "Sorry na!"

Irapan ko nga. "Napaka-chismoso mo rin pala kung minsan."

"Sorry na nga kasi Ainsley dear!" Nahagip na naman nya ang buhok kong naka-messy bun sabay gulo, pambihira! Kinuha ko ang drumstick na nasa tabi ko at akmang ipapalo sa kanya nang bigla siyang tumakbo. Ang resulta? Patintero kami dito sa salas at hindi ko siya maabutan dahil ang bilis nya tumakbo.

Hindi ko pa sana siya tatantanan sa kakahabol sa kanya kung hindi pa kami inawat ni Mama.

"Tama na 'yan, doon na muna kayo sa balcony at magpapahanda ako ng dessert."

"Aye, aye captain!" Sabay-sabay pa silang sumaludo kay Mama.

"Taralets!" At nauna na ako sa pag-akyat sa hagdan at nagsisunuran na rin sila.

*****

Habang nakahawak ako sa may barandilya ay mataman kong pinagmamasdan ang Big Dipper na nagniningning sa karimlan ng gabi. Mapait akong napangiti dahil naisip ko na parang isang constellation si Ryder na abot-tanaw ko lang pero napakalayo pa rin. Napakalayong higit pa sa matalik na kaibigan ang turing nya sa'kin dahil para lang nya akong nakababatang kapatid. Samantalang ako, heto at lihim siyang minamahal. Hay Ainsley, mabuti pa siguro ay tigilan mo na 'yang nararamdaman mo para sa bestfriend mo.

Para akong sira na kinakausap ang sarili, syempre sa isip ko lang 'yan dahil baka mapagkamalan akong baliw nitong mga kasama ko na kumakain ng dessert ngayon.

"Mahal ka no'n kaya 'wag mo masyadong paka-isipin." Sa halip na lingunin si Vilhelm na nasa right side ko na bigla na lang sumulpot ay napatingin na lang ako sa ibaba at napangiti.

"Sana nga kaso hindi Vilhelm."

"Kung ako sa kanya, hindi na kita pakakawalan."

"Ewan nga sa'yo!"

"Gotcha!" Sabay pa kaming napalingon kay Yoshiro na kinuhanan na pala kami ng picture. Stolen shot lang ang peg ng kuya nyo.

"Ang cute nyong tignan dito o." Ipinakita nya sa'min ang kuha nya.

"Gwapo ko naman dyan."

"At ang ganda ko rin, o!"

"E di bagay pala tayo?" Aba bumabanat pa si Vilhelm.

"In your dreams!"

"See you later in my dreams Ainsley dear." Ngumiti pa siya ng nakakaloko.

"Bangungutin ka sana!"

"Beautiful nightmare ang mangyayari kung gano'n."

"Dyan daw nagsimula sa biruan ang lolo't lola ko." Ayan pati si Yoshiro tinutukso na kami.

"Para-paraan lang 'tol a!" Sumunod na rin si Harold habang tumatawa naman si Marco.

Napailing na lang ako.

Pierres Noires (Black Stones) 2 √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon