AINSLEY
"Are you ready, Dear?" Nakangiting tanong ni Vilhelm. Nandito na kami sa backstage kasi kami ang unang magpeperform together with Ryder.
"Parang gusto ko mag-CR." Nakangiwi kong sagot. Inakbayan naman ako ni Ryder habang natatawa.
"Relax. Kayang-kaya nyo ni Vil ang duet na 'to. Naniniwala kami sa kakayahan mo."
Kahit papaano ay naibsan ang kaba ko. Ilang beses din kaming nag-rehearse para sa Rockoustic Night.
Nagulat pa nga ako nang mag-ring ang cellphone ni Ryder. Napakunot-noo pa ako kasi nagliwanag ang mukha nya na parang naka-jackpot sa Lotto.
"Excuse me, guys." Lumayo siya saglit sa'min ni Vilhelm bago sagutin ang tawag.
"Mukhang may chicks ang bestfriend mo, a." Panunukso ni Vilhelm.
"Mukha nga. Mukhang inlababo kasi siya." I grinned at him.
"Baka maunahan ka pa magka-lovelife ni Ryder." Napalingon siya dahil biglang sumulpot si Eos na nakatayo sa may bandang gitna malapit sa pwesto namin. "Wait, puntahan ko lang si Ate ER. May sasabihin daw kasi siya sa'kin."
"Sure."
Pag-alis ni Vilhelm ay tinignan ko ang cellphone ko. Baka kasi nag-text na si Theia. In-invite kasi namin siya ni Achi. Napangiti ako dahil may text message from her. Naka-silent kasi ang phone ko pero naka-vibrate kapag may tumawag.
From: Theia
I'm here at the venue. Goodluck, Ainsley. You can do it! See you later 💜
Fifteen minutes ago pa ang text message kaya mabilis akong nagreply.
To: Theia
You made it! Thanks for cheering me 'cause I badly needed that. See you in a bit!
Pagkareply ko ay itinabi ko na ulit sa bag ang cellphone ko. Sakto namang nakabalik na si Vilhelm.
"Ano'ng nangyari sa'yo?" Kunot-noo kasi siya at parang nag-iisip.
"Si Ate ER kasi. 'Wag daw akong magugulat sa makikita ko mamaya."
"Baka naman may surprise siya sa'yo after the program?"
"Maybe. Sana lang magandang sorpresa." Kibit-balikat nya.
Sakto namang nakabalik na rin si Ryder nang i-announce ng Emcee na kami na ang magpeperform. Wala na kaming problema dahil naka-set na sa stage ang mga gitara na gagamitin namin ni Vilhelm at ang beatbox na gagamitin ni Ryder.
Nag-cheer naman ang mga tao pag-akyat namin. I gave them my sweetest smile, pampawala ng kaba.
"Good evening! Buena mano kaming tatlo, ang swerte nyo dahil isang maganda at dalawang gwapo ang bumungad sa inyo." Nagtawanan tuloy ang mga tao sa banat ni Vilhelm. Nahawa na yata kay Harold ng kahanginan ang isang 'to.
Pero totoo naman ang mga sinabi nya, hindi na ako kokontra.
Back when we first kissed it felt like
Every star above our heads aligned
Every little piece fell into place and
Every single moment made us feel aliveNever used to be so complicated
No in between just black and whiteNagkakatinginan pa kami ni Vilhelm habang kumakanta kaya naman panay ang irit at sipol ng mga tao na akala mo may guest na love team ngayon.
When everything turns to grey
I still see you
When the cold won't go away
I can still feel you
Even when the sky is falling
And I'm hanging on by a thread
I'm standing on the edge of nothing
But I know it's not broken
I know it's not broken yet
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Teen FictionPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018