KHAKI
"Gusto ko na silang makilala bunso! " Excited na turan ko kay Yoshiro. Yes, nandito kami ngayong lahat na miyembro ng Black Stones sa bahay nila dahil nag-send ako ng text message kanina habang nasa school pa siya. Na-miss nga kasi namin ni JAE ang 3 itlog este silang tatlo nina Harold at Marco.
"I'll ask them kung kailan ang free time nila, Cassie." Yoshiro smiled at me then nod.
"Napanuod kasi namin ni JAE ang vid nyo sa Youtube. Ang astig ni Ainsley! Performance level kahit hairbrush ang mic!" With feelings talaga at enthusiastic ako habang nagsasalita.
"Sayang nga at wala kayo ni Jager, Khaki. Na-enjoy talaga namin ng husto ang mini gig sa ARV-U!" Ang lapad pa ng ngiti ni Harold habang nagkukwento.
"Kahit na mukha kang pinagsamantalahan that time 'insan?" Biglang singit ni Marco.
"Minus that scene 'insan. Sabagay, expected ko na dapat ang mga gano'ng pangyayari. Mahirap talagang maging gwapo lalo na kapag araw-araw!" Humanap na kayo ng makakapitan at baka tangayin kayo ng kahanginan ni Harold. Kapit nang mahigpit kapatid!
"Hanep sa confidence level Harold, abot hanggang Saturn!"
"Khaki, masama nga kasing magsinungaling. Nagsusumigaw pa naman ang kagwapuhan ko." Grabe talaga 'tong si Harold. Saan kaya nagmana ng kahanginan 'to? Pero gwapo naman kasi talaga siya kaso hindi ko siya type, e.
"Walang binatbat ang aircon dito sa Entertainment Room."
"Agree ako sa sinabi mo, Marco. Buti na lang at hindi mo namana ang kahanginan nitong pinsan mo?" Nakangisi pa ako habang kay Harold nakatingin na nagkibit-balikat lang.
"Cassie, sabi nga pala ni Helena na kapag may rehearsal tayo ay manunuod daw siya at isasama nya si Helios." Ipinakita ni Yoshiro ang cellphone nya na may text message ni Helena. Si Helios nga pala ang fraternal twin nya, parang Hulio at Hulia, kambal ng tadhana. Twice ko pa lang ito nakikita at sa pagkakaalam ko ay classmate din ito ni bunso.
"Sure, why not? Pwede ring jamming dahil marunong naman tumugtog si Helios 'di ba?"
"Hai." Yes in Nihonggo.
Prenteng-prente ang pagkakaupo ko sa may dulo ng kama (mukha rin kasing bedroom ang Entertainment Room nina bunso) nang tabihan ako ni JAE at akbayan. Hindi pa siya nakuntento kasi humiga pa siya at dahil nga naka-akbay siya sa'kin, napahiga na rin ako.
"Ang aga namang porn nyan 'tol. Hintayin mo kaya muna kaming makaalis para solo nyo na ang mundo este ang E.R." Abnormal na Harold 'to, polluted ang utak e. Hinubad ko ang suot kong Chucks sabay bato sa kanya kahit nakahiga pa ako.
Sinambot lang nya ang sapatos ko. "Chill Khaki! Biro lang naman tsaka alam naman naming marunong maghintay 'yang si Jager basta ba 'wag mong tutuksuhin." Lumipad na naman papunta sa kanya ang isa kong sapatos pero nakailag si mokong.
"Masyadong hot? Batuhan pala ang gusto mo ha, 'eto saluhin mo!" Akmang ibabato na ni Harold pabalik sa akin ang sapatos ko kaya napayakap ako kay JAE, pananggalang daw e pero tsansing talaga 'yan. Joke lang!
Nagpipigil naman sa pagtawa sina Marco at Yoshiro nang magsalita si JAE. "I'm sleepy." Bigla na lang siyang tumayo at walang sabi-sabing binuhat ako ng bridal style sabay hagis sa'kin sa may uluhan ng kama.
"Hey!" Babangon na sana ako kaso itinulak nya ako pahiga ulit at tinabihan sa kama with matching dantay pa ng hita. Help!
"May moment dito kaya kailangan na muna nating lumabas. Tara!" Inakbayan ni Marco sina Harold at Yoshiro na sumulyap muna sa'min bago lumabas.
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Teen FictionPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018