AINSLEY
"That's unfair! Bakit umabot ka na agad sa Level 9 as Master Tactician tapos ako naman ay stucked na sa Level 8 as Skilled Gamer? To think na kagabi mo lang 'yan nilaro? Sinasabotahe yata ako ng Swiped, e."
Nginisian lang ako ni Achilles Severano or Achi, my godbrother habang hindi makapaniwalang tinitignan ang score nya sa game sa tab ko. Yes, siya ang walang pakundangan este walang pasabing uuwi pala ng Pilipinas galing Amerika. Ang alam ko kasi ay may dance competition siya
"Pinagtyagaan ko na nga lang 'tong laro dahil tatatlo-tatlo ang games sa tab mo. Baka gusto mong mag-download pa?" Inirapan ko na lang siya. Tatlo lang talaga ang laro sa tab ko: Elevate, Word Search at Swiped. Kapag frustrated ako dahil kay Ryder, just kidding, ay naglalaro ako ng Word Search. Mas lalo tuloy akong napu-frustrate. Weird, right?
"Okay na 'yan. Mas trip ko kasing magbasa kaysa maglaro. Pero bakit kasi nasa Level 9 ka na agad?!" I playfully grab his curly hair. Sarap nya kasing sabunutan.
"Ai-Ai, not my precious hair!" Pilit nyang tinatanggal ang mga kamay ko sa buhok nya. Ayaw na ayaw nya kasing ginugulo ang buhok nya.
"Ainsley na kasi! Hindi na tayo bata para tawagin mo pa akong Ai-Ai." Siya kasi ang nagbigay ng petname na 'yan.
"I like Ai-Ai, cute nga, e. Try and try until you die este until you succeed. Hindi naman masyadong magkalayo ang score na 347,370 at 393,910. Legendary Wizard ka na naman sa Score Panic kaya okay lang 'yan."
"Fine." Tumigil na ako sa pagsalakay sa buhok nya at napa-halukipkip na lang. Naaamoy ko na rin ang masarap na almusal na niluluto ni Manang.
"Ibigay mo na lang kay Stef ang pasalubong ko sa kanya o kaya papuntahin mo na lang dito sa bahay. Half day lang naman kayo ngayon, 'di ba?" Nasabi ko nga pala sa kanya kagabi na exam lang namin ngayon kaya hindi whole day ang klase ko.
Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Pasalubong ko nga pala? Nagkakalimutan na yata tayo rito. Birthday ko na few days from now, aba!"
Seryoso naman siyang humarap sa'kin. "Iniwan ko ang pasalubong ko sa'yo. Excess baggage kasi kapag isinama ko pa. Makuntento ka na lang sa chocolates at sangkaterbang jelly beans." Ibinalik nya muli ang paningin sa laptop nya. Feel mag-Youtube ng kuya nyo.
"What?! Si Ninang ba may pa-birthday sa'kin kahit cash? Dagdag din 'yon parasa ipapamigay naming treats sa debut ko." Nai-chat ko kasi sa kanya last time ang binabalak naming feeding program. He said that it's a good idea and he's willing to help. Hindi ko naman akalain na personal nya pala kaming tutulungan. Akala ko kasi ay magpapadala na lang sila ng financial help.
"Hysterical mo naman my dear godsister. Joke lang, nasa maleta ko ang dress, heels, bag and set of jewelries na regalo sa'yo nina Mom at Dad. Books naman ang sa'kin since you're a booklover. May bonus pang cash." Napapangiti pa siya habang nagsasalita pero sa laptop screen nakatuon ang paningin.
Sinilip ko kung ano ba ang inginingiti ng isang 'to. "Teka, si Khaki 'yan a?"
"Kilala mo pala siya? How 'bout this girl?" Itinuro pa nya ang isang babaeng kasama ni Khaki sa dance vid.
"Of course! Idol ko kaya si Khaki tsaka sikat na kaya ang banda nyang Black Stones. Ang maganda sa kanila ay humble pa rin ang band members. Si Alexandrea Dela Merced 'yang kasama nya 'di ba? Facebook friends kaya kami."
"Yup. Alexavier's younger sister. Ganda nya 'no? Galing pa magsayaw. In fact, nasaulo ko na nga 'yang steps nila sa Apologize."
"Don't tell me, si Alex ang sinasabi mo dati na super-duper crush mo pero mahirap maabot kasi sikat?" Bigla siyang natigilan at namula. Gotcha Achi!
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Teen FictionPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018