AINSLEY'S:
"Hi my dear cousin! Hi Ryder! Hi...who are you?" Si Stefanie lang naman ang nagbukas ng pinto habang nakasuot ng apron at nakaturo kay Vilhelm ang spatula na hawak nya.
"Hi. I'm Vilhelm."
"Boyfriend ka ba ni Ainsley? Ilang months na kayo? Alam ba 'to ni Tita?" Okay sunod-sunod ang tanong ng baliw kong pinsan.
"Nakaharang ka sa may pintuan Estefania. Baka pwedeng pumasok sa pamamahay namin?!" Ayan nagmamaldita na naman ako. Dito na kasi kami sa bahay dumiretso nina Ryder at Vilhelm after the school incident. Salimpusa naman si Vil, namiss daw nya si Mama kaya sumama siya hanggang dito sa bahay
"Sorry naman hehehe please come in!" At niluwagan nya ang pagbukas ng pinto.
"Stef, you look like a mess. Ni-raid mo na naman ba ang kusina nina Tita?" Nandito na kami sa salas. Si Ryder naman ay sinimulang tanggalin ang mga nakadikit na kung ano-ano sa buhok ni Stef. HRM student ba talaga ang pinsan ko?
Bahagya kong inilayo si Stef kay Ryder dahil halos magkalapit na ang mga mukha nila. Kung titignan sa malayo ay para silang naghahalikan.
"Wag ka ngang magselos, Ains. Hindi ko type ang bestfriend mo. Kay Helios lang ang lahat-lahat sa'kin. Puso, isip, kaluluwa, katawan - Ouch!"
Batukan ko nga. Ang daming sinasabi e baka mabuking pa ako tungkol sa hidden desire ko sa bestfriend ko.
"Easy, Ainsley! Ang hard mo talaga sa'kin!" Paiyak na ang itsura ni Stef pero 'wag kayong maniniwala dahil acting lang 'yan.
"Ayan okay na. Wala na'ng harina at batter sa buhok mo." Bahagya pang tinapik ni Ryder ang pisngi ni Stef. Eksena naman o! Kakaselos, e.
"Teka 'asan ang boyfriend mo?" Palinga-linga si Stef at nawala nga sa eksena namin si Vilhelm.
"Sira ka talaga, hindi ko boyfriend si Vilhelm!"
"Soon-to-be pa lang?"
Binatukan ko nga ulit. Playing cupid ang bruha. Si bestfriend naman ay nakakaloko ang tingin sa'kin. Boto talaga sila kay Vil e 'no? Si Ryder naman kasi ang gusto ko! Napakamanhid nga lang tsk.
"Wow, ang galing mo naman mag-design ng cake Vilhelm!" Teka boses ni Mama 'yon ha?
Sabay-sabay kaming napalingon sa may bandang kusina at sabay-sabay ding napatingin sa isa't isa. Ayun, sabay-sabay na rin kaming napatakbo papuntang kitchen.
Ang eksena: Sina Mama at Vilhelm na parehong naka-apron, kulay pink na may red hearts print, naka-hairnet at cap. In short, mukha silang chef kaso ang awkward ng kulay at design ng apron for Vil.
Jaw-dropped kaming tatlo habang namamanghang nakatingin sa dalawang nilalang na gumagawa ng cake. Si Mama ay parang fangirl na tuwang-tuwa with matching hawak pa sa tattooed arm ni Vilhelm habang naglalagay ito ng icing at cherry sa Black Forest cake. Si Vilhelm naman ay no sweat sa kanyang ginagawa na mukhang dinaig pa ang pinsan ko when it comes to baking and stuff.
"Totoo ba 'tong nakikita ko?" Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko baka kasi naghahallucinate lang ako.
"Wala sa itsura ni Vilhelm na marunong siya sa gawaing kusina. Totoo ngang don't judge the book by its cover." Bulong sa'kin ni Ryder.
"Wow, ang galing naman ng future boyfriend ni Ains!" Aba at nakapag-teleport na ang bruhang si Stef sa kinaroroonan nina Mama at Vil. Feeling close na rin ang ate nyo dahil pati siya ay nakakapit na rin sa braso nito.
Napasimangot tuloy ako sa statement nya. "Sasapakin na talaga kita, Stef!"
"Tita o, si Ains talaga lagi akong inaaway!" Napapailing na lang si Mama sa pagsusumbong ng bruha. Si Vil naman ay napakamot na lang sa batok, giving us a shy smile. Hala? Bakit ang cute nya bigla?
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Подростковая литератураPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018