Aura's Note:
Na-LSS talaga ako sa acoustic version ng My Oceans Were Lakes ng As It Is (check the vid) kaya ayan ang pinatugtog ko kina Vilhelm. Play the vid while reading this update.
Photo: Xaundre, Ainsley and Vilhelm
VILHELM
Two days left at We Will Rock U na. Puspusan na rin ang rehearsal namin. Nakaagapay si Helena at nagbibigay siya ng tips and suggestions regarding sa song line up namin. Malaking tulong talaga siya hindi lang bilang manager kundi mentor na rin.
Huling araw na ng band practice dahil whole day rest namin bukas, as Helena's suggestion. Sa bahay nina Ainsley ngayon at magluluto raw ng masarap na tanghalian si Tita.
"Ang ganda naman sa bahay nyo, Ainsley. Kumpleto sa instruments!" Ani Xena na panay ang selfie sa sineset-up naming mga instrumento. Kasama rin nya ang kakambal nyang si Xenos na kausap si Ryder.
"Music lover kasi si Papa kaya naipundar nya ang mga 'yan." Sagot ni Ainsley.
Simula no'ng tumugtog kami sa Unicorn Café ay hindi na tinigilan ng kambal na 'to si Ainsley lalo na si Xena. Idol na idol nya raw kasi bassist slash vocalist si Dear. Naiinis lang ako sa pinsan nilang si Xaundre na vocalist ng Dark Nube. Liligawan nya raw kasi si Ainsley after We Will Rock U.
Hindi ako makakapayag. Dear is mine and mine alone. Duda rin ako sa kambal na 'to. Napaka-clingy kay Ainsley kahit pinsan pa nila si Xixi. Napangiwi ako nang maalala ang ginawa nyang paghalik sa pisngi ko. Ang alam ko, nakaalitan nya si Ainsley dati. Pwes, nagkamali siya ng binangga.
"O, sambakol ang mukha mo, bro. Gutom ka na ba?" Tinapik ako ni Helios sa balikat.
"Hindi ka ba nagdududa sa dalawang 'yan? Laging nakabuntot kung saan tayo nagrerehearsal. Dinaig pa stalker." Mahina kong bulong sa kanya.
Napailing si Helios. "Mukhang harmless naman sina Xena at Xenos. Kay Xaundre ka dapat kabahan dahil liligawan nya si Ainsley after ng battle."
"Tatalunin muna natin ang Dark Nube bago nya pa magawa 'yon." Kumpiyansa kong sagot sa kanya.
"That's the spirit! Tara na at sumalang daw muna tayo sabi ni Manager twin sis. Naaamoy ko na ang mga niluluto ni Tita. Nakakagutom!"
Pumunta na kami sa may gilid ng living room malapit sa balkonahe kung saan kami nag-set up. Kaming dalawa na lang ang hinihintay dahil tinetest na nina Ainsley, Stefanie at Ryder ang kani-kanilang instrumento.
"Go, go, go, Black Vinyl!" Cheer pa ni Xena habang nakatutok sa'min ang cellphone nya. "Band picture muna!" Napilitan akong ngumiti.
"Ang ingay mo Xena. Makinig at manuod na lang tayo sa rehearsal nila." Saway ni Xenos sa kakambal nya. Sumunod naman si Xena pero nakatutok pa rin ang cellphone sa'min.
"Kuhanan ko kayo ng vid habang tumutugtog para may mapapanuod ako mamaya kapag sinundo kami ni Kuya Xaundre."
Tinabihan sila ni Helena habang nagsisimula na kaming mag-practice. Last set na 'to para naman makapahinga kami. Ang higpit kasi ni Helena. Pinapaulit nya kapag may hindi siya nagugustuhang tono. Sinabihan ko na ang mga ka-banda ko na ibigay na ang best nila para matuwa ang kakambal ni Helios.
At hindi nga kami nabigo. Flawless naming natugtog at nakanta ang napili naming setlist para sa We Will Rock U, pero hindi pa rin kami dapat maging kampante. Baka biglang may pasabog ang judges at pakantahin kami ng ibang kanta na hindi kasama sa criteria.
"Very good, Black Vinyl! Maganda ang performance nyo at iniwasan nyo talagang magkamali, ha? Kasi ipapaulit ko talaga 'yan sa inyo." Todo palakpak si Helena habang papalapit sa'min. "Pwede na tayo mag-lunch!"
BINABASA MO ANG
Pierres Noires (Black Stones) 2 √
Roman pour AdolescentsPierres Noires (Black Stones) Book 2 with new additional casts kaya tuloy ang rakenrol! 03282015 09252018