Maagang ginising si Tyrone ng kaniyang Lola dahil kailangan maaga siyang aalis. Ngayon ang araw para sa meeting nila para sa magaganap na training nila at doon na makikita kung sino talaga ang aabante sa laban. Individual na ang mangyayaring pagpipilian. He's so glad that the company is very private. Hindi sila related sa ano mang tv shows dahil partnership ito sa isang Korean entertainment at sa youtube ay available ang kanilang video. Isa talaga ito sa dahilan kung bakit siya nag-audition dahil sa maganda talaga ang kompanya na ito.
Sa meeting sinabi ang maaaring mangyari at ang mga schedule. 50 na lang kami at sampu-sampu ang magkakasama sa bawat training. Kasama niya si Hero sa schedule at ang iba naman ay bago na sa amin at hindi pa namin kilala. Halos may kasabay din sila pero sa ibang room ang mga ito.
May mga trainers na gagabay sa kanila which is one of those persons na pipili at magjujudge sa mga maaring possible na makakasama sa grupong binubuo. Hindi magiging madali ang lahat kaya kailangan niya talaga mag-adjust.
Kailangan niya pumunta sa building na yun every day in the week, M-W-F schedule niya. 8 hours each day kaya naman talagang problema niya ang sasakyan niya pabalik-balik. Mahal ang pamasahe kaya hindi niya alam kung magpapatuloy pa ba siya. Hindi niya kasi alam na ganito pala sistema ng training. Ayaw niya rin naman na pahirapan ang Lola niya at sakto lang din ang perang ipinadadala sa kaniya ng nanay niya.
"Lola, tutuloy pa ba ako?" tanong niya habang naghihiwa siya ng mga saging dahil gagawa raw ang kaniyang Lola ng turon. "Wala tayo pera para rito eh."
Bumuntonghininga ang Lola niya saka naupo sa upuang kaharap niya. Ngumiti ito bago niya hinawakan ang kamay niya. Ngiti lang din ang tanging naisukli niya sa kaniyang Lola.
"Kaya natin. Magtitinda si Lola ng mga gulay at kakanin araw-araw para may pamasahe ka at baon. Kaya natin. Pangarap mo yan. Hindi natin yan susukuan."
Umiling siya at naiiyak. Kinuha na rin ng Lola niya ang kutsilyo sa kamay niya at nanatili lang siyang nakayuko. Ayaw na ayaw niyang nahihirapan ang Lola niya sa kaniya. Sa edad niya ay alam niyang nahihirapan ang Lola niya. Patuntong pa lang siya sa sekondarya kaya hindi niya alam kung paanong adjustment ang gagawin niya.
"Ayoko na lang, Lola. Mas mahalaga sa akin na wala kang inaalala."
Nagulat siya ng tampalin nito ang braso niya kaya napaangat siya ng tingin sa Lola niya at gulat na gulat. Kita sa mukha ng Lola niya ang inis. Napailing na lang siya dahil alam niyang magagalit talaga ito at maiinis sa kaniya.
"Magagalit ako kapag ginawa mo ang bagay na hindi mo naman gusto. Apo, nandito parati si Lola para sa'yo. Huwag kang mag-alala kaya natin."
Napabuntonghinga na lang siya habang kagat-kagat niya ang labi niya na tila isang musmos na bata.
Ano ba dapat kong gawin? Magpatuloy kahit na mahihirapan kami ng lola ko o ang huminto at mag-antay na magpasukan?
"Lola!" Naningkit ang mata ni Tyrone ng marinig niya ang pagtawag sa kaniyang lola galing sa labas. "Dawson is here again! Nasaan kayo?!"
"Dawson apo, nasa kusina kami!" sigaw pabalik ng kaniyang Lola. Dali-daling iniabot sa kaniya ulit ng Lola niya ang kutsilyo saka na lang siya nagpatuloy sa paghihiwa ng saging sa dalawa. "Ang g'wapo-gwapo mo talaga."
Hindi man lang lumingon si Tyrone at nagpatuloy na lang din ulit sa paghiwa ng saging. Nagulat na lang ito ng bahagya ng ginulo ni Dawson ang buhok niya bago naupo sa katabi niyang upuan.
"Ano? Musta?"
"K lang," sagot niya.
Ramdam niya na nakatitig pa rin si Dawson sa kaniya pero hindi siya nag-abala pang lingunin ito. Nagpipigil ng ngisi si Dawson habang nakapangalumbabang nanonood kung paanong hinihiwa ni Tyrone ang mga saging.
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...