Naibalita ang nangyari kina Ryker at Lucas dahil na rin sa ibang mga nakakita. Naglabas lang din ang management ng kaunting statement tungkol sa nangyari at nakipag-areglo na rin ang mga ito sa may-ari ng sasakyan.
Parati silang magkakasamang sa tuwing bumibisita kay Ryker sa hospital dahil hindi nila magawang bisitahin si Lucas. Nag-aantay lamang sila ng signal galing kay Lucas pero wala talaga silang matanggap. Maging sina Zeyr ay nakikipag-usap na sa pamilya nito at sinabing hindi nila ibabalik si Lucas hanggat hindi ito fully recovered.
"Miss ko na si kuya Lucas," sabi niya habang nasa tabi ni Ryker sa hospital bed. Nakahiga siya sa tabi nito at nakayakap naman sa kaniya si Ryker. "Mag-ayos naman na kayo, hyung. Hindi ako sanay at ayoko masanay. Sulitin naman natin ang oras na buo pa tayo as Seyfert's Sextet."
"Aayusin ko. Tatanggapin ko na," sabi ni Ryker. "Ayoko na rin na maraming naaapektuhan. Nahihirapan din naman kasi ako. Huwag kayong mag-alala. Ako na ang mag-aadjust. Sorry." Mas hinigpitan ni Ryker ang pagyakap sa kaniya kaya ngumuso lang siya bago tuluyang bumukas ang pinto at pumasok si Dawson.
Inilapag nito ang piniling pagkain sa labas. Inayos kaagad nito ang pagkain upang makakain na sila. Tulog si Flinn sa couch kaya ginising na ito ni Hoshi para makakain na sila. Tumayo siya at binigyan ng pagkain si Ryker at sabay-sabay na silang kumain. Sinusubuan siya ni Dawson paminsan-minsan at tahimik lang din ito. Dahil sa napansin niya ito ay panay ang pagsubo niya ng pagkain niya rito na hindi naman tinatanggihan nito.
"Umuwi na kayo. Gusto ko muna mapag-isa. Masyado naman na kayong tambay rito. Medyo okay naman na ang paa ko kaya makalabas na ako," sabi ni Ryker habang busy pa rin sila sa pag-kain. "Please lang... okay lang talaga ako."
"I'll stay here."
"Wala nga. Please... let me be alone. Magiging ayos lang ako. Huwag kayong mag-alala."
Matapos kumain ay umalis na nga sila at iniwan si Ryker. Dahil sa may dala naman silang sasakyan ay kani-kaniya sila sa pag-uwi. Kaagad siyang naligo at nag-ayos ng mga gamit na nagkalat sa higaan niya bago nakatanggap ng tawag galing kay Dawson.
[Hey! Open your camera.]
Nagpupunas siya ng buhok gamit ang maliit na towel bago niya inilapag ang phone niya sa mesa at isinandal sa isang vase bago niya tuluyang inopen ang camera. Nakahiga si Dawson at halatang-halata na antok na ito.
"Why? I'm busy, oh... can't you see?"
[Whatever. I just wanna see you. I miss you.]
Tumayo siya at kinuha ang iilang cleanser at cream. Kaagad siyang nag-apply sa mukha niya. Nauuso na rin kasi hindi lang para sa mga babae kundi maging sa kanila. Mahigpit din na pinaaalala sa kaniya na gumamit ng mga pang-skincare para mapanatili ang kinis ng mukha nila.
"I'm busy nga oh. Busy. Busy. Ulit-ulit?" Ngumisi lang si Dawson bago tuluyang tinakpan ang mata ng kaniyang braso. Antok na antok ito pero mas minabuti pa rin na hindi iend ang call. "Can you just sleep. Halatang-halata antok na antok ka na. Tsaka may ginagawa naman ako ngayon. Matulog ka na lang. Ilagay mo na lang diyan sa tabi yang phone mo. I'll just end it kapag nakatulog ka na. Okay ba?"
Kaagad na inalis ni Dawson ang braso sa may mata niya saka tumayo sa kaniya. Inilapag ni Dawson ang cellphone sa side niya dahilan para kitang-kita niya pa rin ito.
[I'll sleep now.] He just nodded. [I wanna sleep with you.]
"Just sleep."
Kaagad niyang ini-off ang kaniyang kic para kung mag-ingay man siya ay hindi magising si Dawson. Halos 30 minutes na ang nakalipas bago niya tuluyang inend ang call. Dahil sa nagugutom ay nag-order lang siya ng pagkain.
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...