Habang lumilipas ang mga araw ay doon na nila narerealize ang hirap ng pinasok nila. Sa nagdaang taon ay gusto na sumuko nina Tyrone, Hoshi, at Flinn. Iniiyakan na nila ang bawat training nila dahil sa hirap at pagod. One time ayaw na ayaw na talaga ni Hoshi, umiyak si Ryker at sinabi na huwag siyang iwan, na sana walang umalis.
Si Flinn gusto na niyang tumigil dahil sa pagod at hirap na parati nakikita ni Tyrone. Si Hoshi gusto na umuwi dahil feeling niya mas kailangan niya magpakaanak lalo na siya ang panganay. Si Tyrone naman dahil sa murang edad ay talaga naiisip na lang niyang bumalik ulit sa piling ng Lola niya.
Ang unang photoshoot ay hindi pa tuluyang nilalabas because it will serve their pre-debut pic. They also trying to record some scene while they are in training. They are the official member pero yung pinagdadaanan nila ay parang mga pinagdadaanan ng mga trainee pero ang pagkakaiba sila ay may panghahawakan na basta walang aatras. Hindi rin iyon ganoon kadali dahil kapag hindi sila nakasabay ay maaari silang maalis at mapalitan since hindi pa naman sila pinapakilala sa publiko katulad ng ibang trainee ng ibang kompanya. May mga oras din na sila ang nag-aadjust ng place dahil sa bawat paghahasa sa kani-kanilang talents.
Pinagsasabay-sabay nilang lahat ang pag-aaral, pag-eensayo, pagiging anak, kaibigan, at pagiging teenager. Sa tulong ng mga kuya niya ay nakakaraos si Tyrone kahit na mahirap. Nakapag-adjust naman na siya nang tumuntong na siya grade 8 kaya nga lang ay nagkahiwa-hiwalay na sila. Sa nagdaang dalawang taon hindi sila nakaligtas sa training at practice para sa debut nila. Ang naunang taon ay nagbase sa training at ang sumunod naman ay preparation na para sa debut nila.
Nang magsimula ang panibagong school year ay inihatid nila una si Ryker na nasa ibang school dahil sa strand nito na art and design, sunod na inihatid nila si Hoshi na nasa TVL ICT na strand na nakahiwalay din ang school pero malapit kung nasaan si Ryker. Si Flinn kasi ang kasama lang nina Dawson at Tyrone kung saan Stem ang strand niya. Si Dawson ay uulit ng Grade 10 at si Tyrone naman ay nasa kaniyang grade 9 na. Si Zeyr ang nagdadrive ng sasakyan at nasa tabi nito si Lucas. Nasa likod naman na si Dawson, Tyrone, at Flinn
Gustihin man niyang sumuko pero ayaw niya. Gusto niyang huminto pero pangarap niya ito. Gusto niyang umiyak pero hindi niya mailabas. Lahat gusto niyang gawin pero ang pagiging isang member ng grupo ay mas gusto niyang paghusayan.
Sinabi niya sa Lola niya na hindi na niya kaya. Pagod na pagod na siya at talagang nahihirapan. Pero lagi niyang isinasaisip ang sinabi ng Lola niya.
"Kung hindi mo na talaga kaya at ayaw mo na umuwi ka na. Nandito parati si Lola para salubungin ka ng yakap, sumuko ka man o magpatuloy. Madapa ka man o hindi. Ako parati sayong ngingiti at sasabihin na ayos lang ang lahat mas mahalaga kung ano ang gusto mo."
Ang mga okayson tulad ng Holy week, Christmas, birthday, at New year ay nakakauwi naman sila sa kani-kanilang pamilya. Kahit sina Lucas ay nahihirapan pero ayaw niya iwan ang limang mga naging dahilan para maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Nagkaroon siya ng mga kapatid at alam niyang hindi gugustuhin ng mga ito na may mawala sa anim sa kanila.
"Hyung?" Tyrone whispered while his voice was very weak. "Hyung?"
"It's okay. I'm here."
Hindi pumasok si Lucas sa isang subject niya nang nalamam niyang inaapoy ng lagnat si Tyrone. Si Dawson dapat ang maiiwan pero pinagalitan ito ni Ryker dahil may exam ito at mahalaga yun. Kaya si Lucas ang kaagad nagpaalam sa prof niya para makauwi. Mabuti na lang at hindi naman daw nagalit ang prof niya.
"What do you want to eat?" Lucas asked while he placed a wet towel on Tyrone's forehead. Napangiwi pa si Tyrone dahil sa lamig na dumampi sa kaniyang noo. "Anything you want?"
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...