Mapalingon silang lahat ng bahagyang tumili si Dawn habang nasa tabi ni Hoshi at may pinapanood sa phone nito. Umiwas na lang ng tingin si Tyrone dahil nakita niya nakasalubong pa sila ng tingin ni Dawson na nasa tabi lang nito. Nagpatuloy na lang siya sa paglalagay ng lipbalm dahil inaayusan sila ng makeup artist nila.
"Parang tanga ka naman, Dawn." Narinig niya si Hoshi sinabi iyon kay Dawn pero hindi na siya nag-angat pa ng tingin. "Ay may nag-eexist pala na ganyan. Hanapin ko nga rin yan mamaya," dagdag pa nito.
"Guys, when you're already in love just keep going." Nagulat silang lahat sa sinabi nito. "As a fan of yours, we don't have any control on your life. I know it's na hindi madali pero when there's someone na gusto niya o mahal niyo let them know. Live a normal life too. That's just advice from me." Tumabi si Dawson kay Dawn at bahagyang ginulo nito ang buhok ng kapatid at piningot ang ilong nito.
"Kuya! Stop it!"
Tinawanan na lang nilang lahat ang magkapatid dahil sa ininis pa lalo ni Dawson si Dawn na halos gusto ng umalis dahil sa pang-iinis ng kapatid.
Magkakaroon sila ng short live ngayon dahil isa na iyon sa nauuso. Marami na rin kasi ang nagtatanong ng fandom name ng Seyfert's Sextet. Pinag-isipan na rin naman nila na hindi na sana pero sadyang makulit ang mga fans nila na medyo nag-iingay na rin kaya sinabi ni Zeyr na mas okay na gumawa nga sila ng fandom name.
Matapos nilang maayusan ay naupo si Tyrone sa lapag kung saan malapit sa pagkain. Nakaset-up na rin ang camera sa unahan kaya naman ay lumapit na rin sa kaniya sina Lucas, at Flinn. Sumunod na rin sina Hoshi, Ryker, at Dawson. Magkatabi sila ni Hoshi na nakaupo sa lapag.
Nang magsimula na ang live ay panay naman ang kain ni Tyrone. May hawak din siyang phone dahil nagbabasa sila sa comment section kaya paminsan-minsan ay sinusubuan na lang siya ni Hoshi ng pagkain.
"Hello," sabi ni Tyrone sabay kaway sa camera. "As far as I know I'm the baby here."
Panay ang pagbabasa nila.sa comment section. Hindi man ito sobrang dami pero sapat na naman na may nanonood at may nakikipag-interact sa kanila. Beside after the end of the day you'll just be thankful that you gave your time to the people who truly there for you.
"Hindi pa po ako tapos sa pag-aaral. Turning 2nd year na po ako this school year," sagot ni Tyrone sa isang tanong.
"Yes, free ako now," sagot naman ni Hoshi. "Free para sa pahinga. Yes."
"Si Flinn po ba ay anak noong model at aktor?" tanong ni Tyrone na galing sa comment section. "Hyung?" tanong ni Tyrone sabay tingin kay Flinn.
Nakita niya kung paano matigilan si Flinn kaya naman napalunok si Tyrone at umayos ng upo. Doon niya lang narealize na baka hindi gusto ni Flinn na pag-usapan iyon.
"Yes they are," ang tanging sagot ni Flinn.
Hindi na masyadong kumibo pa si Tyrone. Kumain na lang siya at ibinigay kay Hoshi ang cellphone. Hindi na siya nagbasa pa ng mga comments dahil baka kung anu pa ang mabasa niya.
Halos ilang minuto rin sila nagsagot ng mga tanong. Sinasagot lang ni Tyrone ang mga tanong na itinatanong sa kaniya na binabasa ng mga kuya niya.
"So sa mga naghihintay sa fandom name reveal, Lucas is the one who will reveal it."
"This is simple yet you'll always remember. When you look up at the sky and love the peaceful night, always remember that you're one of our stars. We all keep on shining together because Seyfert's galaxy consists of millions of stars and that's all of you. So our fandom name is STARS."
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...