"Hyung, dali na." Hindi mapag-alaman ni Flinn kung saan ito pupunta dahil hawak-hawak niya ang kamay nito. Mukha na itong galit pero hindi nga lang halata. "Gusto ko talaga ng ice cream, hyung. Cravings like that."
"Isa pa, Tyrone. Sabing bawal kasi. Nagrerehearse tayo oh. Ano ba?"
Ngumuso siya at naupo sa couch. Sumama siya kay Flinn sa recording studio dahil akala niya ay makakatakas siya ngunit hindi dahil hindi siya pinayagan nito na lumabas.
"Paano kung ubuhin ka? Sipunin? Maapektuhan ang pagkanta mo, Tyrone. Huwag ng makulit please..."
Iniwanan niya si Flinn sa loob. Pagkalabas niya ay kumaripas siya ng takbo para makalabas. Paglingon niya ay tumatakbo rin si Flinn at dinuro siya dahil sa hinahabol siya nito.
"Tyrone!" sigaw nito.
Ang mga staff ay napapatabi na lang at tumatawa. May mga nakasalubong pa silang artist ng Bright na dali-dali ang takbo papunta sa tabi dahil sa bilis ng habulan nila ni Flinn.
Bago pa man sumara ang elevator ay nakapasok pa si Flinn kaya yakap-yakap siya nito sa likod dahil sa ayaw siya nitong bitiwan. Nang nasa lobby na sila ay nakayakap pa rin si Flinn sa likuran niya. Nang biglang pumasok si Dawson sa entrance at napatingin sa kanila ay kaagad na bumitaw si Flinn na ikinagulat niya.
"Bantayan mo yan. Nangigigil na ako. Pinagod pa ako. Gusto ba naman kumain ng ice cream eh nasa kasagsagan tayo ng rehearsal natin para sa comeback." Tumingin si Dawson sa kaniya bago naglakad papalapit. "Mauna na ako. Napagod lang ako."
Nang tinalikuran sila ni Flinn ay masama siyang tinignan ni Dawson.
"Kulit yern?" Sinamaan niya ito ng tingin. Hinawakan siya nito sa papulsohan bago hinila papunta sa elevator. "Pagbawal, bawal. After niyan ako pa magdadala sayo ng gusto mo. Okay ba?" Umiling siya lalo na ng nasa loob na sila ng elevator at sila lang. "Tyrone, please..."
Ngumuso siya at hinayaan na hilahin siya ni Dawson pabalik sa dance studio. Pagpasok nila ay nakaupo ai Lucas sa lapag habang si Ryker ay nakahiga at naka-unan si Hoshi sa braso nito. Dali-dali niyang inagaw ang kamay niya kay Dawson at nahiga sa tiyan ni Ryker.
"Pasaway," sabi nito. "Pasaway ka na naman. Ilang taon ka na ba hah?"
"Grabe ka, turning 26 pa lang naman ako. Bata pa ako," sagot niya. "I'm gonna live my life pa so yeah I'm still young. I don't wanna grow up so fast but this sucks! Why do I feel like I'm that old this time?"
Nakahawak ang kamay niya sa laylayan ng kanyang damit habang pinaglalaruan ito. Nakatingin lamang siya sa kisame at napapaisip.
"Coz you are," Hoshi answered. "We may not realise it because we're here in this industry but we're not that young, bebe Tyrone. Even though we're not that young, still I don't know how I will handle things when I am not here after. I don't know my future outside this industry? Or lalabas nga ba ako?"
"I don't think so. You probably can be a celebrity, Hoshi. Or... actually there's a lot of people who want you to be on the big screen and hosting some events or whatever. Depende na lang kung gusto mo pa."
Masaya ang mga tao sa ipinamamalas na talento ni Hoshi sa hosting. Kung hindi lang siya Idol ay baka ay isa na siya sa mga sikat na host na mayroon ang Pilipinas.
"You'll pass as a model, Tyrone. Ano sa tingin mo?"
"Kapag may project syempre kakasa ako. Sayang naman palampasin ang mga opportunity na dumarating. Hindi ko rin alam talaga kung lilisan ako sa camera, bahala na."
Matapos nilang magpahinga ay nagkaroon ulit sila ng serious practice. Lahat ng kulit ng bawat isa ay tila ikinubli na muna nila dahil sa napagkasunduan na serious practice.
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...