Nafeatured sila sa isang international magazine. Isa sila sa nakasali sa isang nominee as a pop group international. Hindi man pinalad pero nakakuha pa rin sila ng award. Dumarami na rin ang mga nakakakilala sa kanila. Bago bumalik ng bansa ay may iilang interview at zoom interview ang nilahukan nila.
Dawson and his relationship becomes stronger. Even without label they considering each other as a partner. Sinabi na rin nila sa mga kasama nila at hindi naman na ito nagulat dahil halatang-halata naman daw. Sinisigurado nila na may oras pa rin sila sa isa't-isa. Masyadong seloso si Dawson kaya kahit kaunting galaw ay talagang pinipilit niya itong intindihin.
Sa tuwing may interview, or kahit anong event na napapansin sila ng mga ito ay maging mas naging mahirap dahil mukhang silang may itinatago. Sobrang saya niya dahil tanggap sila ng mga ito at wala talaga silang narinig na kahit ano galing sa nga ito.
Sa graduation ni Dawson ay umattend silang lahat. Nagkaroon ng party sa bahay nila Dawson at lahat sila invited. Hindi na katulad ng dati na may naririnig sila dito na kung anu-ano dahil sa kita naman ng mga ito na may napapatunayan na sila.
Dalawang concert na ang nagawa nila and it's so good. Paminsan-minsan ay mga hindi inaasahan na pangyayari pero kahit papaano ay nasusulosyonan naman nila. Ilang aksidente, ilang pagkakamali, bawat galing ay may mata, bawat issue ay hindi na lang nila pinapansin dahil wala naman na silang magagawa. May time na umiiyak na siya sa tuwing nakikitang nanghihina na ang mga kasama niya.
Habang tumatagal nang tumatagal doon pa lang talaga niya naiintindihan ang lahat. Lucas want to get far away from his family, si Dawson naman ay para hindi siya kumuha ng kursong ayaw niya, si Ryker naman may gustong mapatunayan, si Hoshi nais maiahon sa hirap ang pamilya niya, at si Flinn ay para tuluyan makawala sa bahay na hindi naman naging tahanan kundi bahay lang para sa kaniya. Hindi sila nabuo dahil lang sa mga talento nila kundi pinagbuo-buo sila dahil na rin sa iba't-ibang rason nila kung bakit gusto nila magstay.
Natutunan niya rin ang mga bagay-bagay. Huwag na lang magsalita dahil mas lalo pang lalaki ang issue. Anong sense ng pagpapaliwanag kung sarado naman ang isipan ng mga tao? As long na wala ka naman ginagawang masama kahit ano pang humabol sa iyo ay walang mahihita. It's better to be silent and doing nothing when stupidity is your enemy.
He also found his new fashion style. Lagi siyang nakalong sleeves, or polo shirts. Ang dating nakababa niya parating bangs ay paminsan-minsan ay nakaayos na at nakaangat so his forehead is highlight. Mas mataas pa rin na si Dawson sa kaniya pero dalawang centimeters lang.
"Batak na batak na katawan mo patuloy ka pa rin sa pagwoworkout diyan," sabi niya kay Dawson na nagbubuhat ng barbell. "Pasikat ka lang eh," dagdag niya pa habang ginagawa ang pagkukulay niya sa buhok niya. "Ikaw na kasi nito oh. Nahihirapan na ako panay pamacho ka diyan," sabi niya habang hirap na hirap.
Nang mailapag na nito ang barbell ay nilapitan siya nito. Nauuso na rin naman kasi ang pagkukulay ng buhok kaya naman sumasabay na rin sila sa uso. He wants to turn his hair into a ash gray color. Pangatlong kulay niya na ito dahil last concert nila ay nakablond siya at noon naman naging nominee sila ay nagkulay siya ng violet.
"I don't like the smell of this, babe. Sobrang tapang, baka masira naman na ang buhok mo. Promise me last na ito, please..."
"Depende sa weather. Ilagay mo na lang kasi. Ang dami mo namang reklamo."
Nang matapos sila sa lahat-lahat ay nagbanlaw na siya. May amoy pa rin ito pero hindi na sobra kaya todo ang paglayo sa kaniya ni Dawson pati na rin ang iba.
"Hyung! Ang papangit naman ng ugali niyo. Hindi niyo na ako mahal," sabi niya habang nakanguso. "Dawson."
"Sorry ka na lang," sabi ni Hoshi habang busy ito sa phone niya. "Allergy ngayon yan sayo."
![](https://img.wattpad.com/cover/292761634-288-k390126.jpg)
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...