"What do you want to do?" He asked Dawson while he's writing their bucket list dates in a notebook. "What am I going to put here?"
"Ano nilalagay mo?" tanong ni Dawson habang naka-upo ito at nakasandal ang likod sa headboard ng kama habang siya ay nakadapa sa mga hita nito. "Ano ba yan?"
"Nagawa na natin yung car date, star gazing date, movie date, and also sunset date. Ano pa ba? Nilagyan ko na rin ng concert date, picnic date, ano pa? I want to list it."
Natawa si Dawson kaya bahagya niya itong kinurot dahilan para tumigil ito. Nakatitig lang sa kaniya si Dawson at bahagyang ginulo ang buhok niya dahil sa kung anu-ano ang gusto nitong gawin.
"Go on. Isulat mo lahat ng gusto mo. Lahat ng gusto ko, master. Kahit mahirap, gagawan natin ng paraan."
Tumawa siya saka masayang tumango at nagpatuloy sa paglilista ng mga pwede nilang gawin. Kadalasan naman silang lumalabas tuwing gabi dahil mas nakakahinga sila at wala masyadong iniisip dahil wala na rin naman masyadong taon kapag madaling araw kaya lagi silang umaaalis ng palihim para lang ienjoy ang mga bagay-bagay.
"Tyrone bebe! Baba ka rito!" sigaw ni Lucas mula sa ibaba. "Mahal!!!" Tumayo si Tyrone mula sa pagkakadapa sa kama saka bumaba rito.
"Ikaw na bahala diyan." Turo niya sa notebook niya. "Hyung?!"
"Mahal? Tsk!"
Kumuha si Tyrone ng unan at ibinato ito kay Dawson. "Huwag mo akong simulan, Dawson." Iniwan na niya si Dawson at patakbong bumaba at nakita ni si Lucas na may hawak na camera.
"Ang tagal mo," sabi nito sa kaniya. Naupo siya sa tabi nito. "Huwag kayong nagmimilagro sa bahay na ito parang awa niyo na."
"Walang ganoon, hyung. Bakit ba? Anong bang gagawin? Bakit mo ako tinawag?"
Lumapit si Lucas sa kaniya at bubulong na sana ngunit sabay silang napalingon sa may hagdan dahil natanaw nila pareho si Dawson kaya pareho silang napaayos ng upo. Kinurot siya ni Lucas sa may tagiliran. Nagulat silang pareho ng bigla na lang umupo si Ryker sa lap niya.
"Anong pinagbubulong-bulungan niya. Share naman," sabi nito. Nagkatinginan silang dalawa ni Lucas at naupo si Dawson sa lap naman ni Lucas. "Dawson, pababy yern?"
Mas isiniksik ni Dawson ang sarili kay Lucas dahilan para mapaiwas siya ng tingin. Ang tanging ginawa na lang niya ay niyakap niya si Ryker at isindal ang noo niya sa likod nito.
"Hoy! Ano yan! Gusto ko rin!" sigaw ni Hoshi at patakbong lumapit sa kanila at naupo sa lap naman ni Ryker. "Ryker-bro', hawakan mo naman ako baka mahulog ako."
Pagdating ni Dawn ay kumain sila ng ice cream na dala nito. Nang dumating na ang mga staff para sa paglalagay ng camera sa iba't-ibang parte ng bahay para sa isang episode nila. It's a 2 days shoot for Seyfert's Sextet.
Dahil nahilig na sina Ryker at Dawson sa pagwoworkout at pinaayos nila ang room for staff para lagyan ng mga workout equipments. Dati pa lang kasi ay dumadayo na sila sa mga gym tuwing umaga kaya napagdesisyonan na lagyan na lang din ang bahay.
May treadmill, incline bench press, dumbbells, power back, cable crossover machine, peck deck machine, leg adduction machine, pull up bar, hack squat machine, barbel, at marami pang iba na pinagkakalubangan nila at parati rin silang inoorasan ni Zeyr sa araw-araw dahil sa walang hilig ang tatlo habang si Hoshi ay okay lang din sa kaniya.
Nang tuluyan na maisetup lahat ay hinayaan na lang sila ng mga staff at isipin daw na parang wala lang sila kaya naman nagpatuloy na lang sila sa pang-araw-araw na ginagawa.
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...