Chapter 29
tw. Suicide, death
"Grabe hindi ko ineexpect na magagawa niya iyon. Ang bata pa naman niya. I'm a fan of him and sobra naman kasi talaga ang ibinabato sa kaniya ng mga bashers. Hindi ko maintindihan ang ibang mga fans I mean hindi ko nga sila matawag na fans dahil sa ginawa nila. Parang sila lang din naman ang pumatay kay Sayto."
"Hindi naman way sa problema ang pagpapakamatay bakit niya ginawa?"
"Wala tayong alam kaya mas mabuting huwag na lang tayo umimik. Hindi natin alam ang pinagdaanan niya para masabi natin na parang ang dali lang mabuhay at tapusin ang sariling buhay. Wala tayo karapatan na husgahan siya dahil hindi natin alam kung gaano siya naapektuhan sa mga nangyari."
Isang balita ang kumambala sa mundo nila ng malaman ang nangyari. Nasa school siya at nalaman niya dahil sa mga bulong-bulungan ng mga kaklase niya. Akala niya kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito ngunit laking gulat niya ng marinig ang pangalan ni Sayto. Natumba siya dahil sa panghihina mabuti na lang at tinulungan siya ng mga kaklase niya.
"Tyrone, ayos ka lang? Upo ka muna," sabi ni Lessie na isa sa mga classmate niya. "May tubig ba kayo diyan?" tanong pa nito bago nila pinainom si Tyrone.
"Guys, respeto naman. Kaibigan iyon ni Tyrone kaya huwag na kayo magbulong-bulungan diyan na parang kung anu na naman ang balitang kakalat," sabi ng class president nila.
Iyak nang iyak si Tyrone at tinawagan niya si Zeyr. Ilang minuto lang din ay dumating ito sa school at pina-excuse na muna si Tyrone. Ni hindi makapag-focus sa pagdadrive si Zeyr dahil sa iyak niya. Hindi niya mapigilan dahil sa nangyari. Nang tumigil sila ay lumabas si Zeyr para bumili ng tubig.
Binuksan ni Tyrone ang phone niya saka naghanap ng information.
Pop Idol Sayto na former member ng *** group ay natagpuang walang buhay sa kaniyang k'warto sa bahay nila.
Tumingin siya sa comment section at doon niya nakita kung paano magluksa ang mga tao gamit ang mga salita nito. Ang mga mabubulaklak na salita.
Bakit kung kailan wala na siya saka kayo magsasalita ng pagpuri sa kaniya. You don't deserve to cry when you are the reason why he cried and suffer a lot.
Maraming condolences, maraming mabulaklak na salita pero ni isa.. walang sorry.
Nakita niya kung paano mawala ang Sayto na kilala niya. Ang dating masayahin ang puno ng sigla ay napalitan dahil sa mga salitang natatanggap nito sa madla. Paunti-unti ay ang pangarap nito ay napalitan ng isang bangungot. Bawat galaw niya ay may nasasabi, bawat pagbabago sa kaniya ay pinag-uusapan, bawat reaksyon o kahit maliit na pagkakamali ay talagang hindi pinalalampas ng mga fans na hindi nga dapat na matawag na fans. Habang inaangat nila ang pangalan ng grupo at binababa nila ang pagkatao ni Sayto para itaas ang ibang members.
Nang mabasa niya iyon ay nabitawan na niya ang phone niya. Hindi niya na kayang ipagpatuloy pa ang pagbabasa. Nang makabalik si Zeyr ay pinilit siya nitong uminom ng tubig. Dumiretso sila sa company building at nadatnan doon ang CEO.
"What's the plan?" Their CEO asked. "Huwag muna ngayon, Tyrone. Baka bukas pwede na. Hindi pa maimamadali ang lahat dahil iniimbestigahan pa kung wala talagang foul play.
Hindi umimk si Tyrone. Nanatili lang siyang nakayuko hanggang sa umalis si Zeyr dahil sa may tawag ito na kailangan sagutin. Naupo sa tabi ni Tyrone ang kanilang CEO. Nilingon niya ito sadlit pero inalis niya rin kaagad.
"You can tell me what you feel. And besides I'm not just your CEO, I'm not just your boss, I can be a friend to like how you treated Zeyr."
"Talaga, Mr. CEO?"
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...