Kung busy si Tyrone ay mas busy sina Dawson, Ryker, at Hoshi. Lahat graduating ang mga ito kaya naman after school diretso sila sa building para sa kanilang pagpapractice ng kanilang vocals. Kailangan din nila mag-practice ng instrument dahil iyon ang ilalabas nila.
Ryker and Hoshi will into drums. Piano naman para kay Lucas, gitara kina Flinn, Tyrone, at Dawson. Lahat sila ay nagpapractice para sa mas magandang outcome ng comeback nila na mangyayari after ng graduation nila. Kailangan na rin ilipat si Tyrone ng school next year dahil sa kakulangan sa oras.
Ang practice nila a day ay umaabot na naman ulit sa 8 hours. Gabi na sila nakakauwi at hinahatid na lang sila ng staff, minsan naman ay natutulog na sila mismo sa dance studio or music recording at umaga na nakakauwi if may mga klase sila.
Isa lang din ang account na hawak nila sa mga Social media account at yun ang official account ng Seyfert's Sextet. Hindi sila pinayagan na magkaroon ng tig-iisang account para sa sarili nila at mukha alam na nila kahit hindi magsabi si Ryker kaya hindi na lang nila ito kwenestyon pa.
Ang kanilang last comeback ay kahit papano ay pumatok na sa mga tao. May iilan na rin na memes sila na nakikita lalo na sa twitter. Isang sign na iyon para mas lalo nilang pag-igihan. Kailangan nila magpursigi lalong-lalo na dahil sa taon na nasa kanilang kontrata at kailangan nila paghusayan if gusto nilang mabigyan pa ulit ng panibagong kontrata.
Even if it's hard they want to achieve more. Gusto nila ipakita sa mundo na sa kabila ng lahat ng pangbabash, at sa lahat ng mga salitang kanilang binibitawan ay hindi sila magpapadala. Na balang araw, ang na pinagtatawanan nila ay hahangaan ng madla.
"Tyrone, are you okay with that?" tanong ni Ryker sa damit niya. "Are you sure?"
"Oo naman. Mainit din sa labas, hyung."
Naka-jogging pants siya na black at naka-t-shirt na white. Naka-sapatos din dahil hassle raw para sa kaniya na lumabas ng naka-tsinelas. Maaga rin na dumating si Dawn dahil sasama ito sa kanila.
Nang lumabas ng building ay dumiretso si Tyrone sa sasakyan nina Dawn. Nasa loob na rin si Dawson habang nakaupo. Nakashorts ito na black at black shirts at white sneakers. Nasa front seat si Dawn dahil sina Dawson ay may hawak ng camera.
"Ey! Dito raw ako sabi ni Lucas," sabi ni Hoshi bago pumasok. Napapagitnaan na nila si Dawson. "Gusto ko sana doon kaso pinalayas ako. Para raw pair. By 3."
"Kawawa ka naman. Ipinagtatabuyan," sabi ni Dawn habang naglalagay ito ng kaniyang eyeliner. "Hindi ka welcome dito."
"Pakialam ko sayo. Kausapin mo si Lucas kung gusto mo."
Hinayaan na lang ni Tyrone na magbangayan ang dalawa dahil wala rin naman ginagawang move si Dawson. Magba-vlog sila at nagtanong na sila sa isang social media account nila ng mga question na maari nilang sagutin at lahat ng iyon ay napili na ni Zeyr bago pa man sila lumabas at nakalagay na sa isang papel.
"Saan ba tayo una?" tanong ni Dawn.
"I don't know. Kuya, sundan mo na lang sasakyan nina kuya Lucas," sabi ni Tyrone sa driver ni Dawn. "Kailan ba kayo mag-aaral magdrive?"
"Ongoing ang pag-aaral ko. At the age of 18 aayusin ko na licence ko. Si kuya ang alam ko ongoing na klase niya."
Nagulat si Tyrone dahil wala siyang alam doon. Tinignan niya si Dawson at pinitik siya sa noo nito dahil sa pagkukunwari niyang natutulala dahil sa nalaman.
"Kapag marunong ka na ako naman turuan mo, hyung. Gusto ko rin matuto," sabi niya kay Dawson. "Kapag hindi mo ako tinuruan well kay kuya Lucas na lang."
"Saka na pag-18 ka na. Magkasama kami ni Hoshi eh kaya marami ka na magiging tutor."
"Si kuya Ryker?" tanong niya dahil kahit magkakasama sila ay may mga bagay pa rin talaga na hindi nila alam sa isa't-isa. "Marunong na ba iyon?"
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...