Journey #48

59 2 0
                                    

They are always spending time with each other. Kahit magkakaiba-iba na sila ng place ay parati talaga silang nagkikita-kita. Hindi lumilipas ang isang araw na hindi sila nagkikita-kita, mapa-kumpleto man o hindi. Bawat isa sa kanila ay may kani-kaniyang buhay na kahit na buo pa rin ang Seyfert's Sextet. Sinusulit lang din nila ang oras na magkakasama pa silang lahat.

He's busy with his art pieces. Gawa rito, gawa doon. Parati rin sila nag-tatravel sa iba't-ibang lugar sa malapit para kumuha ng mga inspirasyon sa pagbuo ng isang art. Nag-iipon silang dalawa ni Dawson ng mga artwork piece dahil balang araw ay gusto nila magbukas ng art gallery at workshop para sa mga bata na mahilig sa art.

Nagpaplano na sila sa kung anu ang mangyayari makalipas ang posibilidad na disbandment nila. Sa mga nakalipas na mga oras, araw, buwan, at taon mas nadagdagan na ang mga award na nakukuha nila. Ang dating wala ay tila napupuno na. Lahat iyon ay dahil sa pagsisikap nilang lahat.

Dawson and him are dating secretly but the feeling is mutual. They know that even without labels they are into each other.

"Kaya pa?" Dawson asked. "Ano?"

"Kaya ko," sagot ni Tyrone.

Nauna maglakad paakyat si Dawson habang nakasunod naman siya. Nang matanaw na nila ang isang mahaba na hanging bridge ay mas lalong nakahinga na siya.

"Come here. I'll hold your hand," Dawson said. "Why ayaw mo?" tanong nito ng hindi niya ito tinanggap.

Nilampasan niya ito at saka siya ngumiti at tumakbo kahit may kaunting takot siya na nararamdaman. Nang nasa kalagitnaan na siya ay nilingon niya si Dawson na hindi pa gumagalaw sa gawi nito.

"Dawson-hyung! I'll wait for you on the other side!" Kaagad siyang paingat na tumakbo papunta sa kabila. Nang nakalampas na siya sa tulay at nasa kabilang dulo ay humarap siya kay Dawson sabay kaway at thumbs up sign sa ere. "Hyung!!!"

Dahan-dahan ang paglapit ni Dawson sa kinaroroonan niya. Ang ngiting kay sigla ay napilitan ng tipid na ngiti at matang namumungay. Habang papalapit nang papalapit si Dawson sa kaniya ay mas nakikita niya ang ekspresyon nito. Nakangiti ito at namumungay ang mga mata kaya maging siya ay nagulat at bigla na lang naging seryoso.

Nang makalapit na ito ay ngumiti ito sa kaniya saka pinisil ang pisngi niya.

"It's just that I feel like I am walking on the aisle while you're waiting for me at the altar." Nang makarinig sila ng ingay ay pareho silang napalingon doon. "They're here."

Nakita nila sina Flinn, Hoshi, at Dawn. Magkasabay na naglalakad sina Flinn at Dawn sa tulay habang si Hoshi naman ay nasa likod at nakaalakay. They are just enjoying there date because of their rest day. Paminsan-minsan ay inaasar niya si Dawson dahil natutuwa siyang nakikitang nagpipigil ito na huwag siyang patulan.

Matapos makarating nina Dawn sa kinaroroonan nila ay bumaba naman sila. Dumaan pa sila sa isang kweba at may mga taong nagpipicture kaya hindi na sila masyado pang nagtagal saka lumabas at dumiretso sa resto ng lugar para kumain. Dawson ordered a pizza, soda, and fries for all of them. May baon ding dutch mill si Dawson para sa kaniya dahil paborito niya iyon.

He's wearing a pink loose shirt and a black shorts. Nasa ulo niya ang sunglasses niya na nagsisilbing headband para hindi humarang ang buhok niya sa kaniyang mata. Si Dawson naman ay nakashorts din ng maroon, at white shirts. Halos magkapareho ang outfit nila kaya si Dawson ay sinuot ang jacket ni Dawn dahil baka mag-isip na naman ang mga tao at kung anu-ano na naman ang maging issue ng Seyfert's Sextet.

Isang sasakyan lang ang dala nila kaya naman napapa-gitnaan nina Flinn, at Hoshi si Dawn sa backseat habang si Dawson ag nagdadrive at nasa passenger seat nama siya. Nakatulog na rin si Dawn sa balikat ni Hoshi dahil sa pagod. Ihahatid nila ito pagkatapos ay plano nilang puntahan ang bahay na pinapagawa nila na buo na ang kabahayan pero hindi pa rin ito tapos.

SO THIS IS LOVE (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon