Pagdating nila sa dance studio ay naroroon ang iilang mga staff. May mga nakasabit din na white long sleeves, mga black pants, white shoes, at black jackets. May mga number ito at may mga pangalan din sa likod. 1 for Ryker, 2 for Lucas, 3 for Tyrone, 4 for Hoshi, 5 for Dawson, and 6 for Flinn.
Kaagad sila pinasuot ng mga damit nila at nauna si Lucas kaya siya rin ang nauna ayusan ng make-up artist. They put some foundation, eye liner, and lipstick on them. Inayos din ang mga kilay nila at naging ang kanilang mga buhok.
Si Tyrone ay sobrang kulit at talagang pinagtitripan niya ang mga kuya niya. This is really his side, he's very childish when he is around people he is comfortable with.
"Tyrone, please sit down." Lumingon si Tyrone kay Lucas na nakaupo at inaayos ang isang camera. "You know how to use it right?" Tyrone nodded. "Then do some vlogs, this is for our episode."
Kaagad naman na sumunod si Tyrone kay Lucas. He also made sure na lahat sila ay nakukuhanan niya. Nang matapos ayusan si Hoshi ay nilapitan siya ni Tyrone at sila ng dalawa ang may hawak ng spotlights sa camera.
"Tyrone-ah, ikaw na." Kaagad na ibinigay ni Tyrone kay Hoshi ang camera matapos siyang tawagin ni Ryker. Naupo na siya sa isang upuan at sinimulan na siyang ayusan ng make-up artist. "Flinn, kayo na bahala sa camera."
Magkatabi na inaayusan si Tyrone at Dawson. Medyo kinikiliti ni Tyrone si Dawson sa tuwing iniiwan siya ng makeup artist para kumuha ng gamit.
"Dawson hyung!" Saway ni Tyrone. "Tama na!"
"Dawson, huwag kayong magulo diyan!" Pareho silang tumigil nang sawayin sila ni Lucas. "Ryker, tawag ka na!"
Natawa si Tyrone at Dawson dahil sa naging reaksyon ni Ryker. Parang kanina lang sila ang sinigawan ni Lucas ngayon siya na.
"Yes, master."
Nauna kuhanan ng litrato si Ryker. Tawang-tawa si Tyrone dahil sa itim ng mata nila dahil sa eyeliner. Halos sabay lang sila matapos ayusan ni Dawson kaya nakaakbay sa kaniya si Dawson at sila na ang kinukuhanan ni Lucas para sa vlog na iyon.
Halos ilang oras sila nag-shoot dahil may solo at grupo. Nagpalit din sila ng damit para sa student attire and formal attire kaya talagang sobrang natagalan. Busy ang lahat dahil kaunti lang ang staff at mas nakukuha nga ang atensyon ng kabilang kompanya dahil sa mga trainee nito kaya naman isang sakripisyo ito dahil siya hindi siya duman sa pagiging trainee dahil nag-audition silang talaga para maging member ng grupo.
"Proceed to the music room after you eat!" sigaw ng manager nila habang tumutulong ito sa mga staff. "Kaya na namin ito dito."
Lahat kasi sila ay tumulong sa pagliligpit. Hindi naman kasi ganoon karami ang staff kaya talagang hindi kaya.
Lahat sila ay may food packs. Naupo ang anim sa lapag at sama-sama na kumain. Sinusubuan ni Lucas si Tyrone dahil busy ito sa pag-alis sa make-up niya dahil nalate siya dahil tumutulong muna siya sa mga staff.
"Ayst! Akin na nga!" Kinuha ni Dawson kay Tyrone ang wipes. "Mas lalo mo pa kinalat!"
Habang busy sa pag-alis ng makeup kay Tyrone ay sinusubuan na rin ni Lucas si Dawson. Si Ryker at Hoshinaman minadali ang kanilang pagkain at tumulong ulit habang si Flinn ay tahimik na kumakain.
"Ako na," maiksing sambit ni Flinn kay Lucas. "You eat now."
Kinuha ni Flinn ang food packs nina Dawson at Tyrone at siya na ang nagpatuloy sa ginagawa ni Lucas. Nang matapos sila kumain at tuluyan ng maalis ang make-up ni Tyrone ay sabay-sabay na sila pumunta sa music room.
Kaagad na kinilala ang pagkakaiba-iba ng kanilang boses. Si Dawson, Tyrone, Lucas ay singer. Sina Ryker, at Flinn ay rapper habang si Hoshi naman ay talagang kaya ng pagsabayin ang dalawa kaya kahit saan siya mapunta ay kaya niya pero mas bagay ang boses niya sa pagkanta.
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...