Journey #6

119 3 0
                                    

Maaga nagising si Tyrone saka nag-impake. Nagluto rin siya ng agahan dahil nagprito lang siya ng hotdog at itlog na panlagay sa sandwich. Matapos magluto ay pinuntahan niya si Dawson sa k'warto na kasalukuyan pang natutulog. Dahil hindi naman siya marunong magluto hindi na siya nag-abala pa.

Pinag-yuyugyog ni Tyrone si Dawson dahil maaga dapat itong umalis dahil sa final performance nila this week. Tamad na tamad na gumalaw si Dawson at talagang mas hyper pa si Tyrone sa kaniya.

"Text mo na lang ako kapag tapos ka na. Susunod ako. Gagala tayo after gusto mo?" tanong ni Tyrone habang papunta sila sa sakayan ng jeep. "Ba't ang tahimik mo. Umayos ka nga."

"Gusto ko magkasama tayo. Diba nag-promise ako—"

"Huwag mo ako galitin. Isusumbong talaga kita kay Lola!"

Nang maihatid na ni Tyrone si Dawson sa sakayan ay bumalik na siya sa unit na Dawson. Nakipag-usap lang siya sa Lola niya sa cellphone at halos tatlong oras din iyon. Matapos niyang maligo ay naglinis siya sa buong silid dahil mas okay na yun dahil wala naman siyang gagawin. Matapos ay kaagad na siyang naligo bago nagbyahe para puntahan si Dawson.

Nasa labas lang ng building si Tyrone habang nag-aantay. Dahil nagload siya ay itinext niya si Dawson na nasa labas siya na naghihintay, keypad lang lang ang phone niya na pinaglumaan ng Lola niya. Panay pa ang pagyakap niya sa sarili niya dahil sa lamig dahil sa sobrang hangin at malamig talaga.

Nang matanaw niya si Dawson ay patakbo itong lumapit sa kaniya. Nakalong sleeve ito samantalang si Tyrone ay naka-hoodie jacket. Mas manipis ang kay Dawson kaya iniabot ni Tyrone ang dala niyang isang jacket pa kay Dawson.

"Suot mo ito. Malamig. Kamusta performance?" tanong ni Tyrone habang isinusuot ni Dawson ang jacket.

"So far so good. Where do you want to eat? My treat."

"Bahala ka, wala naman ako alam dito masyado."

Kumain sina Tyrone sa isang karinderya. Tuwang-tuwa naman si Tyrone kaya naman panay ang tulakan ng dalawa. Kailangan lang talaga nila hintayin ang result ng audition bago umuwi.

Pumunta sila sa mall at tumambay lang. Naglaro sa timezone, kumain ng ice cream, at panay ang paglalaro ng dalawa ng kung anu-ano. Halos naubos lang nila ang oras nila sa kakulitan nila sa loob ng mall. Marami rin nagbubulungan na ang sweet nilang magkapatid.

Hawak ni Tyrone ang cellphone ni Dawson. Gusto niya na siya ang unang makakita ng result dahil baka lukohin siya ni Dawson. Nang makita na niya ang result ay niyakap niya si Dawson dahil pasok pa rin ito. Habang masayang-masaya si Tyrone ay hindi naman maipinta ang mukha ni Dawson dahil gusto niya magkasama sila sa isang grupo kung papalarin man dahil komportable sila sa isa't-isa.

Kinaumagahan ay sumampa si Tyrone sa kama at nahiga sa likod ni Dawson dahil kasalukuyan itong nakadapa. Inilapag ni Tyrone ang kamay niya sa may tiyan niya habang nakatitig sa kisame.

"Gising na. Aalis ako."

"Hm..."

"Let's eat. Aalis na ako ayaw mo ako ihatid sa labas?" tanong niya pa bago niya iniangat ang kamay niya na tila may inaabot sa taas. "Isusumbong talaga kita kay Lola. Bilis na. Wala akong pagkain."

"Sasama ako," sagot ni Dawson habang nakapikit. "Dang it, it feels good."

Magkalapat ang labi ni Tyrone at naka-smile pero iniisip niya ang sinabi ni Dawson dahilan para maningkit ang mga mata niya ngunit wala naman siyang makuhang sagot.

"Bakit it feels good? It feels good na nakapatong ako sayo?" tanong ni Tyrone habang nakatingin sa kisame at binaba na muli sa may tiyan niya ang kamay niya. "Masahe please..."

SO THIS IS LOVE (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon