Journey #24

62 2 0
                                    

Habang tumatagal mas lalong nadidiskubre ni Tyrone ang sarili niya. When he tried to paint because of their school project he did a great job. Dahil doon ay talagang kapag wala siya gawa ay nagtatry siyang mabuo ng art pieces. Habang busy ang mga kuya niyabay may iba rin siyang pinagkakaabalahan.

He tried to write a poem for his group. Itinago niya ito sa damitan niya dahil yun ang pinakaunang tula na nabuo niya at ayaw niya itong mawala. Gusto niya itong buksan nakapagtapos na silang lahat ng pag-aaral.

He is also always holding their DLSR camera and he's trying to shoot beautiful scenery. Lagi niya itong dala lalo na kapag may school events or kapag naman nalabas sila. Gusto niya kunan lahat para maging memories na maaring balik-balikan.

Marami natutunan si Tyrone sa pag-iisa niya. Kahit anong busy ng schedule nila ay siya pa rin talaga ang gumagawa ng surprise para sa mga kaibigan niya tuwing birthday ng mga ito dahil busy pa ang mga ito ng dumating ang birthday ni Hoshi.

Nang magkaroon sila ng free time ay napagdesisyonan ni Tyrone na umuwi. Tumawag ang Lola niya at pinipilit siya nitong umuwi kaya naman pinagbigyan na niya. Ilang beses na rin kasi siyang pinipilit na umuwi nito ngunit hindi niya amgawa dahil sa research niya kaya ng matapos ay sobrang saya niya at napagdesisyonan na na umuwi. May mga dala siyang pasalubong dito kaya naman sobrang saya ng mga mata ng Lola niya.

"Namiss mo ba ako?" tanong ni Tyrone bago siya yumakap sa Lola na habang nakaupo sa sofa. "Ipagluluto mo ba ako, Lola?"

"Oo naman. Ano bang gusto mo?"

"Sinigang," tanging sagot ni Tyrone. "Lola, I love you."

"Ano ka ba? Bakit ang sweet mo? May kailangan ka?" Umiling si Tyrone at mas hinigpitan ang yakap sa kaniyang Lola.

Tyrone knows that there's new on his Lola. Malamlam na ang mga mata nito at kita na ang panghihina. Pinipilit lang ni Tyrone na huwag umiyak dahil ayaw niya itong makitang malungkot dahil sa kaniya.

"Lola, ako na lang po magluluto. Para naman matikman niyo tapos ikaw ang mag-guide sa akin. Okay po ba yun?"

"Hay salamat at matitikman ko rin ang luto mo. Hala! Sige na. May ingredients pa diyan."

Saktong umalis ang pamilya ng papa niya kaya walang naiwan kundi sila lang bg Lola niya na ikinatuwa naman niya. Habang nakaupo ang Lola niya at nakaset aside ang camera niya dahil gusto niya makuhanan ang oras na iyon. Inihanda niya ang mga ingredients at nagtatawanan sila ng Lola niya.

"Apo, masaya ka ba sa kanila?" Napalingon si Tyrone sa Lola niya habang naghihiwa ng patatas. "Masaya ka ba sa kanila?"

Tyrone smiled before he nodded.

"Opo. Hindi ko maipaliwanag yung saya, Lola. Alam niyo parati nila akong inaalala kahit na busy sila. Sa part na iyon sobrang masasabi ko na they really care about me. Hindi nila ako pinapabayaan. One time po ng ako na lang ang hindi makakuha sa step ng sayaw namin umiyak ako sa cr, then Hoshi came and he stayed and cry with me. Noong family day kahit mahirap na hindi umabsent ay talagang umabsent si kuya Lucas para lang maka-attend kahit pwede na siyang pumunta sa school nila after ng shoot namin. Si Dawson parati niya po ako inaalagaan. Si kuya Ryker hindi niya po ako pinapabayaan at parati niya ako iginaguide. Tapos si Flinn kahit emotionless yun ramdam ko na mahal niya kami kaya huwag mo na po ako alalahanin dahil nasa mabuting kamay ako. Hiding-hindi kami pababayaan ng management namin. Kaya ikaw, Lola… magpalakas ka para kapag concert na namin pinag-uusapan sa VIP seat ka dapat nakaupo."

Tumawa ang Lola niya habang pumapalakpak.

"Kahit anong mangyayari proud na proud ako sayo. Titingalain kita o kaya naman ay yuyukuan para lang makita na nandito ako parati na proud na proud sayo."

SO THIS IS LOVE (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon