8 hours practice plus a day in the school. Lahat sila ay hindi makanda-kumahog. Saturday at Sunday ay talagang binigyan na para sa pahinga nila ngunit hindi sapat dahil sa mga school requirements nila.
Parati silang nagpapractice at kaunti lang ang cheorohgraphy dahil sa mga instrument na hawak nila pero mahirap pa rin. Minsan ay halos umikot na ang mundo ni Tyrone sa tuwing tatayo siya dahil sa pagod at puyat. Nakita niya rin kung paano dumugo ang ilong ni Hoshi dahil sa sobrang pagod sa school at practice. Pinagsasabay nilang lahat iyon.
Walang salita na makapagdidescribe sa pagod na pinagdadaanan nila. Minsan ay talagang iniiyak na lang ni Tyrone ang pagod at stress sa school ngunit sa kabila ng paghihirap ay ang unti-unting pagkakakilanlan nila. Medyo marami na rin sa kanila ang nakakakilala kaya naman iyon na lang ang inspirasyon na iniisip nila. Na kahit papano ay nagkakaroon na ng bunga ang paghihirap nila.
Kompleto ang pamilya ni Dawson noong graduation nila. Si Dawn ang tanging nakahalo sa kanila dahil sa nakaboring naman daw kasama ang parents nila na tahimik lang na nanonood. Lahat sila ay present sa graduation ni Dawson. Nakilala na rin nilang lahat ang parents nito at naging okay naman at nagpasalamat ang mommy ni Dawson sa kanila dahil kahit papano ay nagpatuloy si Dawson sa pag-aaral.
Sa bahay nila Dawson sila dumiretso dahil sa isang dinner. Hindi nila ito matawag na simple dahil talagang pang-special ang lahat. Mabuti na lang din ay marami ang bisita na hindi na sila masyaso pa napagtuonan ng pansin ng mga magulang ni Dawson.
"Akala ko magdodoctor yan hindi pala," sabi ng isang matandang lalaki na narinig ni Tyrone. "Panganay hindi naman maasahan ano?"
Pinilit ni Tyrone na pigilan ang sarili niya. Ayaw niyang may mabastos at baka magkagulo pa. Hindi talaga mawawala ang mga taong pinipressure ang mga panganay na tila ito ang sasalo sa lahat ng kung ano ang mga magulang nila.
"Hyung, ano ginagawa mo rito?" bulong ni Hoshi sa kaniya. "Nagmamala-paparrazi ka ata rito?"
"Walang utang na loob sa magulang." Pati si Hoshi ay nagulat din sa narinig. "Dapat hindi nila hinahayaan na magmukhang clown ang anak nila. Sa pagdodoctor baka maging successful pa yan." Hinawakan ni Tyrone ang kamay ni Hoshi at hinila na papaalis at papalabas.
Nakarating sila sa garden na walang tao dahil nasa loob naman ang mga bisita. Hindi pa rin makapaniwala si Hoshi sa narinig kaya binatukan na siya ni Tyrone.
"Grabe talaga sila. Kung ganoon ang mga parating makaksalamuha mo mas okay na huwag na lang maging mayaman. Hindi porket doctor ang magulang ay gusto na rin ng anak na maging doctor. Hindi ako makapaniwala," sabi ni Hoshi habang siya ay nakayuko lang.
"Ang pangit ng mindset nila hindi nag-uupgrade. Parang ang tanging freedom mo lang talaga ay mabuhay ngunit nawawalan ng saysay," sabi ni Tyrone. "Naiintindihan ko na kung bakit hindi pala uwi si Dawson. Kung bakit mas gusto niya sa sarili unit niya kaysa sa bahay nila. Kung bakit kahit na malayo siya ay parati siyang free pagdating kay Dawn dahil ayaw na ipressure rin ang kapatid niya sa mga bagay na hindi naman gusto nito. Paano na lang kaya kay kuya Lucas 'no?"
Isinakbit ni Tyrone ang braso niya sa braso ni Hoshi. Pareho silang tumingala sa kalangitan habang pinagmamasdan ang mga bituin.
"Ang hirap talaga maging mataas at gold. Magsishine sa panlabas ngunit durog na durog inside," sabi ni Tyrone.
Wala silang sinabi sa narinig nila ng gabing iyon. Ang mahalaga ay hindi nila hinahayaan ang isa't-isa at nagsusuportahan sila.
After mag-practice nina Tyrone ay dumiretso sila sa unit ni Dawson. Silang dalawa lang kasi ang nagpractice at sobrang lakas din ng ulan kaya sa unit na lang sila ni Dawson dumiretso.
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...