RYKER

64 4 0
                                    

RYKER

"Mom, gusto ko mag-audition dito." Iniabot niya ang isang papel na ibinigay sa kaniya ng isang staff ng Bright noong nagperform siya sa isang Street mini performance. "Ano sa tingin mo?" he asked.

Biglang lumabas ang dalawa niyang kapatid at tumabi sa kaniya kaya napapagitnaan siya ng dalawa.

"Ako ba pwede rin diyan?" tanong ng panganay na kapatid niyang si Porter.

"Hindi ka bagay dito, kuya." Hinampas siya nito sa balikat dahilan para magalit siya. "Pag-galit… pikon."

"So ano ba yan rapper ang kailangan?" tanong ng isa niyang kapatid na si Quinn. "Ow it's a group pala."

"Pinapunta nila ako eh. Mom, ano?" tanong niya bago dumating ang Daddy niya saka naupo kung saan nakaupo ang mommy niya dahil magkakatabi silang magkakapatid. "Dad, ano?"

"Gusto mo ba?" tanong ng Daddy niya na kaagad niyang ikinatango. "Then go. Whatever you want basta hindi pagbubulakbol okay lang sa akin."

Inilipat niya ang tingin sa mommy niyang nakangiti na rin bago tumango.

"Yes!"

Magkakasama silang lahat sa isang sasakyan ng pumunta sila ng building. May mga nag-aaudition naman pero hindi karami katulad ng nakikita niya sa iba. Pagfill up niya ng form ay hinintay siya ng pamilya niya sa may lobby. After niyang makapag-audition ay nakita niya ang staff na isa sa mga judges.

"Actually you're an asset. Dapat nga hindi mo na kailangan mag-audition pero dahil kailangan namin matest ka pa kaya ka namin pinapunta rito at para na rin malaman namin kung gusto mo. Now that you're here, you're qualified to be the member-trainee of the group."

Marami pa ang sinabi nito at dahil kasama na niya ang mga magulang niya ay kinausap na ito ng mga ito. Sinabi na ang mga kailangan gawin na kaagad naman siyang pinayagan.

Nauna siyang lumipat sa basement. Isa siya sa tumulong sa mga ito na maghanap ng mga possible trainee. Until when he met Tyrone and Dawson and he didn't even think that those two were going to be with him in a group.

Dawson is the one who is closest to him. He's scared of responsibility but when Lucas comes, the atmosphere becomes light to him. Mas sanay siya na hindi siya ang kuya kaya nang dumating ang apat ay doon niya narealize na tatayo siyang bilang kuya ng tatlong bata na sina Dawson, Flinn, at lalong-lalo na kay Tyrone na tutuntong pa nga lang sa high school. Magka-edad lang sila ni Hoshi pero kahit ganoon ay maloko si Hoshi kaya talagang considered niyang magiging kuya rin siya rito.

Sa 2 years na pagiging trainee doon niya naranasan ang pagbabalanse ng mga bagay-bagay. Gumagawa pa siya ng time management notes para sa kanilang lahat dahil sa sobrang hectic ng schedule nila. Nang huminto si Lucas ay kahit papano ay nakahinga sila dahil may gumabay sa kanilang lahat at halos nabawasan ang mga ginagawa nila dahil dito.

"Hyung, next year babalik ka na ba ulit?" tanong niya rito habang nagluluto ito ng pagkain nila. Alam niyang anak mayaman ito pero bilib siya dahil sa kaalaman nito sa mga gawaing bahay. "Mag-aral ka na ulit."

"Plano ko nga rin eh. Don't worry I'll handle myself. Pag-aaral mo ang asikasuhin mo."

They feel loved because of Lucas. He's aware that he might fall for him because he's bisexual. He likes men before they become trainees and also some women as flings. Hindi niya ito sinasabi dahil sa takot na mahusgahan siya ng mga kasama niya.

"Hyung, patulong." Nilingon niya si Dawson na hirap na hirap na sa pagsulat ng tula para sa isang assignment niya. "Hindi ko na alam ilalagay ko eh." Naupo ito sa tabi niya saka iniabot ang notebook at ballpen.

SO THIS IS LOVE (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon