Yakap-yakap ni Hoshi si Tyrone habang pilit itong gustong kumawala. Tawa ng tawa si Hoshi habang pikon na pikon na si Tyrone. Tumingin si Tyrone sa kung nasaan si Lucas para humingi ng tulong binaliwala lang siya nito.
"Hoshi naman eh! Hyung!"
Yakap-yakap siya ni Hoshi at panay ang pamumunas ng kamay nito sa damit niya dahil ginawa siyang living basahan ni Hoshi. Imbis na maawa ang mga kasama niya sa kaniya ay mas lalo pa itong natawa dahil sa mukha ni Tyrone na parang batang inaaway.
Halos maiyak na si Tyrone pero talagang hindi siya tinantanan ni Hoshi. Nang tumayo naman si Flinn ay pinagpupunas niya rin kay Tyrone ang kamay niyang may mantika dahil sa kinain nitong shanghai.
"Wah! Ayoko na!" sigaw ni Tyrone.
Nang magbukas ang pinto ay saktong kapapasok pa lang ni Ryker kasama si Dawson na kagagaling pa lang sa dance studio.
"Dawson…"
Napa-kurap-kurap ng mata si Dawson habang pawis na pawis dahil sa practice nito. Mabagal itong lumapit sa dalawa habang patawa-tawa si Flinn sabay simangot at balik sa mood niyang tila parating pagod.
Akala ni Tyrone ay tulungan siya ni Dawson pero niyakap siya nito at mas lalong umasim ang mukha ni Tyrone dahil sa damang-dama ng katawan niya ang pawis ni Dawson. Isiniksik pa ni Dawson ang mukha niya sa may leeg ni Tyrone dahilan para malukot na talaga ang mukha ni Tyrone.
Mas lalong nag-tawanan ang lima pero naging seryoso na ang mukha ni Tyrone. Bumitaw si Dawson at pasimpleng hinawakan ang baywang ni Tyrone. Tinapik na rin ni Dawson ang kamay ni Hoshi dahilan para tuluyan na nga mabitawan si Tyrone.
Akala niya ay tuluyan na siyang makakalayo pero mas ikinagulat niya nang lumapit si Ryker sa kaniya at yumakap sa may likuran niya at kasalukuyan din itong pawis na pawis din. Asim na asim na ang mukha ni Tyrone pero mas ikinagulat niya ng bigla na lang din hinila nina Hoshi at Flinn si Lucas na mas maarte pa kay Tyrone at niyakap na rin ni Dawson.
"Dawson, let me go. You gago!" sigaw ni Lucas kaya maging si Tyrone ay natawa. "Gosh! Pawis na pawis!" sigaw pang muli nito.
Dahil sa nangyari ay naglupasay na si Lucas pero lumapit sa kaniya si Ryker at nahiga sa tabi niya at niyakap siya at tinandayan dahilan para hindi siya makatakas. Hinila ni Lucas si Flinn kaya yumakap na lang sa kaniya si Flinn at pumikit.
Nakangusong nahiga na rin si Tyrone at yumakap kay Ryker. Samantalang tumabi si Hoshi kay Flinn at yumakap na din sa baywang ni Flinn. Si Dawson naman ay nahiga sa tabi ni Tyrone at yumakap siya sa baywang nito at isiniksik ang mukha niya sa may balikat ni Tyrone.
"Mga pasaway kayo," sambit ni Lucas na halos hindi na makahinga pa dahil sa yakap ni Ryker at Flinn sa kaniya. "I need to take a bath after this. Mga walang hiya kayo."
Dahil sa pagod ay nakatulog si Dawson at napansin na iyon ni Tyrone kaya hindi na siya naglili-likot pa. Sumenyas din siya na tulog na si Dawson kay Lucas. Kinalabasan ay sina Lucas, Flinn, at Tyrone na lang ang gising.
"Ang bigat ni Ryker," reklamo ni Lucas.
"Mabango pa rin naman si Dawson. Okay lang," sambit naman ni Tyrone na bahagyang ikinangiti ni Flinn. "Pero hindi ako natutuwa sa pawis na dumidikit na sa katawan at damit ko."
"Same," sabat naman ni Flinn. "Why do we need to be like this? I think I'll just sleep too. Pagod din ako."
Nang pumikit si Tyrone ay nakaramdam na rin nga siya ng antok. Kinalabasan lahat sila nakatulog sa lapag. Dawson, Tyrone, Ryker, Lucas, Flinn, at Hoshi… yun ang pagkakasunod-sunod nila habang nakayakap sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
SO THIS IS LOVE (Under Revision)
Random[COMPLETED] Idol Romance & Bl Story Tunghayan ang iba't-ibang uri ng pagmamahal. Ang pagmamahal na handa kang ipaglaban sa mundo kahit hindi mo gusto. Ang pagmamahal na mali man sa iba na ay sabay ipaglalaban hanggang sa huli. Pagmamahal na handang...