Journey #52

57 2 0
                                    

Hindi nga talaga pinayagan ni Lucas na mag-isa. Isinama siya ni Lucas at isinama naman ni Ryker si Dawson. Akala nila ay pareho silang kay Lucas sasama pero hindi pumayag si Zeyr mas pumayag ito na si Dawson ay sumama kay Ryker. Mainit pa rin kasi ang mga mata ng management sa kanila at kailangan pa rin nilang mag-ingat.

Whatever what they have in their own life dapat hindi nito maapektuhan kung ano man sila sa harapan ng camera. If the CEO supports them then they should be more careful. Hindi lahat ay suportado kaya parati rin nakatingin sa kanila ang management dahil hindi lahat ay nagustuhan ang pagiging clingy nila sa isa't-isa.

"Hyung, kailangan puntahan si Mumu. Dawn is busy," sabi niya dahil hindi siya makaalis dahil sa higpit ni Lucas. "Pupunta ako kina kuya Ryker. Dali na."

"Wait, I'll just take a bath. Sasama ako. Wala naman akong gagawin. Tawagan mo na rin yung dalawa. We're going to bond. Bukas may photoshoot ulit tayo sa isang magazine kaya naman pakasaya muna tayo ngayon," sabi ni Lucas bago siya iniwan sa living room.

Nahiga siya sa kama habang itinetext ang apat para sa plano ni Lucas. Magkasama naman sina Hoshi at Dawn kaya ito na raw ang magdadala kay Mumu. Halos inabot si Lucas ng lampas isang oras bago tuluyang matapos. Antok na antok na siya sa kahihintay at swerte na lang na hindi siya nakatulog.

They ordered foods and it will be deliver on Ryker's address. Medyo natagalan sila dahil sa traffic at bumili raw si Hoshi ng beer bago sila naghiwalay ni Dawn ng pupuntahan. Pagkarating nila ay nakahiga si Flinn sa couch habang naglalaro sa kaniyang cellphone ng online game. Si Ryker naman ay busy sa pagbabasa ng libro habang si Dawson ay nakaupo lang sa single sofa. Kaagad siyang lumapit dito pero hinila siya nito at pinaupo sa lap nito kaya nakatalikod siya rito.

"Nandito na kami ni Mumu!" sigaw ni Hoshi habang bitbit nito ang basket at yakap naman ang pusa. Inilipag ni Hoshi sa lap niya ang pusa na kaagad naman niyang hinawakan at hinaplos. "Diyan ka na sa master mo, Mumu. I'm tired of you. Kailangan ko huminga, masyado na akong stress na parang anak na kita."

Natawa siya at hinaplos niya ang balahibo nito. Nakasandal na rin ang likod niya sa dibdib ni Dawson habang siya ay busy sa pusa.

"Namiss mo ba ako, Mumu? Ang cute-cute mo na." Kinuha niya ito sa lap niya at niyakap. "Yie. Busy ang mommy mo ah? Ako muna bahala sayo. Ako ang master mo, baby Mumu." Pinanggigilan niya ito at hinalikan.

"Dawson, sarap maging pusa ano? Nakakahalik," sabi ni Hoshi habang busy sa pagkain ng pizza.

"Baka gusto mong pagduguin ko yang nguso mo at hindi ka na rin makahalik na bwiset ka. Tandaan mo, hyung. Kapatid ako ng girlfriend mo."

"Bakit naman ako matatakot? Hindi naman kita kabit," sabi nito na halatang pinipilosopo nito si Dawson. "Joke lang. I love you, my brother-in-law."

Binato siya ni Dawson ng suot nitong sumbrero. Tatayo na sana siya ngunit pinigilan siya ni Dawson. Inilapag nito ang kamay sa tiyan niya kaya nanatili na lang siya habang patuloy sa paghahain nina Lucas at Ryker ng pagkain sa center table.

"Tama na yan. Kakain na tayo," sabi ni Lucas. Binitawan niya muna si Mumu at inilagay sa basket nito. "Tyrone, maghugas ka ng kamay bago ka kumain."

Nilagyan niya ng pagkain si Mumu bago siya tuluyang naghugas ng kamay. Pagbalik niya ay sumenyas si Dawson na tumabi sa kaniya pero mas pinili niyang maupo sa tabi ni Flinn. Napagdesisyonan kasi nilang maglive ng kahit ilang minuto. Pumayag naman na sina Zeyr pero manonood daw sila kaya kailangan nilang maging behave.

"Magsisimula na tayo. At least 5 minutes lang tayo," sabi ni Lucas bago tuluyang pinindot ang start button. "Hello, STARS. Hello sa inyong lahat."

Lahat sila ay kumaway at isinakbit niya ang braso niya sa braso ni Flinn. Share rin sila sa phone nito dahil nagbabasa sila ng comments.

SO THIS IS LOVE (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon